Mundo

32 4 10
                                    

Aking mundo
Kamusta kana?
Ok ka lang ba?
Bakit ko nga ba tinatanong kung halata naman na hindi na?

Pasensya na kung kinukulit kita
Pasensya na kung akoy nakakasakit na
Pasensya na kung kadalasan ikaw ay naririndi na
At pasensya dahil ginawa kitang mundo ko. Pasensya

Alam kong mali ang gawin kang sentro
Alam kong mali ang mahulog sa isang katulad mo
Oo alam ko ring mali! Mali na sayo ko lubos na itinuon ang pansin ko
At maling mali na magselos ako kung iba ang kasama mo

Ansakit pala kapag bigla bigla nalang nawala ang mundo mo
Yung tipong dati ulo lang sumasakit sayo
Ngayon pati na ang puso mo?

Ansakit pala tanggapin
Ang hirap palang selos ay pigilin
Ang lungkot pala kapag hindi mo ko pinapansin
Lalo na kapag nababalitaan kong may bago kana promise ang sarap niyong
PATAYIN!

Pero wag ka mag alala
Dahil hindi na kita aabalahin pa
Hindi na kita sisitahin kapag nakikipaglandian ka nanaman sakanya
At hindi na kita bibigyan ng pake kung maging kayo pa

Maling mali ang gawin kang mundo
Maling mali na mas ibigan ka kesa sarili ko
Maling mali na ipagtulakan ko pa lalo ang sarili ko
At maling mali na gustuhin pa kita lalo

Bibitawan na kita!
Kahit alam kong hindi ka kumapit
Lalayuan na kita
Kahit alam ko ako naman yung lapit nang lapit
Hindi na kita kukulitin
Kahit alam ko naman na ako yung namimilit
At kakalimutan na kita
Eventhough youre not asking me to do it

Hindi na kita mundo
Pagod na pagod na ako
Lalayo na ako sayo
At ito na ang huling paalam ko

PS. Sabi nga sa kantang hayaan mo sila
"Wag mong gawing mundo ang alam mo na tao lang"

WORDS UNSPOKENWhere stories live. Discover now