Bawat simula ay may katapusan. Bawat umpisa’y may hangganan. Ngunit ang lahat ng ito’y may dahilan. Para sa isang katulad ko na nabigyan ng bagong rason para magpatuloy sa buhay, ang katapusan ay ang umpisa ng bagong simula. Kung dati’y halos isumpa ko ang aking buhay, ngayon nama’y pinagpapasalamat ko na ito. Tumatak rin sa isipan ko na hindi lahat ay nabibigyan ng buhay, o sa sitwasyon ko ay ‘pangalawang buhay’ na nga.
Masigla akong bumangon sa aking higaan. Madali akong naligo at nagbihis. Hindi ko naman kailangang magmadali pero sobrang akong nae-excite. Kung masusukat nga lang ang energy ng isang tao, sigurado akong baka umabot sa langit ang taglay ko ngayon.
Binagtas ko ang daan palabas ng inuupahan kong bahay. Binati ko pa nga ang lahat ng taong makakasalubong ko habang naglalakad ako patungo sa sakayan. Alam kong nawi-widrohan sila sa’kin pero binalewala ko iyon. This was such a good day to ruin.
Ng makasakay ako hindi ko maiwasang mapatingin sa daan kung saan ako naglakad kagabi. Natatawa na lang ako ng magbalik sa isipan kung paano ako sinakluban ng takot. Sino bang magaakala na magiging maganda pala ang resulta ng takot na iyon? Na ang idudulot ‘nun ay isang bago at may kabuluhang buhay?
Dahil doon, muli kong naalala ang naging paguusap naming ni Jarell.
“A-ang mga kaibigan ko? S-si Rain? Bakit mo siya sinaktan?” Naguguluhan ko pa ring tanong. Kahit na natutuwa ako sa mga narinig ko sa kaniya, alam kong may kulang pa rin sa mga paliwanag niya. Isa na nga ito sa mga bumabagabag pa rin sa isip ko.
Malungkot na bumuntong-hininga ang lalake. “Iyan ba ang tingin mo? Hindi ba sumagi sa iyong isipan na inililigtas ko lamang siya?” Maririnig ang hinampo sa boses ni Jarell.
Hindi agad ako nakaimik. Bigla akong na-guilty. Base sa mga narinig ko kanina, hindi ko na nga dapat siyang paghinalaan. Biktima lang siya, katulad ko at ni Rain. Biktima kami ni Mikhael. “Wag mong sabihing si Mikhael …?” Hindi ko man natapos ang tanong, naintindihan naman iyon ni Jarell.
Tumango ang kaharap ko. “May hindi ka pa alam tungkol kay Mikhael.” Sandaling siyang tumahimik, wari’y tinatantya ang mga sasabihin. “Bawat hihingin mong pabor sa mga mangkukulam na namumuhay sa kadiliman ay may kabayaran. Ang kabayaran ni Mikhael ay kamatayan. Ngunit dahil may umibig sa kaniya mula sa lahi ng mangkukulam na inaniban, gumawa ito ng sumpa katulad ng pinataw nila sa akin. Sinelyuhan rin nito sa paniginip si Mikhael sa pagaakalang mabubuhay muli ito at magsasama silang muli. Dahil na rin dito, nagkaroon siya ng kakayahang pasukin at kontrolin ang panaginip ninuman.”
“Ang lalakeng iyon ang kumontrol sa panaginip ng iyong kaibigan, Ysabella. Sumunod ako doon para tulungan ang iyong kaibigan, nagtagumpay naman ako pero hindi pa rin maiwasang mapuruhan siya. Naging bukas ang kaniyang kaluluwa para sa itim na espirito kaya wala na akong nagawa pa.”
“Pero bakit? Bakit niya ginawa ‘yun? Ang pangitaing nakita ko, kagagawan din ba niya?”
“Ayon sa sumpa, dugo lang ng isang mabuting mangkukulam ang magpapawalang-bisa. Isang mangkukulam na hindi pa nakakakitil ng buhay. Ng mamatay ka at selyuhan ako sa panaginip, nagsimula ang gera sa pagitan ng dalawang lahi ng mangkukulam. Nagwagi ang mga itim. Kaya wala ng mangkukulam sa mundo na hindi pa nakakakitil, maliban sa iyo. Gusto rin ni Mikhael na makawala sa sumpa kaya minamapula niya ang lahat. Katulad ng pagtanim niya sa utak mo na kalaban ako at siya ang kakampi mo, itinanim niya rin ang pangitaing iyon para maguluhan ka at makuha niya ang tiwala mo. Isa lang rin iyong panaginip, mahal ko. Isang walang katuturang panaginip.”
Magkahalong poot at ngitngit ang nararamdaman ko ngayon. Lahat ng ito’y dahil sa kasakiman ni Mikhael. To think na nangdamay pa siya ng walang kamalay-malay na tao para lang sa paghahangad niyang mabuhay muli. Napakasama niya!!
BINABASA MO ANG
A Nightmare's Kiss
ParanormalOur truest life is when we are in dreams awake. ~ Henry David Thoreau