Charlotte's POV
*sigh*
"Laki ng problema natin ah"
"Shadap ka nga Loke"
"Hehehehe, peace Charry. Pero tutulungan mo ba ako?" Napa-inom ako ng tubig ng wala sa oras dahil sa sinabi niya, at ang masasabi ko lang, makakaya ko pa ba?
"Eh kalian ba kita hindi tinulungan, diba? Of course tutulungan kita eh sa bestfriends tayo eh." Nginitian ko naman siya. A smile that hides my true feelings.
"Yes! Thank you Charry. So start na- Wait where do you want us to plan dito ba sa canteen o sa garden nalang?"
Ay oo nga pala no, nandito nga pala kami sa canteen. Kung sa canteen kami maraming tao it means maingay at kung maingay hindi kami makakapag-usap ng maayos, dito nalang kami sa canteen para hindi kami makapag-usap ng maayos, at para wala nang surprise na magaganap, joke lang ayaw ko namang masira ang pangarap ng bestfriend ko, ayaw ko siyang makitang nasasaktan, gusto ko masaya siya palagi, kahit na ang kasayahan ko pa ang kapalit, kahit na ako pa ang masaktan wag lang siya kasi... mahal ko tong bugok na to eh.
Ganyan naman talaga pag nagmamahal ka diba? Gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo kahit hindi mo na kaya, kakayanin mo, kasi nga love is a sacrifice, Sacrificing your happiness for the happiness of the one you love, is by far, the truest type of love.
Pero kahit na ganito, tao pa rin naman ako, taong nagpapakatanga para sa taong mahal niya, taong nag- aantay kahit na alam naman niya sa sarili niya na wala na talagang pag-asa.
But..... pero..... kahit na alam niya ang sitwasyon niya, meron paring hope na nakaukit sa gitna ng kanyang pagdududa. Hope na hinding hindi niya bibitawan hanggang sa ang mahal na niya mismo ang magsabing bumitaw na siya.
"Hoy Charry, *snap* *snap* ba't lutang ka? Okay ka lang ba talaga?" Ay oo nga pala no, pinapapili niya pala ako.
"Oo nga pala no? Ikaw lang pala ang the one and only Charry Vanny Basco, ang napaka the best bestfriend sa buuuoonngg mundo. Kaya okay na okay ka lang, how silly of me to ask that question" Sabi niya pagkatapos ay tumawa pa. Tingnan niyo tong kumag na to palitan ba daw ang pangalan ko.
"*pok* Hoy may pangalan ako na hindi na kailangang palitan, pshhh"
"Awwwww, ang cute cute ng bestfriend ko, hali ka nga dito" at inakbayan niya ako habang ginugulo ang buhok ko." So ano na saan na tayo magpa-plano?" tanong niya.
"Sa garden nalang total wala namang pumupunta doon at makakasigurado pa tayo na walang iistorbo sa gagawin nating plano."
"Sige na legggooo" Hay, ang isip bata talaga nitong bugok na ito.
*
Naging maayos naman ang plano namin dahil sa tingin palang nitong dinning room nila Loke, halatang pinaghandaan talaga itong araw na ito. Kulang na lang ang birthday celebrant.
"So okay na ba? Kukunin ko na ba si Raily?" nakita ko naman siyang pinagpapawisan na parang natatae at parang hindi mapakali.
"Hey it's gonna be okay. I'm sure ma-appreciate niya tong ginawa mo. Ang ganda kaya nito." Sabi ko habang tinitignan ang dinning room. Naramdaman ko namang may nakatitig sa akin pag tingin ko si Loke pala. I felt my cheeks burning red. Iniwas ko naman ang mukha ko mahirap na baka ma buking pa ako.
"Ano tinitingin tingin mo diyan?" tanong ko habang tinataasan siya ng kilay.
"Nothing. I just realize how lucky your future boyfriend would be." Lucky talaga, especially kung ikaw ang magiging boyfriend ko. Hehehe,joke. Alam ko namang hindi talaga yun magkakatotoo. Kasi ang panaginip ay panaginip lamang at hinding hindi ito magiging katotohanan.
"Bakit naman?"
"Kasi hindi ka lang maganda, matalino at mabait pa.At saka masarap ka ring kasama. Alam mo, ikaw ang tipo ng babae na gustong gusto o di kaya'y gugustohin ng mga lalake." Kasama kaba sa mga lalakeng yun?
"Story ka Loke. Sige na kukunin ko na si Raily-ay wag na lang pala." Nakita ko si Raily na pumasok sa bahay nila Loke. Nga pala si Raily ang isa pa naming bestfriend.
"Okay ready ka na?" Tanong ko kay Loke.
"*huuh* yyeess"
"Loke,Charlotte!!"
"1"
"Yuhooo. Guys are you there?"
"2"
"Ang labo naman nila o, sabi magkikita daw kami dito sa bahay ni Loke. Yan tuloy nagugutom na naman ako" Naglakad naman siya papunta sa dinning room. Napabungisngis naman kami ni Loke dahil kahit kalian ang takaw takaw talaga nitong babaeng to.
"3"
*POK* (confetti yan)
"HAPPY BIRTHDAY RAILY!!!" sabay naming sigaw ni Loke. Yayakapin ko na sana si Raily ng inunahan ako ni Loke, kaya eto ako ngayon nakatitig sa kanilang dalawa habang nahuhulog pa ang natitirang confetti.
Parang nag slowmo ang lahat habang tinitignan ko silang dalawa, si Loke masayang masaya habang naka-akap kay Raily, siyempre, kayakap niya mahal niya eh, habang si Raily naman nakatitig sa akin na parang nag-alala. Nginitian ko naman siya.
Pinag-usapan na kasi namin ito. Alam na niya kasing mahal ko si Loke, well accidents do happen kaya nalaman niya.
Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na mahal siya ni Loke, sino ba kasing taong hindi makaka-alam kung halatang halata naman ang ginagawa ng bugok kung boybestfriend, halos araw-araw nalang may mga rosas na nakalagay sa desk ni Raily at eto namang si Loke ang epic epic, halatang namang siya kasi may bintana sa classroom namin kaya makikita talaga ito ni Raily, at hindi lang yan,pag may mga okasiyon pa sinursupresa niya pa si Raily, o diba, halatang halata na.
Sabi namin ni Raily o ako pala na, hindi siya dapat mag-alala kasi kung mahal niya naman talaga si Loke, hindi niya dapat pigilan ang sarili niya dahil lang may masasaktan, eh natural lang namang may masasaktan kasi nga may nagmamahal. Hindi kasi maaalis sa love ang pain. Kasi ang dalawang yan ay pinagsama na dati pa nong nandon pa sila sa sinapupunan ng nanay nila. Joke.
Without pain it is not love. Kaya ayun. Pero sabi niya, hindi niya daw mahal si Loke, hanggang kaibigan lang daw ang maibibigay niya. So our relationship is really complicated right now.
Sana sa pagdating ng panahon hindi masisira ang pagkakaibigan namin. *sigh*
Buhay nga naman.......