Kasalukuyan kaming nanonood ng Insidious kung saan ililigtas na ng tatay yung anak niya sa pagiging possessed.
"Maxzein natatakot nako" bulong ni Maxzee sa'kin na nasa gitna namin ni Maxzin dahil natatakot daw siya baka may mangalabit sa kanya, pinatay kase namin yung ilaw para mas maganda yung palabas kunwari nasa cine daw kami sabi ni Maxzei.
"Ano ba hindi naman nakakatakot eh" bulong ko rin sa kanya. Ramdam ko ang panginginig niya sa kamay dahil hawak niya ang kamay ko.
"Maxzee naman oh, kaya mo yan o kaya naman pikit ka na lang para hindi ka matakot, 'wag kang mag-alala pagkatapos niyan Romeo and Juliet na daw papanoorin natin na favorite ni Maxzei" bulong ni Maxzin sa kanya.
"Okay" bulong ni Maxzee kay Maxzin na ngayon ay kalmado na dahil kay Maxzin.
Isaac's POV
"Guys hahahaha nakita niyo ba expression ng isa sa kanila yung nakabungguan ko hahahaha nakasimangot ang sarap asarin hahaha" hindi ko mapigilan ang tawa ko habang nasa sasakyan. Hindi ko maiwasang matawa sa mukha kanina ng babaeng nakabanggaan ko sa counter. Ang sarap niyang asarin lalo na't namumula siya mukha siyang dragon kung tingnan.
"Hoy! Siraulo ka mamaya ma-inlove ka na lang dun, inaasar mo nang inaasar"sabi sakin ni Alex.
"S-siraulo ka ah! Ako mai-inlove sa dragon na yun bwahahahaha asa ka dude" sabi ko sa kanya at hindi mapigilan ang tawa.
"Sana lang" sabi ni Fergus na kanina pa tahimik.
"Guys doon daw tayo mag-dinner sabi ni mommy" sabi ni Leonard na nagdadrive.
"Kailan pa umuwi si tita Lohry at tito Andrew?" nagtatakang tanong. Sina tita Lohry at tito Andrew ang parents ni Leonard. May pagkastrikto si tito Andrew at medyo makulit si tita Lohry mahilig din siyang magluto ng dinner sa'min kapag umuuwi siya sa Pinas.
"Kahapon lang ng gabi" sagot ni Leo.
"Ang gulo mo kausap hapon na gabi pa" naguguluhang sabi ko kay Leo.
"Wag ka na lang maingay" saway sa'kin ni Alexander.
~Leonard's Mansion~
Nandito kami ngayon sa living room nila Leonard.
"Waaaahh! Namiss ko kayo boys ipinagluto ko kayo ng mga pagkain, Halina kayo kain na tayo habang mainit pa yung mga niluto ko masarap din yung mga desserts" excited na bati samin ni tita Lohry.
"Hi po tita welcome back" masayang bati rin namin kay tita Lohry.
Nandito kami ngayon sa kusina habang kumakain. Tahimik lang kaming lahat habang nagk-kwento lang si tita Lohry.
"Alam niyo boys dapat sa susunod ma vacation punta kayo sa beach hindi yung lagi lang kayong nangingibang-bansa, swimming tayo sa susunod na vacation ha" pagpupumilit ni tita.
"Oo nga naman boys lagi na lang kayo sa ibang bansa.... By the way kamusta pala yung pagpunta niyo sa Japan?" tanong ni tito Andrew.
"Okay naman po tito, Masaya po sa Japan, Masarap po yung mga pagkain nila" sabi ko at tumango naman si tito.
"Wala namang mga babae doon yung anak ko?" natatawang tanong ni tito na dahilan kung bakit kami natawa.
"Daddy ano ba'ng tanong 'yan" inis na sabi ni Leo kay tito Andrew.
"Easy anak, nagbibiro lang ako.... By the way how's your studies?" tanong ni tito sa aming lahat.
"As usual po si Fergus parin po top 1 namin" walang ganang sagot ni Alex.
YOU ARE READING
When The NBSB Girls Fall
Teen FictionPaano kaya kung nakakilala ang apat na lalaking party goers at jerks ang apat na babaeng NBSB na masusungit nahanap na kaya nila ang magpapatino sa kanila ,paano kung masasaktan lang pala nila ang NBSB girls na magkakapatid, Sila kaya ang magkakatul...