Ch. 1.3: Goodbye

96 3 3
                                    

Pagkatapos na pagkatapos ng morning marshal ko, dumiretso agad ako sa Armory (kung saan usually linalagay ang rifles). As usual, late na naman ako sa klase kaya kumaripas ako ng takbo.

Pagkadating ko sa Armory, nakita ko si Ma'am Angela na nakaupo sa gilid ng armory. Kunot ang noo niya, halatang badtrip na naman. Dali-dali akong lumapit sa kanya para mag-greet.

"Ma'am good morning ma'am!"

"Baba kamay"

Pagkababa ko ng kamay humarap kagad ako sa likod para kunin yung gamit ko.

"Sam", narinig ko ang tinig ni Ma'am.

"Ma'am..?"

Tumalikod ulit ako upang harapin siya. Tumayo siya at linapitan niya ako, hinawakan niya ang kaliwang balikat ko at bumulong sa akin.

"Pumunta ka mamayang Lunch time sa Headquarters"

"Ma'am yes ma'am"

Pagkatapos nun umakyat na siya. Kada lakad niya may stomp, parang galit na galit talaga sa mundo.

Anyway kinuha ko na yung gamit ko at nagmadali na akong umakyat sa classroom ko. Sa pagpasok ko sa classroom, eh di ano pa nga ba?

"Andrada late ka na naman! Naku 'yang mga COCC na 'yan!"

"Sorry po Miss..."

Naupo na ako sa upuan ko at nakinig sa klase.

DING DONG DING

Mabilis na dumating ang Lunch Break at dumiretso na ako sa HQ. Pagdating ko sa labas ng HQ, nakita kong may tao sa loob nito, si Ma'am Angela.

Sinenyasan niya akong pumasok sa loob at pumasok na ako.

Pagpasok ko, may naramdaman ako. Mabigat at malakas na sampal ang naramdaman ko sa kaliwang pisngi ko. Napayuko ako at hinawakan ko ang pisngi kong mahapdi.

"Angkapal naman ng mukha mo!"

"Ma'am?", tumingala ako at tiningnan ko ang mga mata niya kahit na alam kong bawal gawin iyon.

Nakita ko ang mga mata ni Ma'am Angela na galit na galit.

"Kayo na pala ni Rico", bigla niyang banggit sa katahimikan.

"...", nagdalawang isip ako sa isasagot ko.

"Sige 'wag ka na sumagot, alam ko na rin naman eh", lalong kumunot ang noo niya.

Tinulak niya ako, natumba ako at napaupo sa malamig na sahig ng HQ.

"Alam mong bawal 'yon di ba?", tanong sakin ni Ma'am Angela.

"... Ma'am yes ma'am"

"Eh bakit mo ginawa?!"

"Ma'am.. sorry ma'am..", sorry na lang ang nasabi ko.

"Di ko kailangan niyan, gusto ko mag-break na kayo", nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"... Ma'am ayoko ma'am"

"Angkapal naman talaga ng mukha mo!"

Hinila niya ko sa pagkakaupo ko at sinampal niya ulit ako. Hindi ko iniwasan, at hindi ko rin balak sanggain ang sampal na 'yon. Dapat lang sakin 'to.

Pagkasampal niya sakin tiningnan ko siya sa mata, yung tipong palaban.

"Ma'am ayoko ma'am"

Binitiwan niya ako at tumalikod siya sa akin.

"Akala ko ba mahal mo ang CAT?"

"Ma'am yes ma'am"

Hinarap niya ulit ako.

Take My Command! Mahalin Mo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon