TEN
Kahit gaano katinding pagkainis yung naramdaman ko sa kanya kanina ay hindi ko pa rin napigilang mapangiti sa ginawa niya. Imagine, isang Dale Santiagel na masungit, suplado at walang pakialam sa mundo ay sumigaw sa lobby para lamang sabihin sa akin yung mga yun? It's really hard to believe kaya inabot pa ng ilang segundo bago ako nakarecover.
Ilang segundo pa siguro akong nakatulala habang nakanganga dahil sa sinabi niya. Hindi pa nga siguro ako babalik sa katinuan kung hindi ko lang napansing tinalikuran na ako ng magaling na Dale na 'to at naglakad na pabalik ng elevator.
At dahil sa dakilang mang-aasar ako ay sinigawan ko din siya...
"Ano ulit yung sinabi mo?!" painosenteng tanong ko kahit pigil-pigil ko yung sarili kong tumawa.
"Wala!" pikon na sabi niya at nagmamadali nang maglakad.
Nagmamadali na din akong hinabol at sinundan siya. Papakipot pa ba ako? Hindi naman araw-araw ay may nagcoconfess na lalaki sa akin. Hihi.
Pero naglaho agad ang pagmomoment ko nang naabutan ko siyang isasara na ang elevator. Akala ko ba ayaw niya akong pauwiin? Kainis naman 'to! Mukhang nabingi yata ako sa sinabi niya kanina.
O baka guni-guni ko lang yun? Malabo.
Hinarangan ko agad ng katawan ko ang papasarang pinto dahilan para magsalubong na naman ang kilay niya.
"Nagpapakamatay ka ba?" inis na tanong niya. Tingnan mo 'to! Ang sungit na naman.
"Hindi naman." Sagot kosa kanya sabay ngiti. Kungmagpapakamatay lang din naman ako isasama kita noh! Hahaha!
Buong duration yata namin sa elevator ay binigyan ko siya ng mapang-asar kong ngiti. Siyempre hindi rin papatalo si Dale dahil binibigyan niya din ako ng masamang titig pero maya-maya din ay nangalay na akong tingalain siya kaya tinigil ko na ang pang-aasar ko.
Kaming dalawa lang ang tao sa elevator. Tahimik lang siya habang naghihintay na makarating sa floor ng unit niya kaya tumahimik na lang din ako.
Matagal na katahimikan pa ang naganap at hindi ko na kinaya. Kinausap ko na siya.
"Pero alam mo, nagulat talaga ako sa ginawa mo kanina. Sana tinext mo na lang ako, nag-effort ka pa tuloy sa pagsigaw mo." Nang-aasar na sabi ko sa kanya habang nagpipigil ng ngiti.
Sakto naman ang pagbukas ng elevator door. Tiningnan niya muna ako at sinamaan ng tingin.
"Sa sofa ka matutulog." Inis na sabi ni Dale at tinalikuran na ako.
Aba naman! Hinabol ko na siya dahil baka hindi pa ako papasukin sa unit niya.
Pansin ko lang, simula nang makilala ko si Dale bakit parang palagi na lang paghahabol sa kanya ang ginagawa ko? Mag-organize kaya ako ng marathon? Saka na. Kapag may asawa na akong ihaharap kay Grandma.
Nakapagpalit naman ako ng tuyong damit courtesy of Dale. Masyado nga lang malaki sa akin ang T-shirt niya kaya nagmukhang duster. Pero sabi nga nila, beggars cannot be chooser. Mas ayos na 'to kaysa wala.
Hindi ko na mahagilap si Dale kapag katapos kong makapagpalit ng damit kaya ininspeksyon ko na lang ang buong kabahayan niya at inaliw ang sarili ko.
"Not bad." I told myself. Actually, masyado ngang malaki ang lugar na 'to para tirhan ng isang tao. Pero wag nang mag-alala si Dale dahil kapag mag-asawa na kami makakasama niya na ako. I smiled widely at the thought.
Masyado akong nawili panoorin ang mga isda niya sa aquarium nang may marinig akong magsalita sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo diyan?" Nakakunot-noo na bungad sa akin ni Dale. Bakit ba palaging nakabusangot 'to? Saka hindi ba obvious ang ginagawa ko?
"Hinahanap kita kasi bigla kang nawala. Akala ko naging isda ka na." I teased him and laugh. Nagtaka nga ako dahil hindi niya pinatulan ngayon ang biro ko.
"Let's eat." Napataas pa tuloy ang isang kilay ko sa sinabi niya. Ang bait yata ni Dale ngayon ha?
We ate in peace. Hindi ako sanay kumain ng tahimik kaya dinaldal ko siya. Nagtanong ako ng mga kung ano-ano tungkol sa kanya na sinasagot niya naman. Nakakapanibago lang si Dale dahil matino siyang kausap ngayon.
"Ang sarap ng food! Saan mo pala binili 'to?" I ask him after we ate.
"I cooked our dinner." Bale-walang sagot niya na nagpalaki ng mata ko. Grabe! Seriously? He knows how to cook? Bakit yung mga kilala kong lalaki kumain lang ang alam gawin?
"Ang galing mo naman." I can't help to compliment him. Anong magagawa ko? Kahit naman nakakainis si Dale masarap talaga siyang magluto.
I'm surprised by the knowledge that he is a good cook. But I'm more surprised when he smiled shyly at me.
Now I know kung bakit hindi siya palaging ngumingiti. Dahil kapag ngumiti siya, siguradong dadami ang babae na maghahabol at mag-aalok ng kasal sa kanya.
After our dinner, nag-offer ako na ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin pero he insisted na siya na ang gagawa nun kaya pumayag na lang ako.
Nakasalampak lang ako ngayon sa sofa habang hawak ang remote control ng TV at naghahanap ng magandang palabas. Inaantok na talaga ako kaya nga lang hinihintay ko pa si Dale. Maya-maya pa ay nakita ko siyang bumababa ng hagdan na may dala-dalang unan at comforter.
I was about to get it from him when he spoke.
"Alis na diyan. Doon ka na sa kwarto, ako na ang matutulog sa sofa." He told me and positioned himself at the sofa.
I was speechless.
I just said 'Thanks' to Dale and went upstairs.
When I'm already in his bed and about to sleep, I can't help to think about what just happened earlier.
"Sweetdinnaman palasisungit." I whispered and smiled at myself before I finally drift into sleep.

BINABASA MO ANG
And They Seal It with A Deal
RomanceMarriage. Sa panahon ngayon iyan ang kinakailangan ni Saddie para hindi na siya pilitan ng lola niya na magpakasal sa lalaking hindi niya kilala. Kaya kahit hindi magandang tingnan, nagpropose siya sa ubod ng sungit na anak ng bestfriend ng mama niy...