You caught my attention

25 5 18
                                    

Ako yung babaeng pranka
Yung tipong walang pakielam kung masasaktan ka sa aking salita
Nanakit din ako ng pisikal wag ka
Kaya wag mo kong babanggain, binabalaan kita

Ako yung babae na hindi basta basta nagkakagusto sa lalaki
Mataas ang standards ko bumagsak lang pagdating sayo
Hindi ko alam kung bakit nakuha mo ang atensyon ko
Ano bang meron sayo mukang ikaw ay aking gusto

Ako yung babaeng maraming pinaiyak na lalaking seryoso,
Wala akong pakielam sa damdamin nila hindi ko naman sila gusto,
Kapag ayaw nila akong tigilan ako'y nakikipaglaro,
At kapag ayaw talaga akong lubayan sinasaktan ko lalo.

Matigas ako hindi lang ulo pati damdamin
Pero kapag kaharap kita akoy nagiging mahiyain
Ewan ko tuwing kasama kita ako ay masayahin
Sayo na ata ako ay merong pagtingin

Balita ko matalino ka
Yung buwan buwan pinaparangalan ka
Baka napapagod ka na ok ka lang ba?
Concern ako sayo inaamin ko syempre ikaw ay mahalaga

Pero teka punyeta sandali nga!
Bakit ako nagkakaganito sakanya?!!
Dahil ba sa cute na dimples niya tuwing ngumingiti siya
O sa tindig niya na pang maginoo at sa titig niya?

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito
Ang alam ko lang ibang iba ka sa mga lalaking nakikilala ko
Sa pananalita, lebel ng maturidad, doon palang hanga na ako
Dagdag nalang yung pagiging matangkad, cute at charming mo

Isa ka ring mabuting kaibigan
Tuwing nakikita ko kayo, naiisip ko sobrang swerte, sana ako rin may ganyan.
Kaya mong maging childish o mature kaya siguro kita nagustuhan.

Magaling ka rin sa larangan ng musika
Hangang hanga ako sayo kasi magaling kang mag gitara
Sa lalim ng boses mo ako'y napapanganga
Kinikilig ako sana hindi mo nahahalata

Nasa iyo lang ang atensyon ko
Hindi ko pa alam kung meron akong pagtingin sayo
At kung pupunta man doon,
Hindi ako matatakot, hahayaan ko lang ito

Alam ko hindi mo ko mapapansin
Atensyon lang naman nakuha mo sakin
Wag mo kong irerealtalk katulad ng ginawa mo sakanya
Kasi kung siya umiyak. ako sasapakin kita.


WORDS UNSPOKENWhere stories live. Discover now