[Sam's POV]
1700 hours na, tapos na ang training at uwian na naming mga COCC. Kailangan na kaming i-dismiss ng officer namin.
Naka-form kami sa harap ng stage sa Quadrangle ng school, mukhang idi-dismiss na rin kami.
"Sa wakas", sabi ko sa sarili ko nang dumating si Sir Rico at bumulong sa OIC (Officer in charge) na nakaupo sa stage sa harap namin.
"Lahat maliban kay Andrada, harap sa likod harap", nag-command na anng OIC sa amin-- Sa kanila pala, maliban sakin.
"Dismissed!"
"Sir thank you sir!", sagot ng mga COCC.
Umalis na sa form ang mga kapwa COCC ko, ako na lang ang nakatayo sa harap ng dalawa kong officer. Napansin kog umalis na rin yung OIC, si Sir Rico na lang ang nasa harapan ko.
Wala lang akong ginawa, nag-attention lang ako mag-isa dun ng parang tanga. Maya-maya ay saka ko lang napansin na kaming dalawa na lang pala ni Sir Rico ang nasa Quadrangle, nagsiuwian na lahat ng COCC at officers.
Lumapit sakin si Sir Rico at nginitian niya ako. Nagambala ako sa ngiti niya, kaya naman nagsalita na 'ko at tinaas ang kanang kamay ko.
"Sir permission to speak sir!"
"Speak"
"Sir di mo ba ako papauwiin sir?"
"Hindi, baba kamay", natatawang sagot sakin ni Sir Rico. Binaba ko na ang kamay ko.
Maya-maya ay nagsalita ulit si Sir Rico.
"Uy take my command", sabi sakin ni Sir Rico.
Lalo siyang lumapit sakin at halos isang dangkal na lang ang layo niya sakin. Yumuko siya at hinalikan niya 'ko. Nanlaki ang mga mata ko.
Pagkatapos ay tumakbo siya nang parang tanga palayo sakin. Maya-maya narinig ko siyang sumigaw.
"DISMISSED!!!", tapos narinig ko siyang tumawa.
Natameme ako sa ginawa niya.
"Sir naman ehh!!!", sigaw ko at dali-dali ko siyang hinabol.
BINABASA MO ANG
Take My Command! Mahalin Mo Ako
RomanceA series of one-shots all made from mixed reality and the author's imagination. 1. Take My Command! Mahalin Mo Ako: Jerico Salazar ang pangalan ko, you can call me "Rico". Isa akong CAT Officer at may mahal akong COCC. Ewan ko kung bakit, pero mahal...