Apat na araw na 'yung lumipas pagkatapos naming magleave sa gc na ginawa ni Kai and guess what? Hindi na sineseen ni Jack 'yung My Day ko. Hahahaha. Nakakapanibago na parang nakakakonsensya din at the same time, baka nagtampo 'yung tao kasi nagleave kami. Nagtry din akong mas dalasan 'yung My Day para masubukan kung iseseen n'ya, pero wala pa rin e. Bahala nga s'ya. I have my own reasons kung bakit ako nagleave.
Nandito nga pala ako ngayon sa isang private pool na inarkila ng buong klase namin para sa outing. Kanya-kanyang bayad para kabuuang entrance at prisinta sa madadala mong foods para sa lahat.
"Lesly ano ba 'yan!! Bakit balot na balot ka, naka-long sleeves ka pa!? Ang manang mo naman. Hahaha," bungad sa akin ni Joey pagdating n'ya.
"Ang init init kaya!" Tugon ko naman sabay irap sa kanya.
"Kaya nga tayo magsuswimming! Hakhakhak," parang 'di makapaniwalang sagot n'ya sa sinabi ko.
"Bakit ba? Ayokong umitim e!" Pagtataray ko pa.
"Ang kj mo manang, kaya nga most awaited 'tong summer para maipagmalaki mo 'yung katawan mo. Like this," pagyayabang n'ya sabay hubad ng polo ng bulaklakin sa harapan ko. Sabay hagis sa pagmumukha ko ng polo n'ya. Nakapolo na ng bulaklakin, naka-khaki shorts pa. Ano ba akala n'ya, sa Hawaii s'ya pupunta? My gosh! I am so speechless.
"Yuck! Magpolo ka na nga lang ulit. Lakas ng loob magtopless puro taba naman!" Sigaw ko sakanya sabay hagis sa kanya ng damit n'ya.
"Hoy nakikita mo ba 'to? Baby abs 'to! Nagstart pa lang akong maggym kaya pagtyagaan n'yo na muna 'to. Hahahaha," tatawa tawa n'yang sabi habang tinuturo 'yung baby abs daw n'ya.
"Sa takaw mong 'yan? Di na 'ko aasa! Pagkatapos mong tunawin 'yung taba sa katawan mo pansamantakala kakagym, lalaklak ka naman ng mas maraming pagkain pagkatapos nun kasi nagutom ka," sarkastikong wika ko sa pagyayabang n'ya.
"Edi magwork out ulit! Ganyan talaga buhay. Hahahahaha."
"Ewan ko sayo, nasaan na ba sila?" Tanong ko sabay tingin sa relo ko.
Alas-diyes kasi 'yung usapan para makapag-prepare ng foods at maluto 'yung iba.
"On the way pa lang daw sila sabi ni Gerald kanina," kibit-balikat na tugon n'ya.
"Ayan tayo sa mga on the way na ganyan!" Kapag Filipino Time talaga sinunod sa bansa natin, baka 'yung mismong oras na 'yung mahiya at mag-adjust para sumakto sa mga on the way at malapit na 'ko excuses.
"Guys patulong naman magprepare ng foods," sabi ng aming Presidente habang abalang abala sa pagbubuhat ng mga gamit palabas ng kotse.
"Magbuhat ka ng yelo dun," utos ko kay Joey habang papunta ako dun sa mga kaklase kong nag-iihaw.
After one hour natapos na namin iprepare lahat. May nag set- up ng videoke, nagprito ng lumpia at hotdog, nag-ihaw. Habang 'yung iba hinahanda 'yung mesa. Karamihan naman sa mga pagkain na dinala namin, luto na. Iyong iba lang na hindi umabot sa paghahandan at ipiprito 'yung naiwan para naman lupaypay na kapag kinain namin. Kanya- kanyang tulong para madali ang gawain. Syempre mawawala ba naman 'yung mga abangers lang na naghihintay lang ng tawag ng pagkain at nagtatampisaw sa tubig habang kami abalang-abala. Hahaha. Iyong iba nag-uuno cards pa.
"Woooow, grand entrance ah! Galing ng timing. Talagang kung kailan tapos na gawain! Hahahaha," bati ni Kayla, isa sa mga kaklase namin, sa bagong dating na sila Gerald.
"Naligaw kami noh!" Ani Nicole.
"Wehhh? Sus! Naligaw!" Dagdag pa ni Mark, kaklase din namin.
"Oo nga! Edi sana sumabay ka samin para ikaw nagturo ng daan. Tutal bida-bida ka e!" Bwisit na wika ni Nicole.

BINABASA MO ANG
My Day [Short Story (COMPLETED)] 💕
Historia CortaThis will appear in Messenger for 24 hours, and you can see who views it.