Maxzee's POV
~one week after~
Grabe! Hindi ko na napansin ang mga araw na nagdaan at as usual lagi lang kaming nagmo-mall para bumili ng damit, sapatos at etc.
Excited akong pumasok ngayon kaso kinakabahan ako dahil sa lalaking ikwenento sa'kin ni Fergus.
=Flashback=
Naglalakad kami ni Fergus papuntang clinic.
"Uhh... Fergus kilala mo ba yung lalaking yun, na muntik na akong halikan" tanong ko kay Fergus kaya humarap naman siya sa'kin.
"Ahh.... Si Paul Wade matagal na siya dito, marami nang nagrereklamo tungkol sa ginagawa niyang ganon pero nasusuhulan niya ang ang mga ginaganun nya na wag nang magsumbing kaya lang kakilala ko ang Dean, sa totoo nga lang tito tawag ko sa kanya kase daddy siya ng best friend ko kaya malamang mas kakampihan kami nun" mahabang paliwanag sa'kin ni Fergus.
"Nakakatakot naman kase paano kung balikan niya ako huhuhu" naluluha kong sabi kay Fergus. Kase naman natatakot ako na mamaya may gawin sa'kin sa masama yung Paul na'yun.
"Tss.... Ako bahala sa'yo basta sabihin mo sa'kin kapag may ginawa siya sayong masama to-to-tohanin ko ang mga sinabi ko kanina" confident na sabi sa'kin ni Fergus na nakapagpagaan ng aking pakiramdam.
=End of Flashback=
Sana lang totoo ang sinabi sa'kin ni Fergus na siya na ang bahala sa'kin.
"Maxzee!! Ready na kami bumaba ka na d'yan sa kwarto mo!" sigaw ni Maxzein.
"Okay sandali na lang!" sigaw ko pabalik sa kanya at kinuha na ang bag atsaka bumaba.
"Geeezz! Ang cute ng uniform" sabi ni Maxzei na tuwang tuwa habang paikot ikot dahil sa uniform namin na mini skirt na hanggang taas ng tuhod, long socks na lagpas sa palda namin, long sleeve na may necktie na red at may nakapatong na coat na color black, Sa gilid ng coat ay nakalagay ang name plate namin.
"Feeling ko nga sobrang iksi naman ng skirt ko" naiiritang sabi ni Maxzin habang pilit na ibinababa ang mini skirt niya.
"Huwag mo na kaseng ipagpilitan Maxzin kung ayaw" sabi ni Maxzein na nakaupo lang sa sofa. Parang may love life lang ang peg ng ate Maxzein ko hehe.
"Tsh.... May pinaghuhugutan kaba?! Maxzein Athena Ruth Sebastian ha?!" sarkastikong tanong sa kanya ni Maxzin.
"Wala naman, trip ko lang mag-inarte ngayon kaya wag na kayong kumontra lalo ka na kambal" sabi niya at tumayo na" Halina kayo pasok na tayo" sabi ni Maxzein sabay labas kaya sumunod na lang kami sa kanya.
~❤~
"Yieeee! Excited na'ko pumasok waaaahhh! Ano kaya mga ginagawa nila dito" tuwang tuwa na tanong ni Maxzei habang nagdadrive ng kotse papunta sa school.
"Maxzin hindi kaba na-e-excite na pumasok ngayon lalo na at dito ulit tayo mag-aaral sa Pilipinas?" tanong ni Maxzein kay Maxzin.
"Oo nga naman Maxzin, Dapat nga excited ka rin eh" pagsang ayon ko sa sinabi Maxzein. Tama naman kase siya eh. Dapat excited o kaya naman kinakabahan kami lalo na at ngayon lang kami mag-aaral dito sa Pilipinas.
"Tsh.... Sino ba magiging excited kung mukha ng mokong na Isaac makikita mo?" naiiritang sabi ni Maxzin.
"Huh? Eh hindi mo pa nga siya nakikita naiinis kana" sabi Maxzei. Oo nga naman.
"Ano?! Anong hindi nakikita kitang kita ko nga oh! Ayun oh may kasama na namang babaeng labas kaluluwa!" halatang naiiritang pasigaw sabi sa'min ni Maxzin. Teka oo nga no. May kasama siya sa pinto ng sasakyan at naghahalikan pa.
YOU ARE READING
When The NBSB Girls Fall
TeenfikcePaano kaya kung nakakilala ang apat na lalaking party goers at jerks ang apat na babaeng NBSB na masusungit nahanap na kaya nila ang magpapatino sa kanila ,paano kung masasaktan lang pala nila ang NBSB girls na magkakapatid, Sila kaya ang magkakatul...