Chapter 5

4 0 0
                                    

Charlotte's POV

" Bestfriend, sasabihin ko na ba sa kanya?" tanong ni Raily sa akin.

"Alam mo bes, sana sinabi na natin sa kanya noon pa para hindi siya masaktan ng husto, yan kasi mali natin, alam na natin na alam mo nang may gusto sayo si Loke, alam na rin nating hindi mo siya kayang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan, at heto pa rin tayo tinatago ang katotohanan na maaaring makasakit sa kanya. Siguro.... kailangan na talaga nating sabihin sa kanya ang totoo."

"Sige, pero sasabihin mo na rin ba ang tunay mong nararamdaman? Sasabihin mo na bang mahal mo siya?" natigilan naman ako sa tanong niya.

"Hi..hindi ko rin.. alam eh."

"Pero para sayo dapat ko na bang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko?" tanong ko.

" Para sa akin bes, oo, kasi may karapatan din kasi siyang malaman ang katotohanan para hindi na kayo magkasakitan pang dalawa. At saka hindi pa naman kasi natin alam ang mangyayari diba? Hindi lang naman tayo puro pangarap lang eh, dapat may gagawin din tayo para makamtan natin ang gusto nating makamtan, diba? Dapat sumugal din tayo paminsanminsan para sa ating ikabubuti, pero hindi yung sugal na may pera hah." Nag eemote ang lola niyo.

"Alam mo bes tama ka. So I think its gonna be one heck of a day for us, a?"

"Oo nga eh"

"What was that guys?" natigilan kami ni Raily dahil sa pamiliar na boses na galing sa aming likuran. Naramdaman ko ang puso kung tumitibok ng napakalas hindi dahil sa kinikilig ako ha kundi dahil sa kinakabahan ako.

 Baka narinig na nya ang mga pinag-uusapan naming. Hindi sa natatakot kami hah na sabihin sa kaniya ang totoo pero kasi mas maganda kasi yung harap harapan talaga naming sabihin sa kanya eh para kung may mamis-understood man siya masabi namin kung ano talaga ang totoo o tama ng diretso.

"Ano nga yun Raily?"

Huminga muna ng malalim si Raily. "Um, kasi alam ko na kasing mahal mo ako dahil sa totoo lang halata ka kasi eh, kaya naman nalaman ko, at saka I'm so sorry pero hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin eh, hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko."

"Alam mo? okay lang naman yun eh, you don't have to be sorry okay? Salamat din hah kasi, kahit na iba na ang turing ko sayo, hindi mo pa rin kinalimutan ang pagkakaibigan natin." Nginitian naman ni Raily si Loke, pati na rin si Loke. Nawala lang naman ang ngiti sa mukha ni Loke nung napakapo ang tingin niya sa akin.

"Ah sige aalis na muna ako." Maglalakad na sana ako ng may pumigil sa akin.

"Mag-uasp muna tayo Charlotte" patay seryoso na si Loke, tinatawag na ako sa totoo kong pangalan.

"hah-? Uhh- an-ano?"'

"Totoo bang may gusto ka sa akin?"

"*sigh* oo" sagot ko habang nakayuko.

Sinuklay naman niya ang buhok niya na parang na frufrustrrate.

"UGH fudge, ba't di mo sinabi sa akin?!"

"Wala rin naman kasing mangyayari kung sasabihin ko sayo ang nararamdaman ko. Bakit kung sinabi ko ba sa'yo noon mamahalin mo rin ba ako? Eh sa naalala ko hindi naman kasi ako ang mahal mo, si Raily naman diba?"

"Kahit na, sinabi mo sana sa akin noon pa para malaman ko kung saan ako lulugar. Kung hindi ko pa narinig tong pinaguusapan niyo patuloy kang masasaktan dahil sa mga plano plano ko para kay Raily. Sana sinabi mo noon pa para hindi ka na sana nasaktan!-"

"Eh kahit naman kung sabihin ko sayo ang nararamdaman ko, patuloy pa rin naman akong masasaktan eh!, kasi hindi ako ang mahal mo. Kahit na sabihin ko sayo ang nararamdan ko hindi pa rin magbabago ang katotohanan na hindi mo ako kayang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan, kaya kahit pa sabihin ko tong lesteng damdaming to, kahit na alam mo nang mahal kita wala ka nang magagawa sa mga mararamdaman kong sakit kasi nagmahal ako eh, nagmahal ako kaya ako nasasaktan. Parte na kasi sa pagmamahal ang sakit." Nag-unahan naman sa pagtulo ang mga luha ko pagkatapos kong sabihin yun.

"Kahit pa sinabi ko yun wala ka namang magagawa dahil kahit pa pagbalik baliktarin mo ang mga pangyayari wala na tayong magagwa pa kundi ang tanggapin ang kabayaran sa pinili kong sitwasyon."

"May magagawa pa rin naman ako ah, kung sinabi mo pa sa akin, lumayo na sana ako sayo." Hindi ako makapaniwala sa kanyang mga sinabi. Lalayo? Wow, kung makasabi siya parang wala lang ako sa kanya ah. May nagsabi sa akin na sampalin ko daw siya o di kaya'y suntukin ba o tadyakan pero pasalamat siya nakakapagpigil pa ako.

"Huh! Haha. Lalayo? Alam mo? Alam mo ba ang pinaka unang rason kung bakit hindi ko sinabi sayo ang nararamdaman ko?" pinahid ko muna ang mga luha ko bago ako sumasagot.

"Dahil ayaw kung masira ang pagkakaibigan natin. Ayaw kung masira kung ano man ang meron tayo. Tama lang pala ang desisyon ko sa pag tago ng nararamdaman ko, dahil baka sa pagsabi ko sa nararamdaman ko sayo baka ang matagal ko nang pinag-ingatang pagkakaibigan natin ay masira pa dahil sa kagagahan ko, dahil sa pagmamahal na to. Letseng pag-ibig. Kung alam ko na ganito pala mag mahal , sana binalewala ko nalang sana ang dadamdaming to sana..." at hindi ko na talaga na kayanan bumuhos na talaga ang aking luha.

"I'm so sorry guys, I'm so sorry" paulit ulit kung sabi habang nasa mukha ko ang dalawang kamay ko.

" Don't worry, gagawin ko ang lahat para mawala lang tong nararamdan ko, I'm so sorry, kasalanan ko, kung bakit ba kasi nagmahal pa kasi ako sorry, sorry-" natigilan naman ako ng maramdaman ko ang init ng kanyang katawan habang ang kanyang mga bisig ay na sa aking likuran.

"Charry, I'm not saying that you should stop loving me. It's just that if you keep on loving me you will keep on hurting because I love someone else. I'm so sorry for saying those things to you. I was just really frustrated that my brain stops functioning that's why I told some shitty things. I'm so sorry." 

At sa araw na iyon pinag-usapan naming hindi muna kami magkikita, bibigyan muna namin ng space ang isa't isa.

At sana pala sa araw na iyon sinulit na namin ang oras naming magkakaibigan. Kasi sa araw na iyon nangyari ang pinakamasamang pangyayari sa buhay ko. Sana talaga........

 Kasi sa araw na iyon, nadisgrasiya ang minamanehong sasakyan ni Loke.

One Step CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon