Naglakad na kami papunta dun sa kinaroroonan namin kanina. Noong nandun na kami sa gitna ay biglang may lumabas na banner na may nakasulat na, "Happy Valentines Lesly! Will you be my date tonight?" Kasabay din nito ay ang pagtugtog ng kantang A Thousand Years. Wth! This feels so romantic! I am so speechless.
Ayoko na muna ulit bumuo ng mga tanong sa isip ko. I want to give him this moment right now to explain to me everything. Baka sa gayong paraan ay magkaroon na ng kasagutan 'yung mga nauna kong katanungan.
Lumakad s'ya papunta dun sa may table upang kuhanin 'yung Stick-O at bouquet of flowers na hawak n'ya kanina. At dahan-dahan s'yang lumapit sa akin.
Okay, alam ko na sinabi ko kanina na hindi na muna ako magtatanong pero last na talaga. Nacucurious talaga kasi ako kung bakit n'ya 'ko bibigyan ng Stick-O.
Binigay n'ya sa akin ang mga iyon at tsaka nagsalita.
"Lesly... I am not really into this kind of confessing my feelings in front of the girl I love kasi aamin kong lahat halos ng naging ex ko sa chat or text ko lang nililigawan kasi nga sobrang mahiyain ako. Pabor naman sa akin na ganoon 'yung nausong way ng panliligaw kaya natatanggap nila 'yung ganoong setup noon. Pero nung nakilala kita pakiramdam ko kailangan kong ayusin sarili ko at ma-overcome 'yung hiya ko para magustuhan mo din ako. Alam ko kasi na iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Alam kong hindi gagana sa'yo 'yung ganoong paraan. Kaya pagpasensyahan mo na kung natagalan 'to kasi hindi naging madali para sa akin na harapin ka," nag-alinlangang panimula n'ya. Iba din talaga! Iyong sinabi n'ya talagang "the girl I love" 'yung nagdala. Ganoon na ba talaga kadali ngayon na sabihing mahal mo 'yung isang tao?
"Noong gabi na pinaadd ka sa'kin ni Kai wala naman talaga akong balak iadd ka. Narealized ko kasing nakakatakot palang magmahal. Once na nasimulan mo na, ang hirap ng pigilan. Hindi pa kasi ako ulit handang sumugal noon. Gusto lang sana kitang iistalk kasi nabalitaan kong pareho tayo ng pinanggalingang school, kaso pribado ka palang tao. Walang ibang visible kundi 'yung cover photo mo. Right at that moment, I become interested to you. Iyon 'yung nag-udyok sa akin para iadd ka. Gusto ko ding sabihin na ang cute mo dun sa profile picture mo nun," nahihiyang sabi n'ya. Saglit n'yang iniwas 'yung tingin n'ya sa akin pagkasabi n'ya noon. Habang napataas naman 'yung kilay ko at bahagyang napangiti. Ang cute ng reaksyon n'ya!
"Naexcite ako nung inaccept mo 'ko kaya inistalk kaagad kita. Namangha ako sa kasimplehan mong pumorma. Ikaw 'yung tipo ng babae na lipstick lang sapat na. Iyon 'yung kahinaan ko pero hindi pa rin ako nagpaapekto. Nakarating ako sa dulo ng profile mo pero wala akong nakitang trace o picture mo nung HS ka pa. Wala ding infos sa fb mo. Nakakadismaya. Ibang klase ka talaga. So unpredictable!" Patuloy n'ya habang nakatingin na muli sa aking mga mata. Binigyan n'ya ng diin 'yung pagkakasabi ng unpredictable kaya sa wakas ay nakapagsalita na din ako.
"What makes you say that?" Matiim akong nakikipagtitigan sa kanya kasi hindi naman ako 'yung taong madaling madala sa mabulaklak na salita.
"Para ka kasing isang misteryo na napakahirap tuklasin at hanapan ng kasagutan. You keep on surprising me. Kapag akala mo makakahanap ka na ng sagot sa katanungan mo, babatuhan mo ulit ako ng panibagong clue. You're like a puzzle to me. You made me so addicted to find the answers, desperately. There's something in you that makes me want to know you more. Everything about you entice me. Makita ko lang na nag-My Day ka iseseen ko kaagad kahit na alam akong kakapost mo palang. Gusto kong mapansin mo 'ko. Gabi gabi kitang iniistalk, baka kasi mayroon kang pinost na hindi ko nakita," paliwanag n'ya. Habang sinasabi n'ya ang mga salitang 'yun parang may iba sa mata n'ya na hindi ko maipaliwanag. Ibang- iba sa pinakita n'yang emosyon kanina. Siguro ito 'yung totoong s'ya. But I was shookt! Halos pareho pala kami ng naffeel all this time!
"Ayoko naman magtanong kay Kai about you kasi alam kong wala namang maitutulong 'yun e. Sus!" Dagdag n'ya pa. Agad na bumalik 'yung mood n'ya kanina. Ibang klase din pala talent nito sa moodswings ah! Pero halatang nailang na s'yang magsalita kaya sumagot ulit ako para mabawasan 'yung kaba n'ya. Mahirap na baka mamental block 'to at makalimutan n'ya 'yung speech n'ya! Charot! Syempre wala din naman akong balak tumunganga lang dito at magpabola lang ng husto sa mga sasabihin n'ya, noh!

BINABASA MO ANG
My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕
Cerita PendekThis will appear in Messenger for 24 hours, and you can see who views it.