Fourteen

44 2 0
                                    

FOURTEEN

"I already have decided, Allison. Magpapakasal na ako." Feeling ko talaga maiiyak na ako habang sinasabi ko sa kanya yun. Maiiyak hindi dahil sa saya kundi dahil sa sobrang lungkot.

"What? I thought you'll never accept your grandma's request? What happened?" Mukhang mas shocked pa sa naging desisyon ko si Allison kaysa sa akin.

"Loka! Bakit ba gulat na gulat ka? Eh kung tutuusin isa ka pa nga sa mga nagpipilit sa akin na magpakasal na di ba? Why having sudden change of mind?" Pabirong tanong ko sa kanya. Grabe ang plastic ko, tumatawa ako kahit gusto ko nang magrally sa kaloob-looban ko.

"Kasi naman ala—-" Nagulat ako nang biglang maputol ang sinasabi sa akin ni Allison dahil may bigla ba namang humablot ng phone ko!

"Dale, what are you doing?" Naiinis na tanong ko sa kanya dahil bigla niyang in-off yung phone ko. In-off means tinanggal lang naman niya yung battery ng phone.

Wala siyang sinabi sa akin habang inaalis niya yung battery ng phone at pagkatapos niyang gawin yun ay tinitigan ko siya. Tinitigan ko siya ng sobrang sama na kung nakamamatay lang yung tingin kanina pa siya namatay. Hindi ko siya dapat sisihin dahil hindi niya naman talaga obligasyon na tanggapin yung proposal ko sa kanya pero yun mismo ang ginagawa ko ngayon. Sobrang hirap na hirap na nga ako sa naging desisyon ko tapos bigla na lang niya aagawin yung phone ko at walang pakialam na in-off yun? Nahihirapan na nga ako tapos mas pinapahirap niya pa ang sitwasyon.

"Really Dale, ano bang problema mo ha?!" Namumuo na yung luha ko sa sobrang galit. Kating-kati na yung kamay ko na sugurin siya pero wala akong lakas para gawin yun. Dahil sa oras na kumurap ako alam kong hindi ko na mapipigilan yung pagtulo ng luha ko.

"Magpapakasal ka na lang basta-basta sa kahit sinong lalaki na ipakasal sayo ng lola mo? Mag-isip ka nga!" Nagulat ako dahil bigla niya akong sinigawan. Galit na galit siya habang tinitingnan ako na akala mo isa na yata ako sa pinakatangang taong nakilala niya.

"Ano naman sayo ha? Wala kang pakialam kahit ano pang gawin ko sa buhay ko!" Sigaw ko rin sa kanya. Wala siyang karapatang sigaw-sigawan ako ng ganoon. Ni hindi ko nga siya kaibigan at mas lalong ni hindi ko nga siya asawa para pagsabihan niya ako ng ganoon.

"I have all the rights to tell you that. Sa tingin mo sinong lalaki ang matutuwang malaman na yung bride niya ay pumayag na magpakasal sa ibang lalaki ha?" Naniningkit ang mata na tanong niya sa akin.

"Huh?" Bigla yata akong nalito sa sinabi niya. Bakit mukha yatang iba yung pinagtatalunan namin sa sinasabi niya? Pati tuloy luha ko naconfuse kung tutulo ba siya o ano.

"Anong huh?" Inis na tanong niya sa akin na lalong nagpasingkit ng mata niya.

"Who's bride are you talking about?" Nakakunot-noong tanong ko. Badtrip talaga. Nasa kalagitnaan kami ng pag-aaway at pagdadrama ko pero hindi ko pa rin mapigilang pairalin yung pagiging tsismosa ko.

"Sino pa bang bride yung tinutukoy ko ha? Eh di ikaw!" Nakakabwisit na talaga 'tong Dale na 'to ha! Kanina pa ako sinisigawan eh! Nakakadami na masyado!

"Pakialam ko naman kung ako yung..." Biglang nasuspend yung sasabihin ko sana nung may marealize ako.

"Ako yung bride mo?!" Tanong ko sa kanya habang nanlalaki yung mata ko.

"Teka, bakit parang ikaw pa yung nagulat? As far as I know ikaw pa nga 'tong atat na atat palagi na pakasalan ako." Sabi niya matter of factly na nagpapula ng pisngi ko.

"Dati yun, palagi mo kayang nirereject yung proposal ko! Saka ikaw pa nga mismo ang nagsabi kanina that you're not going to marry me." Mataray na sabi ko.

"Kailan ko naman sinabi yun sayo ha?" Napipikon na naman siya. Nakakapagod pa lang makipagtalo sa taong katulad mong short-tempered. Alam mong walang mananalo sa inyo.

"Kanina po! Ang ulyanin mo naman! Ito pa nga ang sinabi mo oh, 'of course not' tapos you said things about marriage na dapat tinetake seriously! Tapos bigla mong sasabihin sa akin na bride mo ako!" Pinagloloko ba ako nitong si Dale? Sa kondisyon ko ngayon sigurado ako na hindi maganda ang aabutin ng taong magbibiro sa akin.

"Yes, I really said that—-" Sabi niya pero pinatigil ko na. Ayokong ipamukha niya na naman sa akin ang kagagahang ginawa ko.

"'Yun naman pala eh!" Pinaasa pa niya ako!

"I said of course not... not yet! Iyan ang problema sa inyong mga babae eh! Once a guy propose in front of you masyado agad kayong naooverwhelm at nacacarried away ng emotions niyo without thinking first. Masama bang pag-isipan ko munang mabuti yung inooffer mo sa akin before I accept that?" Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko tuloy alam kung anong irereact ko.

"So, you mean...?" Pigil hiningang tanong ko sa kanya. Does it mean na...

"Yes, I accept your marriage proposal and our deal." He said that while looking straight into my eyes.

"Are you serious?" Iyan na lang ang nasabi ko. Hindi ako makapaniwala na after niya akong bastedin ng mahigit apat na beses ay pumayag na rin siya sa wakas.

"Don't ask me that kind of question. Baka magbago ang isip ko." Nakaismid na sagot ni Dale. Tingnan mo 'to! Akala mo siya pa ang nalugi sa amin!

"Naku, ikaw naman hindi mabiro!" Nakangiti ko nang sabi sa kanya.

"What's that?" Bigla niyang tanong sa akin nang bigla kong inextend yung kamay ko sa kanya.

"My hand? Isn't it obvious?" Asar din na sagot ko.

"I know. I'm asking you why are you extending your hands to me?" Badtrip na tanong niya sa akin. Hindi ko maintindihan pero after niya sabihin sa akin na pumapayag na siya to pose as my husband ay biglang gumaan yung pakiramdam ko.

"For handshake! Saan pa ba?" Bakit kaya hindi na lang siya manahimik at iextend na ang isa niyang kamay para matapos na?

"We don't need that. I already agreed." Ayaw patalong sabi niya.

"I insist! Dali na, parang handshake lang eh!" Sarap kutusan, ang arte eh!

"Fine!" At napipilitan na inabot ni Dale ang kamay ko at nakipaghandshake sa akin.

And finally, we both agreed to seal our fake marriage into a deal.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

And They Seal It with A DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon