"SC EXECUTIVE committee, naiintindihan niyo na ba ang dapat niyong gawin?"
"Yes, vice-president!"
Naiiling na lang si Seth habang pinapanood ang lahat ng miyembro ng Marusen Wolves na kasalukuyang in-instruct ng vice-president niyang si Gelo. He knew it. He should have not asked for his council's help. They were exaggerating every damn thing. All he wanted to do was to properly apologize to Misha.
Kauuwi niya lang ng bansa. Nagpunta siya sa Japan para kausapin ang kanyang tito na umangkin sa CrossMix Corporation na pamana sa kanya ng kanyang ama. Nakipagkasundo siya rito na tutulungan niyang makabangon ang CrossMix – it would merge with Moon Corporation. Iyon na lamang ang tanging paraan para maisalba iyon. Pero siyempre, sila na ng kanyang ina ang mamamahala niyon.
Bukod sa negosyo, nagkaayos na rin sila ng kanyang tiyuhin. Humingi ito ng tawad sa kanya. Wala na siyang nakapang kahit kaunting galit para dito kung kaya madali niya itong napatawad. And yes, he learned how to trust other people again.
And it was all thanks to a certain girl. Kung hindi niya kinausap si Misha tungkol sa kanyang problema, hindi siya maliliwanagan. Malamang ay kinakain pa rin siya ng galit niya hanggang ngayon. At kung hindi rin dahil sa babae, hindi niya maiisipang magbago.
Damn, how he loved that girl! Yeah. He was in love with Misha. Hindi nga lang siya nagkakaroon ng pagkakataong ipakita o sabihin iyon dahil na rin sa pakiusap nitong ilihim sa lahat na may ugnayan sila – that he was his fiance, that she was his.
But for the mean time, he needed to gain her forgiveness first. Alam niyang nasaktan niya ito dahil sa nakita at narinig nitong usapan nila ng kaibigan nito. Hindi niya makakayang hindi siya nito patawarin.
"Relax, Seth." Tinapik ni Shiro ang balikat niya. "Misha will forgive you. Kami na ang bahala do'n."
Tumango lang siya.
"You love her, don't you?"
Kunot-noong nilingon niya ito. "You know?"
Ngumiti ito. "We all know."
Tumango-tango siya. "Is it that obvious?"
"We've never seen you this desperate before. Desperate enough to seek our help. Kahit naman siguro ang pinakamanhid na tao sa mundo ay mahahalatang espesyal sa'yo si Misha."
Bumuntong-hininga na lang siya. Ayaw niyang pag-usapan ang nararamdaman niya para kay Misha gayong hindi pa nga niya iyon nasasabi sa babae – kung magkakaroon pa nga siya ng pagkakataong masabi iyon. She hated him after all. Pero kahit hindi na siya nito mahalin, matatanggap niya. Ang gusto na lang niya ay mapatawad siya nito.
"Sawada!"
Nalingunan niya si Kia kasama si Chua. Tinanguan niya ang mga ito bilang pagbati.
"Here." Inabot ni Kia sa kanya ang isang magazine. The SC Executive Committee was in the front cover. "Salamat sa pagpayag na i-feature ng FearlessMan ang mga miyembro ng council mo."
"Though you really had to make it difficult," pabulong na reklamo ni Sean.
Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa. Naalala niya ang ginawa niya sa FM noon. "Kia, Sean, I apologize for insulting FM before. I'm taking back my words. Your publication is great."
Kia and Sean looked shock. Maging ang mga kasamahan niya ay natigilan.
Nagkibit-balikat na lang siya. "Anyway, everyone, thank you for lending me a hand. I owe you all." Ni sa hinagap noon ay hindi niya naisip na darating ang araw na hihingi siya ng tulong sa ibang tao. Him, the renowned genius. Misha had really changed him in a good way.
BINABASA MO ANG
My Fiance is a Cyborg (COMPLETE)
Teen Fiction[PUBLISHED under LIB/Pastrybug] Misha's estranged fiance, Seth, was a first-class jerk. He was even compared to a cyborg- unfeeling and cold. Everyone hates him. Kaya sa takot na madamay siya sa galit ng mga tao sa lalaki, pinilit niya ito na itago...
