PANSIN

39 5 2
                                    

Pansin?
Yan lang naman yung pinagkakait mo sakin
Pansin?
Yan din yung dapat mong kailanganin
Para ako na ay mabuking
Mabuking na may lihim akong pagtingin
Kaya wag mo sanang masamain
Kung gusto kita palaging kausapin
Kahit ako'y inaaway mo rin

Lahat yun ginagawa ko para lang akoy iyong mapansin
Kaya ako'y iyong patawarin
Kung ako may natural na kakulitan
Kung inaasar kita hanggang manahimik ka jan
Dahil yun lang naman ang paraan
Para makuha ko ang aking inaasam
Ang mapansin mo
Edi wow kung papansin ako
Na sobrang papansin ko eh
Tinataboy mo na ako
Pero hindi ako susuko!

hindi naman ako nagkulang sayo
Kaya sana ako naman
At pagbigyan sa hiling ko
Pwede ba kahit isang oras
Ibigay mo
Mahal pakiramdam ko kase
Wala nalang ako sayo

Totoo naman wala lang ako sayo
Ang totoo nga niyan
Pam palipas oras mo lang ako

Sana bigyan mo rin ako nang pansin
Nandito lang ako sa likod mo oh
Ako naman sana'y lingunin

Kung sa bagay pano mo ko lilingunin
kung hindi naman ako maganda kagaya niya kaya talagang hindi mo bibigyang pansin

Masakit.
Masakit isipin na kahit naman nasa harapan mo ko
Ako ay babaliwalain mo rin
Mapa hilaga, silangan, kanluran, timog pa ako punwesto
Dadaanan at lalagpasan mo lang ako...
Na parang hangin
O para bang ako yung taong pinag utangan mo
At ayaw mo na akong harapin

Sabagay kung magbabayad karin
Hindi ko tatangapin
Ganyan ako ka tanga
Magpapasalamat pa ako sayo
Kase naisipan mo kong kausapin

Minsan ba nagtataka ka?
Na kahit nagaaway tayo
Ako parin yung unang lumulunok nang pride ko
Para lang maayos ang nagulong relasyon
Dahil sa mood mong hindi naaayon

Nagtataka kaba?
Kung bakit ko tinitiis yang pagka sadista mo
Yung bawat hampas mo sa balat ko
Na kahit masakit tinitiis at tinatago ko pa sa mama ko
Para lang hindi tayo magka layo
Dahil alam ko pag nakita niya ito
Agad itong magrereklamo
At hulaan mo ang susunod
Wala na...
Hindi na tayo magtatagpo

Alam mo rin ba ang rason?
Kung bakit ko tinitiis lahat nang birong
Hindi nakakatuwa
Lahat nang akusasyon
Na dapat hindi ko na binibugyan nang atensyon
Pero pasensya na
Tao lang ako at may emosyonė
Dahil hangga't pinapansin moko at masaya ka sa ginanagawa mong yon
Wala lang sakin yon...
Kahit mali at dapat na kitang itama
Hindi ko magawa
Dahil baka sabihin mo panira ako sa saya
Kaya ginusto kong makibagay nalang
Atleast nakakasama na kita
Nagiging masaya ka

minsan ba iyong nabatid
Na kahit gano pa ako ka mature
Eh ready ready ako makipag away sayo
Kahit walang kwenta para lang sayo
Tapos minsan nga hibsi kita mabatid
Nang dahil dun
Nagkakatampuhan pa tayo

Lahat nang yan ginagawa ko dahil sa iisang rason ang mapansin mo

Pero mahal wag kang mag alala
kahit pinagkakait mo sakin ang iyong pansin
Hindi parin ako magsasawa para ituon lamang sayo ang aking pansin
Dahil hindi mo man ako mahalin
Nagpapasalamat parin ako
Sa pagtitiis mong akoy iyong kausapin

A/N
credits kay user43177317 para sa title😂at topic narin

anyways feel free to give me topics and im gonna try to write something about it.😉

WORDS UNSPOKENWhere stories live. Discover now