"GOOD NIGHT, Ate Misha."
Yumuko si Misha para mahalikan siya sa magkabilang pisngi nina Mitto at Jirou. "Good night, kids. Matulog na kayo dahil may pasok pa kayo bukas."
"Opo," sabay na sagot ng dalawa. Pagkatapos ay dumako ang tingin ng mga bata sa lalaki sa likuran niya. "Oyasumi, Kuya Seth."
"Oyasumi," matipid na sagot ni Seth.
Nang pumasok na sa kuwarto ang mga bata ay bigla siyang na-tense. Nahihiya pa rin kasi siya dahil sa ginawa niya sa sinehan kanina. Hinawakan niya ang kamay ni Seth habang natutulog ito at dahil nag-enjoy siya, hindi niya namalayan nang magising ang lalaki. Halatang nagulat ito nang makita nitong hawak niya ang kamay nito.
Kaya no'ng mag-dinner sila sa isang restaurant pagkatapos no'n ay hindi na niya kinibo si Seth. Ni hindi rin niya ito magawang tingnan sa mga mata kahit ramdam niyang panaka-naka ay tinitingnan siya nito. Kung hindi lang dahil sa kadaldalan nina Mitto at Jirou, magiging sobrang awkward ng dinner nila na 'yon.
"Misha," untag ni Seth sa kanya na pumutol sa pagmumuni-muni niya.
Nataranta siya kaya mabilis niya itong tinalikuran. "M-matutulog na ko. Good night, Seth."
Hindi naman siya nakalayo agad dahil hinawakan ni Seth ang kamay niya. "Itimpla mo muna ako ng kape bago ka matulog." Pagkasabi niyon ay binitawan na siya nito at nilagpasan.
Napabuntong-hininga na lang siya. Wala na siyang nagawa kundi ang sundan ito sa kusina at ipagtimpla ito ng kape. Walang imik si Seth na nakaupo lang sa likod ng kitchen counter habang pinapanood siya sa ginagawa niya.
Siyempre, na-conscious naman siya. Sigurado siyang mukha na siyang haggard na haggard dahil buong hapon silang nasa labas. Ni hindi man lang siya nakapag-retouch o nakapaghilamos.
Inilapag niya sa mesa ang tasa ng kape. "O, 'yan na ang kape mo, kamahalan."
"Salamat."
Sa tingin pa lang ni Seth, alam niyang may gusto itong pag-usapan kaya naupo na siya sa tapat nito. Tumikhim siya. "So, anong parte ng movie ang nagustuhan mo?"
Ipinaikot nito ang mga mata nito. "The credits."
Natawa siya. "Sira ka talaga!"
Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Pero mas gusto ko 'yong parte kung saan hinawakan mo ang kamay ko."
Bigla siyang huminto sa pagtawa at tumayo. Sinasabi na nga ba niya't kokomprontahin siya nito dahil sa pananantsing niya rito! "Matutulog na talaga ko, Seth." Pero pagtalikod pa lang niya ay natigilan agad siya sa sinabi nito.
"Bakit hinawakan mo ang kamay ko, Misha?"
Napapikit siya ng mariin. Mukhang hindi na niya maitatago ang nararamdaman niya rito. Kilala siya ni Seth kaya magmumukha lang siyang tanga kapag nagsinungaling pa siya. Isa pa, hindi na rin naman niya gustong sinasarili ang sinasabi ng puso niya. She opened her eyes and heaved a heavy sigh.
"I just wanted to hold you, Seth," pagtatapat niya. "Hindi ko rin alam kung ano'ng nangyayari pero kapag nasa malapit ka, gusto kitang hawakan... yakapin... gusto ko parati kang nasa tabi ko." Umiling-iling siya. "Pero alam kong mali ang nararamdaman kong 'to."
"Why is it wrong? We're engaged. Karapatan mo bilang fiancee ko ang lahat ng sinabi mo."
Bumuga siya ng hangin. "'Yon na nga, Seth, eh. Alam kong matindi ang sense of responsibility mo kaya kahit anong hiling ko, alam kong ibibigay mo dahil responsibilidad ang tingin mo sa'kin. At ayokong pakisamahan mo lang ako dahil lang napipilitan ka."
"Misha, do you love me?"
Nakaramdam siya ng takot, pero mas pinili pa rin niyang magpakatapang sa sitwasyon na 'yon. "Oo, Seth. Mahal kita. Pero ikaw, iba ka. Pakakasalan mo lang naman ako dahil lang sa kasunduan ng mga pamilya natin."
"Baka."
Pipihit sana siya paharap kay Seth para tapunan ito ng masamang tingin pero napigilan siya nito nang yakapin siya nito mula sa likuran. Hindi niya namalayang nakatayo na pala ito sa likuran niya. "S-Seth?"
Narinig at naramdaman niya itong bumuga ng hangin. "Misha, hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko mahal, kahit pa nakasalalay sa kasunduang iyon ang kinabukasan ng kompanya namin."
Napasinghap siya. Binundol ng magkahalong pagkabigla, kaba at pagkasabik ang dibdib niya. "Seth, does it mean you love me, too?"
Natawa ito ng marahan. "Aishiteru, Misha."
Hindi na siya nakatiis. Pumihit na siya paharap dito. She cupped his face and she looked straight to his eyes. Kitang-kita niya ang pagmamahal sa mga mata nito. "Hindi halatang mahal mo ko."
Umungol ito. "Hindi ko alam kung paano ipapakita sa'yong mahal kita because you hated me then. Nahihirapan din naman ako kapag sinisimangutan at inaangilan mo ko kaya hindi ko alam kung paano ka aamuhin. Ang alam ko lang, protektahan at alagaan ka sa malayo. Pero nasakal naman kita. I'm sorry."
"'Yon ba ang dahilan kung bakit kinokontrol mo ang buhay ko?"
He looked guilty. "Hindi ko kinokontrol ang buhay mo, Misha. Bata ka pa at dahil mas nakakatanda ako sa'yo at bilang ako ang fiance mo, ginusto ko lang na mapabuti ka."
"Bakit hindi mo agad sinabi na mahal mo ko?"
He looked away. "Because I was scared. Scared that you might turn me down and walk away from my life. I knew how you hated me and I have no excuse for what I have done that have hurt you in the past. Kaya pinalabas ko na lang na ginusto ko lang ma-engage tayo dahil lang sa kasunduan ng mga pamilya natin. Ayokong takutin ka kapag nalaman mong 'yong cyborg na kinamumuhian mo ay mahal ka pala."
Something struck her heart when she saw fear in his eyes. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. She had the power over a domineering person like Seth, yet it pained her to know that she failed to notice his sufferings all this time. "I'm sorry, Seth."
Kunot-noong nilingon siya nito. "For what?"
She wrapped her arms around his waist. "Kasi hindi ko napansin na nasasaktan na rin pala kita. I'm sorry if I made you feel like I hated you. Nagtampo ako sa'yo, pero kalimutan na lang natin 'yon. Nangako tayo, hindi ba? Magsisimula uli tayo."
He gently touched her face. His eyes softened and his lips curved into a genuine smile. "Does that mean you'll still marry me? You'll stay as my fiancee?"
Umiling siya. Gumuhit ang sakit sa mga mata nito kaya nagpaliwanag agad siya. "Matagal pa bago tayo ikasal, Seth. Kaya ngayon, ang gusto ko, magsimula muna tayo sa pagiging mag-boyfriend-girlfriend. Okay ba 'yon sa'yo?"
He chuckled lightly. "Whew. You're making me feel unfamiliar emotions, Misha. Ngayon lang ako kinabahan sa buong buhay ko."
Tumaas ang kilay niya. "Ows?"
"A genius is always cool and composed. But when you shook your head when I asked you to stay as my fiancee, panic overwhelmed me." Pabirong dinutdot nito ang noo niya. "You're giving me heart attack, brat."
Bumungisngis siya. "Ako rin kaya. Akala ko hindi mo ko mahal."
Hinalikan siya nito sa noo. "Sorry. Simula ngayon, ipaparamdam ko na sa'yo na mahal kita. I won't holdback now."
Tumingala siya para sana sagutin ito, pero sinalubong siya nito ng halik sa mga labi. Mabilis at magaang lang 'yon, pero sapat na iyon para magwala ang buong sistema niya. "Was that a kiss or a punch on my lips?" biro niya rito.
Natawa si Seth. "A kiss of course!"
BINABASA MO ANG
My Fiance is a Cyborg (COMPLETE)
Ficção Adolescente[PUBLISHED under LIB/Pastrybug] Misha's estranged fiance, Seth, was a first-class jerk. He was even compared to a cyborg- unfeeling and cold. Everyone hates him. Kaya sa takot na madamay siya sa galit ng mga tao sa lalaki, pinilit niya ito na itago...