Dismissal time na, at walang training ang mga COCC ngayong araw dahil rest day namin ngayon. Napagpasyahan kong pumunta sa Library kasama si Michael, kaklase ko. Habang nasa Library kami, ginawa na naming dalawa ang Project namin. Hindi ko napansing 5:30 pm na pala at umuulan na sa labas, magsasara na rin ang Library maya-maya.
"Michael, uwi na tayo"
"Sige sandali lang", linigpit ni Michael ang mga gamit niya.
Lumabas na kami ng Library, habang naglalakad kami papunta sa Gate nagkwentuhan muna kami ni Michael.
"Kamusta lovelife mo?", tanong nito bigla sakin.
Hindi kaagad ako nakasagot, naisip kong bawal nga pala ang magkaroon ng romantic relationship ang isang COCC at officer. Napaisip ako sa isasagot ko.
"...", hindi ako nakasagot.
"Sabi na nga ba eh", ngumiti siya.
"Ha?", tumingin ako sa kanya.
"Hindi mo pa rin ako nakakalimutan", nakangiting sabi niya sakin.
"Paano mo naman nasasabi 'yan?", natatawa kong tanong sa kanya.
"Kase ako ang first crush mo"
[FLASHBACK]
"Alam mo crush na yata kita... Hahaha"
"Sorry... Pero may mahal na akong iba... At balak ko siyang ligawan"
"... A-ano ka ba! No big deal! Crush lang naman di ba?
Naalala ko bigla ang usapan namin ni Michael noong Grade 7 pa lang kami. Oo nga pala, siya ang first crush ko, ngayon ko lang naisip.
"So? Ano, tayo na?", tanong ni Michael sakin.
"Ha?"
"Kailangan pa ba kitang ligawan? Halata namang crush mo pa rin ako eh"
"Ano ka ba? Walang nagsasabi sayo niyan", linihis ko ang tingin ko sa kanya at binilisan ko ang paglalakad ko, palayo sa kanya.
Naramdaman kong may kamay na humawak sa kaliwang braso ko at hinila ito, nabitawan ko tuloy ang dala-dala kong mga libro.
Linapit ni Michael ang sarili niya sakin. Tiningnan niya ako sa mga mata ko, malapit lang ang mukha naming dalawa. Mabilis ang mga pangyayari kaya naman ay natunganga ako.
Maya-maya ay naramdaman ko na ang braso niya sa baywang ko at hinihimas at inaamoy niya ang buhok ko. Hinawakan niya ang pisngi ko, papunta sa leeg ko. Sunod ay hinawakan niya ang baba ko, hanggang sa naramdaman ko na ang kamay niya sa bibig ko. Lalo niyang linapit ang mukha niya sa mukha ko, saka ko lang napagtanto na balak niya pala akong halikan.
"Michael ano ba--!", nagawa ko siyang itulak palayo sa akin.
Lumaki ang ngiti niya sa kanyang labi at lumapit ulit sakin. Inakbay niya ang isang braso sa mga balikat ko at muli niyang binalot ang isa niyang braso sa baywang ko, maya-maya may narinig akong isang taong umubo na sinasadya.
"Ehem ehem"
Napatigil si Michael sa balak niyang gawin at nakita namin ang taong nagsalita. Ang taong 'yon ay may basang-basa ngunit may hawak na tickler at ballpen, mukhang may linilista ito.
"Michael Santos, tama? Third Year...", tanong nito kay Michael.
Binitiwan ako ni Michael at nagsalita siya.
"Nagkakamali ka, ibang tao 'yang sinasabi mo", umalis bigla si Michael at iniwan niya ako.
"Ikaw", tinuro ako ng lalaking nakaitim na basang-basa sa ulan.
"Inantay kita dun sa Gate ah, isang oras akong nag-antay", nakakunot ang noo ni Sir Rico.
"Sorry sir... Nakalimutan kong... Pupunta pala ako sa bahay niyo...", saka ko lang naalala... Pupunta nga pala ako dapat sa kanila Sir Rico, magpapaturo ako sa Math.
Pumunta si Sir Rico sa direksyon ng bag ko at hinalukay 'yon. Pagkakuha niya ng payong ko sa bag kinuha niya ang mga gamit ko at hinila niya ako palabas ang school, ginamit namin ang payong ko.
Pagkadating namin sa bahay ni Sir Rico, walang tao. Mukhang nasa trabaho pa ang mga magulang niya, baka gagabihin na naman ang mga 'yon ng uwi... Gaya ng nakwento ni Sir Rico sakin.
Dinala niya ako sa kwarto niya at iniwan niya ako doong nakaupo sa kama niya habang nagpalit siya sa restroom sa kwarto niya. Maya-maya ay nakalabas na siya ng restroom, nagpupunas ng basa niyang buhok. Tinabihan niya ako sa kama.
"Di ba sabi mo yung Michael na 'yon ang first crush mo?"
"... Oo"
"Anong nangyari sa inyo?"
"Wala.."
"Seryoso? Magsabi ka ng totoo"
"Wala talaga..."
"E bakit naabutan ko kayong dalawa na ganoon?", mukhang galit at nagseselos si Sir Rico, "Anong ginawa niya sayo?"
Natatakot ako sa itsura niya, ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito kagalit. Hindi ako makapagsalita.
"Ano?! Sagot!"
"Hi-Hinawakan niya lang ako..."
"Saan?!"
"Sa baywang.."
Pinalibot ni niya ang kaliwang braso niya sa baywang ko, may kahigpitan ito. Linapit niya ang sarili niya sakin at nagsalitang muli.
"Ano pa?"
"Naka...akbay siya sa balikat ko--", nararamdaman kong umiinit na ang mukha ko at alam kong namumula 'to.
Inakbayan niya ako at linapit ang mukha niya sa mukha ko, nagkatinginan kami. Nakita ko ang mga mata niyang galit na galit at puno ng selos.
"Tapos ano pa ginawa?", kunot pa rin ang noo niya, humihigpit ang hawak niya sakin. Natatakot na naman ako sa kanya...
"Hinaplos niya yung buhok ko..."
Dahan-dahan akong hinalikan ni Sir Rico sa noo habang hinahaplos niya ang buhok ko, sunod ay hinalikan niya rin ang buhok ko. Tumingin siya ulit sa mga mata ko at nagsalita siya.
"... Tapos?", nawawala na ang kunot ng noo niya, halatang humihinahon na siya.
"Hinawakan niya ang pisngi ko... saka dito...", tinuro ko ang kaliwang bahagi ng leeg ko.
Marahan niya akong hinalikan sa kaliwang pisngi, tuloy-tuloy ang mga maliliit na halik na 'yon pababa sa kaliwang bahagi ng leeg ko. Hinalikan niya ng may kalaliman ang leeg ko at may katagalan din.
"S-sir Rico...?", naguguluhan na ako, hindi na ako makapag-isip ng maayos.
Tiningnan niya ako sa mga mata ko... Matagal ang pagtitinginan naming 'yon. Maya-maya ay kmilos na rin siya.
Linapit niya ang labi niya sa labi ko. Napapikit na lamang ako. Hinalikan niya ako ng dahan-dahan... Pero malalim ang halik na 'yon. Iba sa mga halik na natanggap ko mula sa kanya, at mas matagal ang halik na ito kaysa sa iba. Nawalan na ako ng hininga.
"Sir--", tinakpan ni Sir Rico and bibig ko.
Bumulong siya sa kaliwang tainga ko.
"Rico...", bulong niya sa akin.
"Ri-Rico", nasabi ko rin ang pangalan niya.
"Ano...?", tanong niya sakin habang yinayakap niya ako ng mahigpit.
"Hi---Hindi na ako makahinga haaaaaaaahhhh"
"Ha---Hah? Ay sorry....", binitawan niya rin ako sa wakas.
"Grabe ka naman makayakap, akala ko papatayin mo 'ko ehh", natatawa kong biro sa kanya.
"Ikaw naman kasi eh... Ayan tuloy, masyado akong nadala"
Hinawakan ko siya sa ulo at dinikit ko ang ulo naming dalawa sa isa't isa. May sinabi ako sa kanya.
"Huwag ka nang magseselos, ikaw naman ang first love ko eh", nakangiti kong sabi sa kanya.
Ngumiti rin siya sakin at hinalikan niya ulit ako.
BINABASA MO ANG
Take My Command! Mahalin Mo Ako
RomanceA series of one-shots all made from mixed reality and the author's imagination. 1. Take My Command! Mahalin Mo Ako: Jerico Salazar ang pangalan ko, you can call me "Rico". Isa akong CAT Officer at may mahal akong COCC. Ewan ko kung bakit, pero mahal...