Chapter 1

98 4 0
                                    

Status: COMPLETED
Date Completed: April 6, 2018

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

ALL RIGHTS RESERVED


~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Sobra na pagod ko ngayong araw. Let's call it a day na. Hays. Kakahiga ko lang ngayon sa kama ko, buong araw kong namiss 'to. Sa sobrang dami kong ginawa ngayon best feeling ever ang humiga sa malambot na kama ko. Woooh heaven.

Pero dahil nakasanayan ko ng mag-open ng messenger bago matulog, binuksan ko muna 'yung wifi ng cellphone ko para maka-connect at matingnan kung meron bang mga announcement para bukas.

No internet connection...

Waiting for connection...

Connected.

Nag-load na 'yung mga message sa groupchat. Okay wala naman masyadong mahalaga. I-ooff ko na dapat 'yung wifi ng biglang may nag-chat.

Dino: Les tapos ka na magreview?

Lesly: Di pa nga e. Ang haba kasi. Haha. Ikaw ba?

Ayoko namang maging rude kaya kahit na inaantok na ako susubukan kong pahabain ng kahit konti 'yung convo. Nakakahiya nmn kay beshy, nag-effort 'yung tao na mag-chat.

Dino: typing...

Dahil wala naman na akong gagawin sa messenger at natingnan ko na mga message, in-open ko muna 'yung fb ko.

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Maya- maya biglang nadagdagan 'yung notif nung friend request ko. 15 lang kasi 'yun kanina, naging 16. Di ko nabubuksan 'yung mga friend request ko lately kaya naipon.

Pag- open ko, bumungad 'yung friend request ng fafable na nag-add sakin. Nakita ko 'yung logo ng damit nya na sa ******** University s'ya nag- aaral, isang sikat na unibersidad sa Maynila. Ay wows yayamanin si koya! Pero dahil hindi ako kagaad nag-aaccept iistalk ko muna sya.

Tiningnan ko din 'yung ibang nag-add sakin. May nag-add pang arabo at amerikano, nakakaloka! Don't get me wrong guys, di ako racist. Hahaha. Sadyang mapapaisip ka lang talaga minsan kung saan nila tayo nahahagilap para ma-add. Tapos makikita mo pang nagkukomento ng, "ur beautiful", "nice pic" at kung ano-ano pang pambobola sa profile picture ng mga dyosa mong friend. Si friend naman etong si flattered, walang pinapalampas at magrereply ng thankyou. Dagdag liker at commentator nga naman, hindi ko lang alam kung nag-level up na sila ngayon at pumupuso na rin.

Mas malala pag hindi pa nakuntento sa comment at chinat ka pa, talaga namang mapapa-block ka ng di oras. Medyo creepy lang kasi, I know you know the feeling kasi karamihan sa atin naka-encounter ng ganito. Aminin guys, kahit ngayon lang iparamdam nyo sa akin na hindi ako nag-iisa. Charot! Hahahaha.

Wala akong kakilala sa mga nag-add sa akin at 'yung iba iilan lang mutual friends namin kaya inuna kong pindutin 'yung profile ni fafable kasi bukod sa s'ya 'yung nasa unahan, s'ya 'yung may pinakamarami kong ka-mutual friends sa mga nag-add sakin. Pinindot ko 'yung name nya para mapunta ko sa profile nya.

Maya- maya may lumitaw na chathead, nagreply na si beshy.

Dino: Hindi pa din. Kakatapos ko lang isulat 'yung mga pwedeng lumabas sa ipapa-enumerate. Hahahaha ngayon palang ako magbabasa.

Una kong tiningnan kung sino- sino 'yung mutual friends namin, bale 27 mutual friends. Napansin ko na 'yung mga mutual namin ay 'yung mga naging kaklase at schoolmate ko sa school ko nung high school. Friend n'ya rin 'yung bestfriend ng barkada ko.

Lesly: Hala ka! Ang haba kaya nun. Ako kakatapos ko lang magkabisa mamayang madaling araw ako magbabasa. Hahaha. Bhelat!!

Hmmm... Wala masyadong nakalagay sa info nya ah. Wala ring ibang naka-public na post maliban sa profile picture nya. Pribado si kuya ah. Hindi ako nag-aaccept basta basta pero dahil pogi naman s'ya... Sige na nga. Hihihi. Minsan lang may mag-add na gwapo, wag na pabebe.

Dino: Hala andaya! Pakopya hahaha

Lesly: Ayoko nga. Haha. Magsimula ka ng magkabisa at marami 'yan. Sige na matutulog nako. Gnight!

Dino: Okay goodnight basa muna ko marami-rami pa to hahahaha

Pagkabasa ko sa preview ng message nya, pinatay ko na 'yung wifi ng phone ko at ako'y matutulog na.

My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon