Cassie's POV
Oh My Gee. My first kiss was stolen by a stranger!? I can't believed it.
Nandito parin ako sa parking lot kasama ang lalaking gwapo ngunit walang modo slash magnanakaw nang halik.
"Why did you that Miss?"masama ang tingin na ibinibigay niya sakin dahil sa ginawa kong pagsampal sa kanyang mukha.
"I think you should asked yourself first Mister."mataray ko rin namang sagot sa kanya.
Ang kapal ng mukha niya para tanungin ako nang ganun at pagtaasan ng boses. Hindi ba't dapat ako ang magalit dito dahil ako ang naagrabyado.
"Ok. I'm sorry for that."hinging paumanhin niya. Bakas sa mukha niya ang sincerity pero mahahalata parin ang pagkamayabang niya. "Sorry for kissing you a while ago. That girl is just so clingy and such that's why I needed and pulled you in that situation."
"It's your own problem so why did you pulled me in that kind of situation? What if one of this day we accidentally bump into each other and bigla nalang niya akong sabunutan? May magagawa ka ba huh?"singhal ko pa. Paano if mangyari nga yun? Edi masisira na ang maganda kong buhok?
Ok Cassie may problema ka na nga yung buhok mo pa rin ang iniisip mo.
Why not? My beautiful hair is one of my asset.
Eh kung pino-problema mo muna kaya iyang gwapong lalaki sa harapan mo.
Ay grabe. Pati ang isip ko ang landi narin.
Muli kong tiningnan nang masama ang lalaking nasa harapan ko.
"Ok Miss I'm really sorry. And hindi naman siguro ugali ni Shaine ang gumawa ng eskandalo kaya wag mo nang isipin pa yun."paliwanag naman niya. Napataas ng sobra ang kilay ko sa sinabi niya.
"Hindi niya ugali?!"medyo napalakas ang boses ko kaya may ilang mga tao ang napatingin sa pwesto namin.
Napatakip nalang ako ng bibig ko dala ng pagkainis.
"Can you please lower down your voice?"at napatingin-tingin pa ito sa paligid.
"So tingin mo talaga hindi niya ugali ang mag-eskandalo? So ano yung tawag mo dun sa nangyari kanina?"inis na tanong ko. Hindi pa ba eskandalo yun eh halos nakatingin na nga kanina yung mga taong medyo malapit papuntang cr.
"Argh. You're so noisy."at sa pangalawang pagkakataon, hinalikan ulit ako ng magnanakaw nang halik.
Nanlalaki ang mata ko ng maghiwalay ang mga labi namin. Nakita ko pa na may sumilay na ngiti sa labi niya na parang sinasabi na 'A kiss to make you shut up.'
Dahil sa pagkabigla ko ay bigla ko nalang siyang naitulak, at nasipa sa where-it-hurts-the-most.
"OUCH!!!"sigaw niya habang unti-unting napapaluhod sa sahig ng parking lot...
Napansin ko naman na may dalawang lalaki ang papunta sa pwesto namin kaya dali-dali na akong tumakbo at pumara agad ng taxi.
Narinig ko pa ang sigaw niya bago ako tuluyang makasakay.
"You're going to pay for this. Argh."namimilipit niyang sigaw na sinabayan pa ng tawa nang dalawang lalaki na sa tingin ko ay mga kaibigan niya.
~~~~~
Quarter to 6 na nang dumating ako sa bahay.
Naabutan ko si Kuya na nakaupo sa sofa habang mataman akong tinitingnan nang masama. Agad itong tumayo at nilapitan ako.
"Where have you been?"bungad niya. "Pinaghintay mo ako tapos wala ka na pala sa mall, at hindi lang ako ang pinaghintay mo. Alam mo ba kung gaano nag-alala si Hadley sayo!?"sermon pa niya. At dun ko nga lang naalala na kasama ko nga pala kanina si Hadley.