Ch. 1: Take My Command, Mahalin Mo Ako (One-Shot)

213 6 3
                                    

“Andrada! Bakit ka late?!”, sigaw ko sa na-late na trainee, o mas kilala sa tawag na COCC, “Ano? Speak agad!” 

“Sir traffic po kase, may aksidenteng nangyari kanina sir”

“Sige, basta dapat sa susunod di na ‘to mauulit. Kuha mo?”

“Sir yes sir!”

“Sandali”, sumabat si Angela Dela Cruz, co-officer ko.

“Take my command! Drop, give me 50 begin!”, utos ni Angela kay Andrada.

“Ma’am 1 ma’am! Ma’am 2 ma’am!........ Ma’am 50 ma’am!”, natapos na sa 50 push-ups ang kawawang trainee.

“Up!”, utos ulit ni Angela.

“Ma’am thank you ma’am!”

Pagkatapos ay pina pull-out ko na si Andrada dahil siya na lang ang natitirang trainee sa field, lahat nasa classrooms na. Kinausap ko si Angela.

“Angela, hindi ba sobra naman yung ginawa mo kay Sam?”

“Wala akong pakialam, kailangan niyang disiplinahin”

“Kahit na! Trainee pa lang siya, at ito pa lang ang unang beses na na-late siya”

“Rico, may napapansin ako sayo”, kunot na ang noo ni Angela.

“Ano?”

“May favoritism na nangyayari, bawal yun ah”

“Anong favoritism? Hindi ako ganoong klase ng officer”

“Ewan! Basta she deserves it, bawal ang ma-late no?”

“Ewan ko rin sayo Angela, masyado kang strikto”, umalis na ‘ko at pumunta na rin sa classroom ko.

*DING-DONG-DING*

Lunch na, at nakasalubong ko si Sam na papunta sa marshall post niya habang tumatakbo, may dala-dala siyang book. Napatigil siya at nilapag niya ang libro niya nang palapit na ako sa kanya.

“Huwag ka na mag-greet, bilisan mo na. Carry on”, sabi ko kay Sam para dumiretso na siya agad sa post niya.

“Sir yes sir!”, dali-dali niyang dinampot ang libro niya at tumakbo na. Tiningnan ko siya habang nakangiti ako, maya-maya’y nawala na siya sa paningin ko.

“Masyado kang maluwag, dapat nagpa-greet ka sa kanya”, narinig ko ang isang babae sa likuran ko.

Tumalikod ako at nakita ko si Angela.

“Kailangan niya nang pumunta sa post niya”, tumalikod ako at dumiretso para pumunta sa Canteen. Iniwan ko si Angela.

Matapos ang ilang oras, uwian na… Ng mga estudyante. Hindi pa uwian ng officers dahil may training pa ang mga COCC at kami ang magha-handle sa kanila.

Pina-form ko ang mga COCC sa harap ng stage sa Quadrangle. Dali-daling tumakbo ang mga COCC’s para mag-form sa harap ko.

Dumaan si Angela sa grupo ng mga tumatakbo na COCC, nakita ko kung anong nangyari. May pinatid siyang isang Trainee. Nadapa ang Trainee at nasugatan sa kaliwang braso, mukhang nagka-sprain pa kase di makatayo. Ngumiti si Angela.

Dali-dali akong tumakbo papunta roon at tulungan ang kawawang Trainee. Binuhat ko siya, piggy back style. Tinakbo ko siya sa Clinic. Napakabilis ng pangyayari, di na ako nagdalawang-isip pang tulungan si Sam.

Nakarating na kami sa Clinic at linapag ko na siya sa kama.

“Okay ka lang ba?”, tanong k okay Sam.

Take My Command! Mahalin Mo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon