Prologue

449 11 16
                                    

Nakatayo ako ilang metro ang layo sa simabahan. Sa distansya kong ito kitang-kita ko ang kabuuan ng simabahan na parang nababalot ng itim na hamog. Tiningnan ko ang paligid, walang katao-tao kundi ako lang, mistulang ghost town na nga ito dahil wala ka ring maririnig na kahit anong ingay. Ang kalangitan ay napakadilim din, parang nagbabadya ng delubyo. Sinipat ko ang sarili ko, sa tingin ko ay kinse anyos lang ako sa panaginip na ito. Napansin ko iyon dahil sa napaka-payat kong mga balikat at kamay.

Sinulyapan kong muli ang simabahan, hindi ako alam ang nangyayari pero parang hinihila ang mga paa ko papunta doon. Biglang pumasok sa isip ko na dapat akong pumunta doon, parang tinatawag ako ng simbahan.

Magaan ang pakiramdam na naglakad ako, habang papalapit ako sa simbahan pagaan ng pagaan din ang pakiramdam ko. Sa tingin ko nga ay parang lumilipad na ako ngunit pagtingin ko naman sa mga paa ko, nakaapak naman ito.

Huminto ako sa entrance ng simbahan kung saan may malaking pinto. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, kinakabahan ako ng ‘di mawari. Ngunit hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon mag-dalawang isip dahil biglang bumukas ang malaking pinto, gumawa iyon ng nakakatakot na langitngit na nagpataas ng balahibo ko. Alam kong may mali pero hindi ko iyon matukoy.

Tumambad sa akin ang loob ng simbahan, wala namang kakatwa rito. Ganoon pa rin ang disenyo ng simbahan pero iba ang pakiramdam ko, parang hindi ito ang simbahan na dati kung pinupuntahan. Pakiramdam ko naliligaw ako at pakiramdam ko rin tuluyan akong mawawala sa landas kapag tumuloy ako sa loob.

Ngunit hindi ko napigilan ang katawan ko, kusa na itong kumikilos. Dahan-dahan akong naglakad papasok, habang papalapit ako sa altar namataan ko ang isang lalake. Nakatayo siya sa gitna at nakalahad ang kamay, ayoko mang isipin pero parang ako ang sadya at hinihintay niya.

Ang mga mata ko ay hindi umaalis sa mukha ng lalake. Napaka-gwapo niya, sobrang amo ng mukha niya na para bang hindi gagawa ng masama, para siyang anghel. Ang bilugan niyang mata na may kakaibang kislap, ang matangos niyang ilong at ang makipot at pula niyang labi. Gusto kong kabisaduhin ang bawat detalye ng perpekto niyang mukha.

Tumigil ako sa saktong distansyang maaring mag-abot ang kamay namin, hindi gaanong malapit at hindi rin gaanong malayo. Napatingin naman ako sa kamay niya, hindi ako sigurado kung dapat ko bang abutin ang kamay ko sa kaniya pero ito ang inuutos ng utak ko. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya, kumorte ng isang matamis na ngiti ang labi niya na parang pinapahiwatig na ‘wag akong mag-alala. Ngunit ang mga mata niya, iba talaga ang kislap, iba ang nais iparating.

Sinunod ko ang sinabi ng utak ko kahit ayaw ng puso ko, unti-unti kong inabot sa kaniya ang kamay ko. Sobrang gaan na ng pakiramdam ko na para bang kahit anong oras ililipad na ako ng hangin. Parang nag-slow motion ang lahat, maski ang pag-abot ko sa kamay niya ay napakabagal din. Hangang sa ilang dangkal na lang ang layo ng mga kamay namin, hangang sa ang dangkal na iyon ay naging sentimetro na lang, hangang sa .. may humatak ng braso ko .. Hindi nag-abot ang kamay namin ng lalake.

Nilingon ko ang humatak ng braso ko, nakita ko ang isang lalakeng ubod din ng gwapo, ngunit hindi tulad ng lalakeng nag-abot sa akin ng kamay na may napakaamong mukha, ang lalakeng ito ay mabangis tingnan. Para siyang nababalot ng mapanganib na awra, ang mata niyang nag-aapoy sa galit ay nakatitig sa unahan ko. Agad nawala ang galit sa mata niya ng sumulyap siya sa’kin, pero nandoon pa rin ang mapanganib niyang awra. Nakakapagtaka lang na hindi ako natatakot sa kaniya.

“Bumalik ka na Ysabella.” Napatanga ako ng marinig ko ang baritonong boses niya na tila ba’y may ginigising sa bawat himaymay ng katawan ko, para bang may gusto siyang buhayin sa akin. Naging normal na rin ang bigat ng katawan ko, hindi katulad kaninang sobrang gaan ng pakiramdam ko. Kasabay nito ang mabilis pagtibok ng puso ko, hindi sa takot o kaba pero sa ibang dahilan.

Imbes na intindihin ko ang sinabi niya, ang pumapasok sa utak ko ngayon ay alamin kung sino siya, kung anong pangalan niya at kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. “S-sino ka?” Nauutal kong tanong.

Ngumiti siya at hinila ako palapit. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong titigan ang mukha niya, his smoky eyes na kayang palambutin ang tuhod ng kahit na sinong babae, ang labi niyang may kakapalan pero parang ang sarap halikan, ang pangahan niyang mukha which gives him a sexy look at ang moreno niyang kutis. Lalakeng lalake siyang tingnan. I was suddenly drawn to him.

“Ako si Mikhael.” Pakilala niya kasabay ng paghaplos sa mukha ko. “Bumalik ka na Ysabella.” Bulong niya habang unti-unting bumaba ang mukha niya palapit sa akin, napapikit na lang ako sa paghihintay. Hangang sa magtama ang mga labi namin, pakiramdam ko libo-libong boltahe yata ng kuryente ang tumama sa katawan ko. Kuryenteng masarap sa pakiramdam.

Doon ako bumalikwas ng bangon, hinihingal akong nagmasid sa paligid, nasa kwarto lang pala ako. Napahilamos na lang ako ng mukha sa sobrang frustrations na nararamdaman ko, gabi-gabi ang mga panaginip na iyon ang dumadalaw sa akin sa pag-tulog. At gabi-gabi ko rin nararamadaman ang halik na ‘yun. Ang halik ni Mikhael. Ang halik ng bangungot.

A Nightmare's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon