Raily's POV
Asan na ba yung si Charlotte, ang sakit sakit na ng paa ko sa kakatayo.Tong babaeng to, ang bagal bagal kumilos. Nagugutom na naman ako, mag papalibre talaga ako sa bruhang yun.
"Hoy, yung nguso mo ang taas na." Speaking of- nandito na yung lola niyo.
"Psh, nagugutom na ako, ilibre mo ako."
" Mamaya na, magsisimula na ang event oh. Ang takaw mo talaga." Ang ganda ng bestfriend ko *,* Sarap sapakin, joke lang, mahal ko kaya tong bruhang to, ewww yucks, hahahaha. Pero to be honest, ang ganda niya talaga.
"Ganda mo bes."
"Wag ako okay, hali ka na, pasok na tayo."
"Oo na"
Charlotte's POV
Nandito na kami sa loob ng hotel. Hindi pa naman nagsisimula ang event. Nasabi ko na ba sa inyo na prom naming ngayon, 4th year highschool na nga pala kami, last year na namin ngayon.
"Nasan si Loke, Charlotte?"
"Ewan ko" sabi ko habang tinitignan ang mga taong naglalakad. Hinahanap namin si Loke ng nagsalita na ang emcee.
"Ladies and Gentlemen let us all welcome Loke Gray Tarius. For his opening number."
(Be Your Everything by Boys Like Girls)
* Four letter word
But I don't have the guts to say it.
Smile til it hurts,
Lets not make it complicated,
We've got a story,But I'm about to change the ending *Tiningnan ni Loke si Raily. Tingnan naman ako ni Raily,nginitian ko naman siya with my I'm-okay-look. Ibinalik naman naming dalawa ang mga mata namin kay Loke.
* You're perfect for me
You're more than just a friend so we can just stop pretending now,
I gotta let you know somehow *Eh alam na naman niya na mahal mo siya. Ang epic mo kasing makagawa ng surprise, halatang halata. Hahaha.
*I'll be your shelter
I'll be your storm, I'll make you shiver,I'll keep you warm,
Whatever weather,
Baby I'm yours,
I'll be your forever, be your fling, Baby I will be your everything *Mukha mo Loke, may pa everything everything ka pa. nagmake-face ako sa kanya nung ipinikit niya ang kanyang mga mata. Pangit *bleh*. Joke lang.
"Whooo, go Loke, ang pangit mo!!" napatingin naman siya sa dako namin. Binelatan ko naman siya.
"Hindi yun joke bestfriend." Tumawa ako, nakitawa rin si Raily. Huminto si Raily sa pag tawa at tiningnan ako.
" Bakit? Wag mong sabihin natotombi ka na? sorry pero lalaki lang ang gusto k-"
*pok*
"Aray ko, grabe ka beastpren, huhuhu"
"Manahimik ka nga ang ang eeww mo." Tong gagang to nang-iirap pa.
"Joke lang. Pshh, bakit mo kasi ako tinitignan?"
"May kulangot ka kasi." Ahh yan pala gusto ma ha. Well...
"Ah talaga? Ikaw nga rin eh may muta, may itim na bagay ka pa sa pagitan ng ngipin mo, tapos yung kili kili mo pa ang itim itim at ang baho baho pa, wala ka bang deodorant? Wag kang mag alala mag dodonate ako kawawa ka namang bata ka. At grabe ka ha? Kung uutot ka rin naman pala sabihan mo naman kami, gusto mo yata kaming patayin eh, at-" pinutol niya ang dapat ko pang sabihin, mukhang na pikon ata. Ahahahha.
"Oo na ikaw na panalo ako na talo. Psh" Hahahaha, ang bilis talagang mapikon ng babaeng to.
" Hahaha, lub lub you beastpren" sabi ko with matching beautiful eyes pa.
"Eww kadiri ka bruha ka. Psh, ang tagal tagal naman nagugutom na ako." Hay kahit kalian ang takaw takaw talaga eehh, parang hindi pinakain ng magulang niya.
Hindi na namin namalayan na tapos na pala ang concert ng aming bestpren. Naramdaman ko nalang na may papalapit sa amin. May papalapit na gwapong nilalang na may dalang rosas. Ang gwapo, tinitigan ko naman ang kanyang mata na nakatingin sa akin habang siya ay papalapit. Pero parang may mali eh. Nginitian niya naman ako yung labas lahat ng ipin, ang ganda ng ngipin hah,pwedeng maging model sa colgate, siya yung magiging mascot na ipin sa kantang *brush, brush, brush 3 times a day*.
Ano ba naman tong taong to palagi nalang nagbibigay ng rosas gusto niya atang ubusin ang mga rosas eh at gawing extinct, juice colored, maawa ka naman sa mga rosas Loke.
Papalapit siya ng papalapit, at habang papalapit siya ng papalapit dun naman umandar ang pagslowmo ng mundo ko, letse tong slowmong to, pinapatagal lang niya si Loke eh, psh. Ilang hakbang nalang at nandito na siya sa harap ko, now he's one step closer to me. At nandito na nga siya pero, bigla nalang niya akong nilampasan, at dun lang pumasok sa aking isipan na hindi pala ako ang gusto niyang puntahan, at kaya rin pala nung tinitignan ko siya naramdaman kung may mali, nakatingin pala siya ka Raily.
Yan kasi, wag kasing mag-assume ikaw lang naman ang masasaktan dahil sa pag-aasume mo eh.
"Ay oo nga pala, Charry, pinapabigay ni Ms. Lucita." Sabi ni Loke
"Ahh, ccge" hindi ko naman pinahalatang nasaktan ako after all, it is my fault for falling into conclusions.
"May pupuntahan na muna ako, mga beastprens hah, may pinapabigay si Maam eh, magkita nalang tayo mamaya, cge na bye. You two should enjoy okay? *wink*" bago pa ako umalis nginitian ko naman sila ng pagkalaki laki. Pagkatapos nun magsasalita na sana sila ng umalis na talaga ako.
Pagkatapos kung gawin ang utos ni Maam, hinahanap ko sila. Inilibot ko ang aking paningin ng nakita ko silang dalawa na nasa gitna ng ballroom ng hotel. Nakita ko kung paano kasaya ang mukha ni Loke habang sinasayaw si Raily na halatang hindi naman siya gusto pero Masaya pa rin siya kasi nga magkaibigan sila.
Hay, kung tutuusin, bagay naman talaga silang dalawa eh, maganda si Raily, gwapo naman si Loke, at saka kilala na nila ang kanilang mga sarili. Kung ako kaya ang kasayaw ni Loke, ano kayang magiging reaksiyon naming dalawa? As usual magtatanong na naman siguro yan kung anong dapat gawin para kay Raily at ako namang si tanga na sumasagot kahit na nasasaktan na ako. Baka masokista na ako.
Nagpatuloy ang gabi, natapos na kami sa kainan part, sa sabihan ng speech part, sa pag announce ng prom queen at prom king part, at sa sayawan part. Uwian part na pero kahit isang sayaw lang sa isang segundo hindi niya talaga nagawa.
Hay, sabi niya kasi, "Wala akong ibang isasayaw kundi si Raily lang, at wala ng iba pa." hay grabe ka Loke kahit isang sayaw lang bilang bestfriend mo, huhuhu. *sigh*
Ay oo nga pala no, ano kayang magiging reaksiyon ni Loke pag nalaman niyang may gusto ako sa kanya, na si Raily ay kaibigan lang ang turing niya sa kanya, na alam na pala ni Raily na may gusto si Loke sa kanya. Sana hindi ang situasyong to ang makakasira sa pagkakaibigan namin, sana talaga.
Pero sadyang mapaglaro talga ang tadhana eh.....