TORPE

44 4 0
                                    

Sila lang naman yung tipo nang mga lalaki
Na tila ba hindi mapakali
Kapag ikaw ay nasa kanyang tabi
Sila din yung tipo nang nang lalaki
Na tila ba walang lumalabas sa kanilang mga labi
kahit gusto nilang kausapin
Bakit?
Simple lang may lihim kasi silang pagtingin
At isa pa hindi naman nila ito kayang sabihin
Kaya dapat sa kanilang actions ka tumingin

Sila din yung mga lalaking kadalasan hindi napapansin
Sila kasi yung mga mahihiyain
Pero sinasabi ko sayo ikaw ay lubos nilang mamahalin.

Karamihan sakanila'y iyong kaibigan
Kaya nga hindi mo aakalaing
Ikaw ay kanilang magugustuhan
Pero syempre lalaki parin sila kaya marunong silang makipag laruan
Expert lang naman ang mga to sa tagu taguan
Tagu taguan nang nararamdaman
Na kapag sinabi niya sayo
Agad mong lalayuan

Ganyan na ba ngayon ang mga kababaihan?
Hindi lang gwapo
Kanilang agad na nilalayuan at kinamumuhian
Kawawa naman kayo...
Tapos pag pinili ang gwapo
At sinaktan kayo,
Bukang bibig at sigaw niyo
PARE PAREHAS LANG NAMAN KAYO!
Teh! Wag ka kasing tumingin sa panlabas lang
Try mo pang loob nang hindi ka nasasaktan jan

Sila din yung tipo nang lalaking mga walang imik
Pero pag nakilala mo na nang tuluyan
Doon makikita ang kanilang katauhan
Pero hindi sila binansagang torpe nang ganon ganon lang

Ang torpe ay yung mga tao na hindi kayang isaad ang kanilang totoong nararamdaman
Dahil sa kani kanilang rason
Maaaring pinapahalagahan ang pagkakaibigan
O hanggabg kaibigan lang
O ayaw ka lang niya lumayo nang ganon na lamang
O di kaya sadyang tanggap na nila na kelanman hinding hindi mo siya magugustuhan
Kahit masakit isipin na ganon
May respeto kasi siya sayo,
Kaya wala siyang magawa kundi tanggapin na lamang iyon

Pero sana wag mo silang balewalain
Kasi yung simpleng pag chat niya sayo
Maaring maraming lakas nang loob ang kanyang hinain
Para lang dun at para lang ikaw ay kausapin

Wag mo rin sana silang pagtritripan
Kasi sensitive din sila, natatablan
Natatablan nang mga biro para sayo
Pero sakanila ay seryoso
Tandaan mo, pangserysohan sila
Hindi sila laruan o puppet na pwede mong paglaruan

Sige ka pag ikaw ay kanyang nilayuan
Sigurado ko mamimiss mo rin yan
Ang kanyang kakulitan
Ang kanyang mga efforts na pinakawalan
At higit sa lahat hahanap hanapin mo,
Yung mga oras na parati siya nandiyan

Hindi ko sinasabing mahalin mo kung hindi kaya...
Ang akin lang, eh wag mo sanang gaguhin yung taong ikaw ay pinapasaya
At sana kung ayaw mo sakanya
Sabihin mo ang katotohanan
Hindi yung siya'y pinaglalaruan
At pinatrititripan
Tandaan mo kokonti nalang ang mga ganyan
Lahat kasi naging manloloko na.
Dahil sa mga kagaya mong pinapaikot lang at walang magawa

Torpe?
Maraming ganyan
Saludo ako sa mga yan
Sa sobrang galing magtago nang nararamdaman
Pati yung sarili nilang pagkatao
Tinatago nila at kinakalimutan
Para lang makarelate at makasama kalang
Kaya pls lang!
Marami na silang sakripisyong pinagdaanan
At sakit na pilit nilang kinakalimutan
Alam kong hindi mo naman ito hinihingi sakanila
Pero sana respetuhin at iaapreciate mo man lang
O kung hindi mo kayang mahalin
Mag offer ka nang friendship manlang
Atleast dun magiging masaya na yun
Pero kung ayaw mo parin
Kahit maayos na pakikitungo lang ang iyong ihain

Ang torpe kasi para sakin
Sila yung masasarap mahalin
Kaso nga lang...
Huli ko na to bago man lang isipin
Kaya ayun lumayo na siya nang tuluyan sakin
Binaliwala ko lang kasi para sa taong iiwan at ako sasaktan rin
At akala ko rin kase andiyan siya palagi para akoy saluhin
Pero hindi!
Ayoko matulad kayo sakin
Na naging manhid at hindi man lang inisip
Yung mga taong handa akong mahalin...
Tandaan tao rin sila napapagod din

At isa pang kasabihan na aking pakakawalan
Mas masarap mahalin ang torpeng may respeto
Kesa sa gwapong iiwan kalang rin pag nakuha pag ka babae mo...😉

BOW.



A/N
Im so masipag noh? 3 spoken word poetries in one day what a record right?😂😂
char lang
anyways dedicated to all torpes out there
I dont mean to offend all girls out there just expressing my opinion anyways kaya nga spoken word poetry right?
wala nang dapat ipaglaban pa😉charwot😂😂😂

WORDS UNSPOKENWhere stories live. Discover now