II Pangitain

224 8 20
                                    

II

Sa bawat paghakbang ni Rain dinig ko ang naguunahang tibok ng puso ko. Para bang bumagal ang nasa paligid ko at ang nakikita ko lang ay ang paghakbang niya. Dahil doon hindi ko napansin na bumigay pala ang pinto dahil sa pwersa ng mga kaklase kong gusto ng lumabas.

Nagbalik lang ang diwa ko sa nangyayari ng may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Dindin na parang magkakaroon na ng panic attack.

“Tara na teh! Umalis na tayo dito.” Saka ko lang napansin na kami na lang tatlo nila Dindin at Ashley ang naiwan sa classroom.

“WALANG AALIS!” Iyon na naman ang nakakatakot na tinig galing kay Rain. Muling tumaas ang balahibo ko, alam kong ganun din ang dalawa kong kasama. Ng hilain ako ng Dindin ay nagpatianod na lang ako at hindi na nagabala pang lumingon kay Rain.

Pagkalabas namin ng classroom tumambad sa amin ang mga naguguluhang estudyante sa hallway, alam kong dahil sa komosyong ngyari kanina kaya sila nagkakaganyan. At kung minamalas nga naman, hindi pa kami nakakalayo ng humarang sa daan ang prof namin. Papunta pa lang siguro siya sa classroom.

“Anong ngyayari sa inyo? Bakit kayo nagtatakbuhan?” Naguguluhang tanong ni prof. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano siya sagutin, hindi rin ako makaisip ng tamang paliwanag, hindi rin kayang bumuka ng bibig ko. Buti na lang kasama namin si Dindin.

“Ma’am, Rain has powers.” Literal akong napanganga sa sinabi ni Dindin, hindi ko akalain na makakaya pang magpatawa ni Dindin sa ganitong pagkakataon. Anong powers kaya ang pinagsasabi niya? Sigurado ako may scientific explanation ang nangyayari ngayon, o baka naman may sakit si Rain na hindi pamilyar sa aming lahat.

“What are you talking about?” Nagpapalit-palit ang tingin ni prof saming tatlo. Dahil parang naputol ang dila ko at hindi ako makapagsalita tumingin ako kay Ashley para humingi ng tulong sa pagpapaliwanag kay prof.

“S-sinaniban po si Rain.” Anak ng tokwa! Pati ba naman si Ashley hindi na rin makaisip ng tamang paliwanag? Paano namin matutulungan si Rain kung puro kalokohan ang lumalabas sa bibig nilang dalawa? “Sa math class po namin wala si Rain kaya nagtaka kami, tapos pagpunta namin sa classroom ng subject niyo nandun na siya. Bigla na lang siyang nangisay tapos namutla ang mukha niya, umiyak rin siya ng dugo at ang boses niya p-parang… parang boses ng demonyo. Ma’am sigurado akong sinasaniban si Rain, napapanuod ko sa tv ang mga signs kapag sinasaniban.”

“Are you three on drugs?” Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, hindi maniniwala si prof sa pinagsasabi ng dalawa kong kasama. Talagang naapektuhan na ang utak nila sa nangayari. “Look, I don’t have time for this. Ang mabuti pa bumalik na kayo sa classroom.”

Akmang magpo-protesta pa ang dalawa ng biglang may humiyaw sa likuran namin. Lumingon kami at nakita namin ang papalapit na si Rain, nagkagulo na ang lahat, ang iba ay sumiksik sa pader dahil sa takot, meron din parang na-estatwa na. Ang lahat ng atensyon ay nakatutok ngayon kay Rain.

“Sabi kong, WALANG AALIS!” Sa sinabi niyang iyon parang may sariling buhay na gumalaw ang bawat pinto at bintana ng mga classroom, bukas-sara ang mga ito na parang bang dinadaanan ng bagyo. Ang nakakapagtaka lang walang kahangin-hangin sa lugar na ito para maitulak ng ganung kalakas ang mga pinto at bintana. Sa mga sandaling iyon kinwestyon ko na ang sarili ko, kababalaghan na nga ba itong nakikita ko?

“She’s not possessed, she has just powers.” Hula kong bulong ni Dindin kay Ashley.

“Bulag ka ba? Ayan na nga ang pruweba oh. Tsaka hintay ka lang, sigurado akong mamaya magsisirko na ‘yan.” Sagot naman ni Ashley. Napa-face palm na lang ako. Bakit kaya ako nagkaroon ng mga weirdong kaibigan?

A Nightmare's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon