AGAD na nasamyo ni Misha ang bango ng kuwarto ni Seth pagpasok pa lamang niya doon. Malinis ang kabuuan ng silid. Halatang ilang araw na ring hindi nagagamit. Nagpunta siya doon dahil gusto niyang makahanap ng mga bagay na maaaring makapagsabi sa kanya ng tunay na nararamdaman ng lalaki habang wala pa ito para komprontahin niya.
Nagulat siya nang makitang nasa ibabaw ng nightstand nito ang pinakamamahal nitong laptop computer. Ang alam niya, bitbit nito iyon saan man ito magpunta. May kung anong malakas na puwersang nagtulak sa kanya para pakialamanan iyon. Habang hinihintay ang pagbukas ng laptop ay iginala niya ang tingin sa kabuuan ng kuwarto.
Nahagip ng mga mata niya ang pamilyar na velvet box na iyon sa ilalim ng unan nito. Hindi nga siya nagkamali ng hinala sa kung ano ang laman niyon nang buksan niya – it was the hankie she gave to him. Bakit hindi nito iyon ginagamit? Was it because he treasured it so much? Nasagot niya ang sarili niyang mga katanungan nang mabasa niya ang nakasulat sa maliit na papel na nakaipit sa panyo. The note said:
Misha's first gift.
Napangiti siya. If it wouldn't be considered creepy, she had a feeling Seth would have probably had the handkerchief framed and hanged in his room. Hindi niya akalain na pahahalagan nito ang simpleng regalo niyang iyon. Maingat na ibinalik niya iyon sa ilalim ng mga unan.
Then, everything seemed to stop when she saw the screensaver in Seth's laptop – it was a slide show of her pictures!
Naitakip niya ang mga kamay sa kanyang bibig nang mapasinghap siya. Iyon ba ang dahilan kung bakit parating kasama ng lalaki ang laptop nito? Because it had her pictures? Naramdaman niya ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
Mukhang ngayon pa lang ay nararamdaman na niya kung gaano siya kahalaga para kay Seth. Samantalang siya, inuna pa niyang intindihin ang galit ng ibang tao para rito kaysa ang subukin itong kilalanin. And worst of all, she pushed him away. Hindi ba't parati siyang nakikiusap dito na itago ang relasyon nila? Ni hindi man lang niya naisip na maaaring nasasaktan na niya ito kapag halos itanggi na niya sa buong mundo ang relasyon nila. Parati niya itong iniiwanan. Kung iisipin, may kasalanan din siya kung bakit ito nagkagano'n. Dahil isa siya sa mga taong nagpaparamdam dito na walang nagmamahal dito. She was so selfish.
"Misha, hija." Si Tita Monta 'yon. Naramdaman na lang niya ang pagyakap nito sa kanya ang marahang paghagod sa kanyang likod. "Don't cry."
Napahikbi siya. "Tita Monta, ang sama ko po. Nasasaktan ko na po pala si Seth, ako pa ang may ganang magalit sa kanya."
"It's not your entire fault, Misha. Seth's way of showing his affection towards you was way too subtle. Hindi mo kasalanan kung nami-misinterpret mo ang mga bagay na ginagawa niya para sa'yo."
"Tita... do you know how Seth feels about me from the start?"
Tita Monta chuckled. "Of course. I'm his mother after all. Well, I'll tell you a little secret." Iginiya siya nitong maupo sa kama. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Hindi totoo ang engagement niyo ni Seth. Biru-biruan lang namin iyon ng mommy mo. Hilig lang talaga naming tuksuhin kayo ni Seth noong mga bata pa kayo. But none of us took the engagement thing seriously."
Napasinghap siya. At lalong humagulgol. Kung gano'n, no'ng umpisa pa lang pala ay wala na talaga silang ugnayan sa isa't isa. Was she really going to lose him?
"But you know what? When Seth was eighteen, declared to me and to your parents that he would marry you someday. Tumawa lang kami. But we can never forget the determination and sincerity we saw in his eyes when he said that." Masuyo nitong idinampi ang kamay sa kanyang pisngi para pahirin ang mga luha niya. "Kaya nga namin tinutulugan si Seth na mapalapit sa'yo sa pamamagitan ng pagbabakasyon namin ng mommy mo. Ang sabi kasi ni Seth sa'min, gusto niyang mapalapit sa'yo, bago mo pa siya tuluyang alisin sa buhay mo. Gusto niya raw iparamdam sa'yo na mahal ka niya. Naawa naman kami ng mommy mo sa anak ko. Malaki naman ang tiwala namin kay Seth na wala siyang gagawing masama kahit magkasama kayo sa iisang bubong. But don't worry, malaya ka pa ring magdesisyon kung tatanggapin mo ang engagement niyo o hindi sa huli. We're sorry for being nosy."
Pinunasan niya ang kanyang mga luha. "No, Tita. I should be thankful pa nga."
Nang dahil sa mga natuklasan niya, nagkaroon siya ng panibagong lakas ng loob. Wala nang saysay kung iiyakan niya ang mga naging pagkakamali niya. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay ang bumawi.
Just you wait, Seth.
BINABASA MO ANG
My Fiance is a Cyborg (COMPLETE)
Novela Juvenil[PUBLISHED under LIB/Pastrybug] Misha's estranged fiance, Seth, was a first-class jerk. He was even compared to a cyborg- unfeeling and cold. Everyone hates him. Kaya sa takot na madamay siya sa galit ng mga tao sa lalaki, pinilit niya ito na itago...
