Chapter 01
Nagising ako dahil tumatama yung sinag ng araw sa mukha ko.
*TOK!*TOK!*TOK!*
Saktong may kumatok kaya't tumayo na ko.
Binuksan ko yung pinto, bumungad sa'kin ang mukha ni manang Esing. "Pinapatawag na po kayo ni Senyorita."
"Pakisabi manang maliligo lang ako."
"Cge po."
Sinara ko na yung pinto, kinuha ko yung towel ko sa gilid bago pumasok sa CR.
By the way my name is Lauren Mae Willson, 19 yearsold, 3rd year collage and my course is photographer. Pag may time naman ako ay nag-aaral din ako bilang doctor, kumbaga kapag wala akong klase ay sa nakiki-seat in ako. Bata pa lang ako ay pangarap ko na maging photographer, akala ko nga hahadlangan nila Daddy at Mommy yung pangarap ko eh, pero nagkamali ako, dahil hindi nila ako hinadlangan at sinuportahan pa nila ako kaya kahit anong hilingin nila Mommy sa'kin ay susundin ko. Nga pala may kapatid ako at 4th year collage naman sya, sya si Bianca Marie Willson. Sya ang panganay, matanda sya sa'kin nang isang taon, madalas kaming magkasama at close na close kami magkapatid. Ang course nya naman ay Business management. Iisang unibersidad lang ang pinapasukan namin at pareho lang din kami ng building.
(Ahahahah!! Haba na ng kwento ko.😀)
After 5 minutes natapos na din ako maligo, nagbihis lang ako saglit at naglagay ng unting lip tint.
Kinuha ko na yung wallet ko at lumabas na ng kwarto. Nadatnan ko silang lahat sa Dining Area na kumakain habang masayang nagkwe-kwentuhan.
"Goodmorning po."
Naupo ako sa tabi ni ate Bianca. "Goodmorning sis."
"Kumain kana anak." Sabi ni Daddy habang nakangiti.
Kumuha lang ako ng bread at hotdog then kinain ko na, ganito lang talaga kasi ako mag-breakfast.
"Anak kamusta na pala ang school nyo?" Tanong ni Mommy.
"Okay naman po." Sagot ni ate Bianca.
"Ikaw Lauren?" Tanong ni Daddy.
"Masaya naman po." Sagot ko.
"Dyan ba sa pagsi-seat in mo sa ibang klase ay makakakuha ka ng certificate?" Tanong ni Daddy.
"Of course Dad." Sabay ngiti ko.
"Good, mag-aral kayo ng mabuti mga anak." Sabi ni Daddy.
Tumango lang kaming dalawa ni ate Bianca at pinagpatuloy na yung pagkain, maya't-maya tumayo na sila Mommy at Daddy.
"Bianca, Lauren aalis na kami." Sabi ni Daddy. "Mag-iingat kayo papasok."
"Kayo din Dad." Sabi ko.
"Bye." Sabi ni Mommy at hinalikan muna kami ni ate Bianca sa pisngi bago umalis.
"Bunso bat wala kang dalang gamit?" Tanong ni ate Bianca.
"Nasa locker ko ate, iniwan ko kagabi." Sagot ko habang kagat-kagat yung bread.
"Ah okay." Tumayo ito. "Hintayin kita sa labas, bilisan mo kumain ah." Sabi nito at lumabas na.
Binilisan ko na kumain. After 3 minutes natapos na din ako kaya mabilis akong lumabas. Nadatnan ko si ate Bianca na nakasandal sa kotse nya, habang hawak yung cellphone nya.
Lumapit ako dito. "Ate."
Nag-angat ito ng tingin. "Okay kana?"
Tumango lang ako, pumasok na sya sa driver seat kaya pumasok na rin ako sa passenger seat.
Makalipas ang isang oras ay nakarating na din kami sa pinapasukan naming unibersidad.
Habang naglalakad kami sa hallway ni ate Bianca ay rinig na rinig ko ang bulungan nila tungkol samin dalawa.
"Ang hot talaga nila magkapatid." Sabi ni Boy 1.
"Sana ganyan din katawan ko." Sabi ni Girl 1.
"Whooo! Ang ganda talaga nilang dalawa magkapatid." Sigaw ni Boy 2 habang kinikilig pa.
"Para talaga silang mga baliw." Sabi ni ate Bianca.
Maya't-maya nakarating na din kami sa tapat ng classroom ni ate Bianca. "Oh pa'no dito nalang ako, kita nalang tayo mamaya sa canteen."
Bumeso muna sya sa'kin bago pumasok sa classroom, nagsimula na rin ako maglakad patungo sa classroom ko.
Pagpasok ko sa classroom, umupo ako agad sa tabi ni Iris.
Si Iris ay bestfriend, since nung elementary pa lang ako ay mag-bestfriend na kami kaya halos lahat na nangyayari sa buhay ko ay alam nya at ganun din ako sa kanya. Katulad ko ay photographer din ang gusto nya pero photographer class lang ang pinapasukan nya, niyaya ko nga pumasok sa class ng mga doctor ang course pero umaayaw sya. Sa totoo lang kasi mahina ang utak nya sa science, habang ako ay mahina sa araling panlipunan.
"Hi sis." Bati nito.
"Wala pa si Mam?" Tanong ko.
"Grabe! Wala man lang hello muna." Sarcastic nyang sabi.
Natawa naman ako. "Sorry."
"Bat hinahanap mo yung ubod ng sungit na Professor natin?" Tanong nya.
"Wala lang, mamaya kasi magpapaalam ako na hindi muna ako papasok." Sagot ko.
"Malakas ka kasi kay mam kaya pwede kang umabsent." Sabi nya.
AHAHAHAH! Hindi kasi sya makapagsalita kay mam dahil natatakot daw sya sa mukha ni mam.
Biglang dumating si Mam kaya nagsi-ayusan kami ng upo. "Goodmorning class."
Umupo si Ms.Cruz, sya yung kinakatakutan na Professor ni Iris. Tumanda kasing dalaga kaya ubod ng sungit.
"May announcement ako." Sabi ni Ms.Cruz.
Tumayo yung isang kaklase namin. "Ms.Cruz tungkol saan po yung announcement nyo?"
"Maupo ka muna at ia-announce ko na." Walang emosyong utos ni Ms.Cruz.
Umupo naman yung kaklase namin na tumayo. "Darating ang may-ari nang university na ito kahit anong mang oras kaya kailangan natin maging handa, at sya narin ang bago natin principal dahil magre-retired na si Mrs.Bahong." Announce nito.
"Mam lalaki po ba ang may-ari ng university na ito?" Tanong ni Marck. Si Marck ang long time crush ko at hanggang ngayon ay crush ko pa din sya.
"Hindi, babae sya, isang babae na ubod ng ganda." Sagot ni Ms.Cruz.
"Kelan po ba sya darating?" Tanong ulit ni Marck.
"Ngayon pero hindi ko alam kung anong oras." Sagot ni Ms.Cruz.
Maya't-maya nagsimula na rin sya magturo.
Habang nagtuturo si Ms.Cruz, biglang may kumatok. Binuksan ni Ms.Cruz ang pinto. "Gosh! Pasok kayo Ms.Stanford." Sabi ni Ms.Cruz.
Sino ba yun?
Pumasok ang isang babae na maganda at matangkad, nakasuot ito ng short at naka-tshirt, natatakpan ng t-shirt nya yung short nya.
Pumunta silang dalawa sa gitna. "Class sya si Ms.Stanford, sya ang may-ari ng university na ito."
Tumayo kaming lahat. "Goodmorning Ms.Stanford."
Umupo ulit kami. Ang ganda nya, para syang dyosa na galing sa ibang planeta.
♣End of Chapter♣
BINABASA MO ANG
Married to my Principal (#Wattys2018)
RomanceKaila Mae Stanford in short 'Kai'. ~Beautiful ~Riches ~Sexy ~Tall(5'9) ~Pointed Nose ~Kissable Lips ~Lesbian Lauren Mae Willson in short 'lauren'. ~Beautiful ~Sexy ~Riches ~Kissable Lips ~Pointed Nose ~Tall(5'7) Warning: Plagiarism is a crime.