Dalawang araw makalipas ang nakakakilabot na pangyayari sa school, ibinalik na muli ang klase. Akala ko babalik na sa normal ang lahat, akala ko makakalimutan o babalewalain na ng mga kapwa ko estudyante ang mga nangyaring insidente … hindi pala.
Patuloy pa ring pinaguusapan ang gulong nangyari sa aming klase, lalong lalo na kay Rain. Maraming haka-hakang kumakalat na talaga namang hindi mo akalaing maririnig mo sa mga estudyante ng ganitong henerasyon. Computer age na nga ang panahon natin pero tila madami pa ring naniniwala sa kababalaghan.
Hindi ko naman sila masisisi dahil naranasan ko rin ang kababalaghang iyon. Hanggang ngayon nga’y iniisip ko pa rin ang pangitaing nakita ko. Kung sakaling tumuloy kami sa classroom kung nasaan si Rain, sigurado akong ikakapahamak ko ito o baka ikamatay pa nga.
Kahit naguguluhan at nalilito ako sa premonition na nakita ko, kahit saliwa ito sa paniniwala ko, laking pasasalamat ko rin dahil natulungan ako ng pangitaing iyong mailayo sa tiyak na kapahamakan.
Ngunit hindi naging hadlang ang hindi namin pagtuloy sa classroom dahil may napahamak pa rin. Naikwento sa amin ng aming mga kaklase ang buong pangyayari. Si Megan daw ang umaawat kay Rain sa pagwawala at tulad ng pangitaing nakita ko, ibang klaseng lakas ang pinamalas ni Rain ng itulak niya si Megan palayo. Ngayon nga’y naka-confine si Megan sa hospital, wala naman siyang malalang pinasalang natamo pero para daw makasiguro, kinailangang i-confine si Megan.
Sa kasamaang palad, ang professor namin na umawat rin kay Rain ay namatay. May isa sa aming mga kaklase ang nagreport sa department faculty at sa mga gwardya. Agad silang pumunta sa classroom kung saan naganap ang pangyayari, nadatnan na lang nilang nakahandusay ang prof namin sa tapat ng classroom, wala na daw itong buhay ng makita nila.
Kay Rain naman ay walang balita ang mga kaklase ko. Wala silang ideya kung anong nangyari kay Rain matapos ang araw na iyon. Matapos kasi nilang samahan ang mga gwardya at ilang propesor sa kinaroroonan ng pangyayari, agad silang pinauwi. Wala naman silang nagawa kundi sumunod.
Sinubukan din nilang itanong ngunit hindi raw nagbibigay ng impormasyon ang mga gwardya at propesor na naging saksi sa kababalaghang ito.
Matapos nilang ikwento ang nasaksihang insidente, namayani ang katahimikan sa buong klase. Nasa classroom kami ng math class namin at naghihintay sa pagdating ng aming professor pero mahigit kalahating oras na kaming nandito, hindi pa rin siya dumadating. Sa tingin ko nga’y hindi rin niya papasukan ang klase namin tulad ng professor namin sa unang subject. Pakiramdam ko tuloy, sadya nila kaming iniiwasan.
Iilan lang kaming pumasok, hihigit lang yata sa sampu. Alam kong nagpapakatatag lang sila ngunit makikita pa rin sa mga mukha nila ang takot. Ang dalawa ko namang kaibigan ay nakatulala lang sa kawalan. Marahil ay iniisip nila ang nangyari kay Rain at ang pangitain ko. Noong araw ng kaguluhan ng sabihin ko sa kanila ang nakita ko, hindi sila naniwala sa akin pero dahil nagkatotoo ang mga ito, imbes na matakot sa akin, hinangaan pa nila ako. Para kay Dindin, isa akong psychic. Kay Ashley naman, isa akong espiritista.
Naisip ko rin na kaya ako nakakita ng pangitain kasi lumuwag na rin ang turnilyo ko sa utak gaya ng mga kaibigan ko. The mere thought made me shiver. Mukhang masisiraan talaga ako ng bait kakaisip sa mga kababalaghang ‘yan.
“Tinawagan niyo ba si Rain? O tinext man lang?” Pag-sira ko sa nakakabaliw na katahimikan. Dahil nakapaikot ang mga upuan namin ng pabilog agad kong nakuha ang atensyon ng lahat. Sinadya namin ang ganitong pwesto para makapagusap-usap kami ng maayos at makita namin ang reaksyon ng bawat isa.
“N-noong gabing na-dismissed ang klase, tinawagan ko siya. Nagri-ring naman ang phone niya pero hindi niya sinasagot. Sinubukan ko din siya tawagan kanina, out of coverage na ang phone niya.” Sagot ng isa naming kaklase. Totoo iyon, maski ako ay pilit siyang kino-contact pero hindi talaga siya sumasagot.
BINABASA MO ANG
A Nightmare's Kiss
ParanormalOur truest life is when we are in dreams awake. ~ Henry David Thoreau