Mira's POV
"Hoy dun ka nga, 'wag ka dito", sabi ko kay Ron matapos siyang umupo sa tabi ko.
"Oo na, oo na", tumango-tango siya at lumipat ulit ng pwesto.
Nakaupo kami nun sa stairs na katabi ng Armory. Nakatambay lang kami dun kase hindi pa kami pwedeng umuwi, hindi pa kami kase nadi-dismiss.
"Hay naku, tagal naman ni Sir. Gusto ko na maglakwatsya...", sabi ko sa sarili ko habang binabasa yung libro ko.
"Maya-maya andyan na yun", sagot ni sakin ni Ron.
"Ano ba yan hindi ikaw kausap ko", tumingin ako sa kanya at bumalik din agad ang tingin ko sa libro ko.
"Oo na, oo naaaa..."
"Grabe naman Mira, parang ang-harsh mo naman sa kanya haha", sabi sakin ni Corrine, co-officer ko.
"Oo nga, bakit sa kanya ka lang ganyan?", patuksong tanong sakin ni Ana, isa ko pang co-officer.
"Wala lang..."
"OFFICERS! Take my command! PULUTOOOOOONG HUMANAY'!"
Bigla naming narinig si Sir Jerome na pinapa-form kami. Dali-dali kaming lahat sa pag-form sa harap ng stage sa Quadrangle.
"Uwian na, walang training", sabi ni Commander samin.
"Sir bakit sir?", tanong ni [Abbie]
"...Verify sa langit", utos ni Sir Jerome at tumingin kami sa taas.
Nakita naming maitim ang mga ulap, halatang uulan nang malakas maya-maya.
"Gets?", tanong ni Sir Jerome samin.
"Sir yes sir!"
"Time check!", sigaw ni Sir para malaman ang oras.
"Sir 1609 hours sir!", sigaw ng time keeper namin, ang napakatikas na cadette na si Rissa.
"Oooohhh 69 :3", sabi bigla ni Commander, "I like it~"
"PFFFT!", pinigilan namin ang tawa namin. Si Sir kase masyadong open-minded napapatawa tuloy kami kaso bawal.
"Sige tawa pa!", sinigawan niya kami.
"Harap sa likod, harap!", tumalikod na kaming lahat, "DISMISSED!"
"Sir thank you sir!"
Nagba-bye kami kay Sir tapos pumunta na kami ng Armory para kunin yung gamit namin. Pag dating namin malapit sa gate...
"Uy tara kina Bianca tayo!", sabi nila bigla.
"GAME taraaaaaa", syempre lakwatsya game na game ako diyan.
"Sige sige tara", sabi ni Bianca.
"YESSSS!"
Malapit lang ang bahay nila Bianca, walking distance lang kaya mabilis kaming nakarating. Konting hi sa mga tao sa kanila then naupo lang kami nang parang bahay lang namin. Suki na kase kami ng bahay nila Bianca haha
As usual naglaro-laro lang kami dun. Nagtawanan, kwentuhan at kumain kami ng Pizza, grabe sarap talaga lumamon. Then without knowing it, tumila na ang ulan at gabi na pala. Kaya yun, natapos ang saya at pinauwi na kami ng mga magulang ni Bianca.
The next day, pumasok pa rin ako ng maaga. Just the same old boring days, nothing new. Ewan ko ba kung bakit, pero parang may kulang talaga sa buhay ko.
Pagbaba ko sa Armory, nakita kong si Ron pa lang ang tao dun. Habang naggigitara siya, napakanta na lang ako bigla, alam ko kase yung kantang 'yon eh. Ewan ko, hilig ko kase kumanta.
BINABASA MO ANG
Take My Command! Mahalin Mo Ako
RomanceA series of one-shots all made from mixed reality and the author's imagination. 1. Take My Command! Mahalin Mo Ako: Jerico Salazar ang pangalan ko, you can call me "Rico". Isa akong CAT Officer at may mahal akong COCC. Ewan ko kung bakit, pero mahal...