Charlotte's POV
*sigh*
"Bestfriend are you ready? Malapit na tayo." Tanong ni Raily
Dug.dug.dug.dug
Dug.dug.dug,dug
Inhale, exhale
"Yes I'm ready."
"We're here maam." Sabi ng driver
"Okay thanks"
"Lalabas na ako ha? Babalikan nalang kita kapag ready na talaga okay.?""Sure"
I really can't believe that this is happening. I thought this day will never come.
Dapat pala hindi tayo palaging pangarap lang, dapat may gagawin din tayo para makuha ang gusto natin. Dapat marunong tayong mag-isip ng mga magagandang bagay o positive thoughts hindi nalang palaging negative thoughts kasi ang negative thoughts ang dahilan kung bakit hindi natin makamit kamit ang pangarap natin.
Ang nangyari ni Loke, na coma siya for 7 months, pinupuntuhan ko talaga siya sa hostpital kapag may extra time ako, minsan kasama ko si Raily minsan naman ako lang ang pupunta kasi nagiging busy na rin kasi si Raily sa business nila ng pamilya nila. Kahit na hindi pa graduate si Raily, ang sabi raw sa kanya ng kanyang mga magulang mas mabuti daw yung maaga niyang malaman ang mga pasikot sikot sa kompanya nila para hindi na siya mahihirapan kapag grumaduate na siya.
Nagising si Loke nong mga July na. Hindi niyo talaga alam kung gaano ako ka saya nong araw na iyon, napatalon talon pa ako nung nagising siya, tinignan niya naman ako non. Dahil sa sobrang saya ko, nayakap ko siya habang nagpapasalmat sa diyos.
"You're crying again" hindi ko naman namalayan na umiiyak na pala ako.
"I'm sorry, I'm just happy. Really really happy" pagkatapos nong araw na yun, ginawa ko na ang lahat para mapalapit pa sa kanya. Kinapalan ko na ang mukha ko, ako na ang nanligaw sa kanya. Ako ang nag hahatid sundo sa kanya, at hanggang hindi siya ang magsasabi na tumigil na ako hindi talaga ako titigil.
At dahil siguro sa sobrang ganda ko,*ehem* nahulog rin ang loob niya sa akin. Naging kami rin for 4 years. But maybe we're just not meant to be, kasi nakipag break siya sa akin, sabi niya ayaw na daw niya, sa totoo lang daw hindi niya daw talaga ako mahal pero sinagot niya daw ako kasi naniniwala siyang may chance. Pero parang hindi niya daw kasi kaya eh. Tinangap ko naman, nagpasalamat nga ako dahil binigyan niya ako ng chance na mahalin siya, kahit na masakit talaga, kahit na naiiyak na ako nung araw na iyun pinigilan ko para hindi siya ma guilty dahil kilala ko yang bugok na yan eh, ang daling maguilty.
Pagkatapos ng usapan portion namin umuwi na ako, eksaktong pagtalikod ko talaga don na tumulo ang mga luha ko, pero hindi ko alam kung bakit nakangiti pa rin ako non, baka siguro natanggap ko na talaga ang katotohanan na hndi talaga kami pwede, hindi kami para sa isat isa.
Yun ang huling araw ng pagkikita namin dahil umalis na kasi siya papuntang U.S. At dun nagtatapos ang kwento naming dalawa, joke.
"Halika na" kinuha ko naman ang kamay ni Raily pagkatapos pumwesto na ako, si Raily naman pumasok na. This is it na talaga.
*One step clooo-ser.
I have died everyday waiting for you.
Darling don't be afraid I have loved you for a thousand years I love you for a thousand more.*
Nagsimula na akong maglakad habang hinihigpitan ko ang paghawak ko sa bulaklak. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya, kinakanta ko ang wedding song naming habang titinitigan siya sa kanyang mga mata.