Chapter 04
Lauren Point of View
"Shit!" Inis kong bulong dahil tumunog yung alarm clock ko.
Napatingin ako sa alarm clock at 8:30AM na pala, pinilit kong tumayo kahit masakit ang ulo ko. Kinuha ko sa closet yung towel ko at pumasok na sa CR para makaligo.
After 15 minutes natapos na din ako kaya nagbihis na ko, nagsuot lang ako ng v-neck shirt na plain white, black denim shorts and white nike shoes.
Tuwing wednesday at friday kasi pwede mag civilian, walang dress code pag wenesday at friday. Wenesday naman ngayon kaya ganito ang sinuot ko.
Kinuha ko na yung wallet ko atsaka lumabas ng kwarto, nang makarating ako sa Sala ay sinalubong ako ng isang maid namin.
"Mam nasa dining area na po sila."
"Pakisabi hindi na ko makakasabay, pakisabi rin kay ate na mag-ingat sya magdrive."
Bilin ko at lumabas na, tinawagan ko yung guard sa village namin na kumuha ng taxi. Maya't-maya dumating na yung taxi na pinakuha ko kaya't sumakay na ko.
"Sa Stanford University po tayo."
Tumango lang yung driver at nagsimula na magdrive.
After an hour nakarating na din kami, bumunot ako sa wallet ko nang ₱1000 pesos at inabot sa kanya. "Wala ba kayong barya mam?"
"Keep the change." Lumabas na ko at naglakad na papasok.
"Goodmorning Ms. Willson." Bati nung guard sakin.
Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Katulad kahapon ay tumitili nanaman sila.
Ganun ba ko kaganda para kainggitan nila?😏
"OMG! Ang ganda nya talaga." Sabi ni Girl 1.
"Fuck! Sana lahat may ganyang katawan." Malungkot na sabi Girl 2.
"Sexy!" Sabi ni Boy 1.
"Babe uwi kana, hindi na ko galit." Sabi ni Boy 2.
Napailing na lang ako sa mga sinasabi nila. "Lauren!!"
Napatingin ako sa gawi nung sumigaw sa pangalan ko, nakita ko si Iris na papalapit sa'kin.
"Bakit?" Tanong ko.
"San ka pupunta?" Tanong nya.
"Papasok." Tipid kong sagot.
Binatukan ako nito kaya tinignan ko ito habang nakakunot ang noo. "Tangeks! Wala tayong Proff hanggang lunch pero pagtapos ng lunch meron na."
"Edi sa science building ako papasok." Sabi ko.
"Sama ako." Sabi nya.
"Wag na, guguluhin mo lang ako." Sabi ko at tumalikod na.
Narinig ko pa na bumubulong ito pero hindi ko na pinansin, naglakad na ko patungo sa science building.
Kai Point of View
Nagising ako dahil nagri-ring yung cellphone ko. Bwiset! Sino kaya 'tong tumatawag?!
Padabog kong kinuha yung cellphone sa side table at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Mr. Willson lang pala.
*Mr. Willson Calling*
"Hello." Sabi ko sa kabilang linya.
"Hija sa friday mag meet tayo." Sabi sa kabilang linya.
"Bakit nanaman ho?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Ipapakilala ko sayo ang second daughter ko." Sagot sa kabilang linya.
"Okay, sa dati and 4:00PM." Sabi ko at pinatay na.
*Calling Ended*
Tumayo na ko dahil nagising na rin ako kaya hindi na ko makakatulog, atsaka isa pa 10:30AM na. Dapat nga kanina pa ako nandun sa university pero napasarap ang tulog ko kaya late ako, okay lang naman na late ako dahil ako naman ang may-ari ng university.
Pumasok ako sa CR at naligo na, halos ten minutes lang ako naligo. Matapos kong maligo ay nagsuot na ako ng casual attire at nagsuot din ako ng black na blazer.
Bumaba na ko at nadatnan ko sa Sala si Manang. "Hija aalis kana ba?"
"Opo."
"Kumain ka muna."
"Hindi na po, dun nalang siguro sa university ako kakain."
"Cge, mag-iingat ka hija."
Humalik muna ako sa pisngi nito bago lumabas ng bahay at tinungo yung garahe. Sumakay na ko sa kotse ko at pinaandar yun paalis.
After minutes of driving nakarating na din ako sa university at halos marami ng estudyante, magla-lunch na kasi kaya marami ng estudyante na nasa labas.
Pinark ko na yung kotse ko at dumeretso na sa office ko. Pagpasok ko dun ay naupo na agad ako sa swivel chair, saktong pag-upo ko ay tumunog yung tyan ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at dinial yung number ni Ms. Cruz.
*Ms. Cruz Calling*
"Hello Ms. Stanford."
"Ms. Cruz baka pwede mo kong dalan ng lunch rito, babayaran nalang kita."
"Ay! Hindi na Ms. Stanford, cge dadalan kita."
*Calling Ended*
Nilagay ko sa desk yung cellphone at pinikit ko muna yung mata ko.
♥End of Chapter♥
I already sold this story to Dreame so you can read it there. THANK YOU!!
UN:Mortal_blood
BINABASA MO ANG
Married to my Principal (#Wattys2018)
RomanceKaila Mae Stanford in short 'Kai'. ~Beautiful ~Riches ~Sexy ~Tall(5'9) ~Pointed Nose ~Kissable Lips ~Lesbian Lauren Mae Willson in short 'lauren'. ~Beautiful ~Sexy ~Riches ~Kissable Lips ~Pointed Nose ~Tall(5'7) Warning: Plagiarism is a crime.