Chapter 5 - Personal Driver

15 0 0
                                    

Cassie's POV

"Cassie answer your phone. Cassie answer your phone. CASSIE ANSWER YOUR PHONE!"

Dali-dali kong kinapa ang phone kong nagri-ring at agad itong sinagot.

"Hmmm."antok ko pang sagot. Hadley recorded that tone just to wake me up always.

"Are you still in bed?"tanong niya. Tamad na tamad naman akong sumagot kaya no response nalang.

"Cassandra."seryoso pang tawag nito sakin."I just want to remind you that you need to come to school this early because we SC Officers have a lot of paper works to do. I hope you don't forget. Bumangon ka na diyan please lang. Galit na si Pres."mahabang paliwanag pa nito. Mumukat-mukat naman akong bumangon at nag-inat-inat.

If hindi ninyo kasi natatanong, miyembro ako nang Student Council. Akala ninyo siguro papetiks-petiks lang ako noh? Nah. Diyan kayo nagkakamali. Hindi naman ganun kataas ang posisyon ko but most of the time ako ang lagi nilang kailangan.

Akala nung iba ang dali maging Secretary but they didn't know the fact that the secretary has the most pressured and tiredy work.

Yes. Secretary ako ng Student Council, and Hadley is the Vice President.

Almost 3 weeks na rin ang nakakalipas after nang dinner namin with Tita Laureen and her family.

Wala naman masyadong nangyari in that 3 weeks. Lagi parin akong inaasar ni Kuya. But nakon-front ko na rin siya about dun sa mga bina-block niyang MGA suitor ko.

Yes mga! Inamin na din kasi ni Kuya yung mga ginawa niyang pananakot dun sa mga nagbabalak na manligaw sakin. He said that he only want to protect me, though I understand him naman eh.

But I already told him na kaya ko namang ingatan at alagaan ang sarili ko kaya sinabi nalang niya na hindi na DAW siya hahadlang. Though nag-aalangan ako if tutupad ba siya sa mga sinabi niya.

Dali-dali na akong kumilos dahil sigurado ako na papagalitan nanaman ako ng napakabait *note the sarcasm* naming President. Nagstart na ang klase a week ago and medyo sobrang busy na nga kami dahil marami na kaming inaasikaso sa School.

Siguro you we're wondering kung bakit may mga SC Officers na since kakasimula palang naman nang klase.

Well, to tell you, before kasi mag-end ang klase every year eh, nag aapoint na ang mga dating Officers nang papalit sa kanila. Though botohan parin naman ang nangyari.

And last March nga naappoint na ako kasama pa ang iba para ipagpatuloy ang mga trabaho nila bilang Officers.

Nagsusuklay na ako ng buhok ko nang magring ulit ang phone ko.

Sinagot ko na agad ang tawag kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumatawag.

"Hello."agad kong sagot.

"It's already 9:30 am and yet you're still not here. Ano bang sinabi ko sayo kahapon?!"magandang bungad agad sakin ng aming President.

"Pres. pwede namang sumagot nang hello din di ba? Init agad nang ulo mo."biro ko dito though I know namumula nanaman agad ang tenga niya sa inis sakin.

"Just to remind you Ms.Montinel, you have many obligations to do as I am. You have all the papers that I need to sign and yet the President is still early than his secretary."

Ang yabang talaga. Bakit? Ginusto ko bang ma-assigned bilang secretary niya?! Huh!

"Yes Sir. I'm on my way na. Don't worry. Bye."at binaba ko na agad ang tawag kahit hindi pa siya sumasagot.

Haizt. It's all Hadley's fault. Siya kasi ang nagpumilit na nominate ako as secretary ng klase namin. Then boom. Dun din sila pumili ng mga new officers sa mga class officers.

Pagbaba ko nang hagdan naabutan ko si Mommy na may kausap sa dining table namin. Nakatalikod yung kausap ni Mommy kaya hindi ko agad nakilala. Nasa last step na ako nang mamataan ako ni Mom.

"Good Morning Mommy."bati ko dito. Agad naman akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Good Morning din Baby. Papasok ka na ba?"she asked. I just nodded.

"Kanina pa sana kita gustong gisingin kasi sabay daw kayo nitong si Troy pumasok kaso hayaan nalang daw muna kita kaya hindi na kita ginising."sabi naman ni Mommy. Dun lang ako napalingon at ang nakangiting mukha ni Troy Andrew ang nakita ko.

"Good Morning Sandy."he greeted me while having a big smile on his face.

"Siya kumain na muna kayong dalawa bago pumasok. Punta lang akong garden. Bye. Ingat sa pagdadrive Troy ha."at bago umalis si Mommy ay binigyan niya muna kami ni Troy Andrew nang halik sa pisngi. My mom is one of best and sweetest Mommy ever.

"So let's eat?"Troy said.

"What are you doing here this early?"I asked. Simula kasi nung magdinner kami with his Family hindi pa kami nagkakausap.

"Well I just want to compensate the time that we've lost? Mga oras na sana may moments tayong dalawa. "he said.

"Well you don't have to. Ilang years na ba ang lumipas? Saka kung magsalita ka diyan parang may past tayo ah."hindi ko nakatingin na sabi sa kanya. Kumuha lang ako nang bread sa table then naglakad na palabas.

"Sandy wait."habol niya pa sakin. Hindi naman ako tumigil at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Palabas na ako ng gate nang maabutan niya ako.

"Wait me here. I'll just get my car."

"No need. I can mana---"he cut me off.

"I insist."at tuluyang na siyang umalis. Ilang saglit at pinagbuksan na niya ako ng pinto.

Wala nanaman akong magawa dahil malelate narin ako kaya sumakay na ako.

"From now on I will be your own personal driver."napalingon naman ako sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako nang pigilan niya ako.

"Don't speak. I'm not done talking."dagdag pa niya.

"Your mom asked me and I already said yes. I also have all your schedules and that's all. No more buts."tuloy-tuloy niyang sabi habang diretso lang ang tingin sa kalsada.

Hindi na ako umimik pa dahil sa totoo lang ayoko siyang kausap. Saka as if naman na gagawin talaga ni Mommy na bigyan ako nang personal driver.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ok. Here's Chapter 5. Enjoy reading.

Sa mga nagbabasa po nito pakispread naman po ng Bored Being Single sa iba. Yun lang and add me sa twitter. @AnneLacopia.

Godbless everyone.

<3 This is Ms.Simpletty signing off <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

♥ Bored Being Single ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon