Chapter 2 - Meet Him

15 1 0
                                    

Troy's POV

Riiiiing..... Riiiiing..... Riiiiing.....

I was in my deep sleep when my phone suddenly rang. I search for my phone while my eyes are still close. Nang hindi ko ito makapa ay nagmulat na ako ng mata at sinilip ang ilalim ng kama ko.

Mukhang nalaglag nanaman ata ang cellphone ko kagabi. Nang makuha ko na ito ay tiningnan ko muna ang caller bago sagutin.

It's my mom who's calling.

Tsss. Mukhang sermon na naman ata ang aabutin ko.

"Yes My?"walang gana kong sagot. Antok na antok pa kasi ako dahil anong oras na ako nakauwi galing airport. Kakauwi ko lang galing Los Angeles.

"Good Morning din Troy Andrew."sagot naman niya sa kabilang linya."Kahit kailan ka talagang bata ka wala kang galang."halata ang iritasyon sa boses ni Mommy.

"Why did you call my?"(mi) hindi ko nalang pinansin ang iba pa niyang sinabi.

"Sinabi ko na sayo na dito ka dumiretso sa bahay pagkagaling mo sa airport pero bakit nandiyan ka sa condo mo?"dire-diretsong sermon ni Mommy. Napakamot nalang ako sa batok ko dahil umagang-umaga sermon agad ang almusal ko.

"Aba hoy Troy Andrew hindi mo man lang ba kami namiss ng Daddy at mga kapatid mo? Nandiyan ka pa bang bata ka?"sigaw niya. Natatawa nalang ako sa pagiging nagger ni Mommy.

"Yeah. Mamaya nalang po ako pupunta diyan. Pagod pa po ako sa byahe eh, saka mas malapit po itong condo ko sa airport kaya dito na po ako tumuloy."explain ko saka bumangon na ako at binuksan ang kurtina ng kwarto ko. "I miss you so much My."

"Wag ka ng pumunta dito sa bahay."seryosong sabi niya sa kabilang linya. Napanganga naman ako sa tinuran niya.

Ayaw na akong pauwiin ni Mommy sa bahay pero bakit?

"Mommy ano po ulit yun?"kinakabahan kong ulit. Baka nabingi lang ako at mali ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. Mas mabuti ng magtanong kesa mamamatay ng confused.

"Sabi ko wag ka ng pumunta dito."ulit niya din. This time sigurado na ako na hindi ako nabingi o namali ng narinig dahil intinding-intindi ko ang pagkakasabi ni Mommy sa bawat salita niya. Malinaw pa sa sinag ng araw.

"Mommy naman eh. Sobrang pagod na po talaga ako kagabi kaya hindi na ako dumiretso diyan. Ang babaw naman po ng dahilan mo para palayasin ako agad, saka 19 lang po ako. Hindi ko pa po kaya magtrabaho. Maawa ka naman sakin my. Ang gwapo-gwapo ng anak mo tapos palalayasin mo lang? Aba'y hindi naman po ata makatarungan yan. Siguradong magagalit si Daddy pag nalaman niya na pinalalayas mo ako ng dahil lang sa hindi ako diyan tumuloy kagabi."reklamo ko. Aba'y ang bata ko para mamuhay mag-isa noh, though I live on my own condo pero suportado parin ako ng parents ko.

Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Mommy kaya napataas ang kilay ko.

Mukhang nababaliw na siya. Buti nalang at nakakatiis pa si Daddy sa ugali ni Mommy.

"Mommy."

"Ha-haha-ha. Sorry anak, it's just that prrrt your so funny. hahaha."tawa lang siya ng tawa. I'm sure that she's laughing her heart out. Mukhang napagod na ata siya sa kakatawa kaya unti-unti ng tumatahimik sa kabila.

"Are you done laughing now mom?"naiirita kong tanong. Ang dami ko sinabi tapos tatawanan lang ako.

"Oy naiinis na siya."biro pa niya."Don't worry son. It's not what you think ok? Hindi na kita pinapapunta dito dahil gusto ko dun ka na sa bahay ng friend ko tumuloy. Nag-invite kasi sila ng dinner and your dad wants you to be there."tuloy-tuloy lang niyang sabi. "If you still remember your Tita Stella. And I also want you to meet her daughter. So no more buts. I'll text you the address and don't be late ok?"

♥ Bored Being Single ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon