“You rock my world like no one does.”
•••••
Pagkagising ko ay tulog na tulog pa si Shawn sa tabi ko. Tinignan ko ang oras sa wall clock. 6:10 AM. I have 50 minutes left to get dress and cook for breakfast.
Tumayo na ako at bumaba para pumunta sa kusina. I will cook corn beef and hotdogs for breakfast.
Binuksan ko ang music playlists ko sa aking cellphone at inilagay ang earphones sa aking tenga.
“Hey I never felt this way, can't get enough so stay with me...”
Sinasabayan ko pa ang lyrics ng kanta ng Lany na ILYSB habang binubuksan ang lata ng corn beef. Ang lata na ito ay parang katulad ng relasyon namin ni Shawn... Matatag at mahirap wasakin. Kanina ko pa kasi ito binubuksan gamit ang can opener pero nangangalahati pa lang ako sa pagbubukas!
Malapit na sana akong sumuko dahil nangangalay na rin ako nang may tumawag sa akin.
“Inori Mendrez!” si Shawn.
Kumunot ang noo ko. Hindi pa siya nakabihis, naka-boxer lang at sando.
“Love!” tawag ko sa kanya.
Mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko.
“I thought you left early...” bulong niya habang sinisipat ang corn beef at can opener na hawak ko.
Umiling ako at ngumiti. “Magluluto sana ako ng breakfast natin.”
Tumango siya at kinuha sa akin ang can opener at corn beef.
“Let me help you.” sambit niya.
Ako naman ay kinuha na ang hotdogs sa refrigerator at sinimulan itong lutuin. Tinanggal ko ang aking earphone at ipinatong ang cellphone sa counter.
“Maaga ang pasok mo ngayon?” tanong ko sa kanya.
Umiling siya, “10 am.”
Tumango ako at inabot ang binibigay niyang fresh milk sa akin.
“Anong oras ka uuwi?” tanong ko ulit. Lumingon siya sa akin at saka ngumisi. “Bakit ang dami mong tanong?”
Kumunot ang noo ko, ilang sandali ay napangisi rin ako at tinaasan siya ng kilay.
“Malamang asawa kita kaya marami talaga akong tatanungin sa'yo. Magtaka ka kapag hindi na ako nagtatanong.” binulong ko lang ang huling pangungusap.
Tumawa siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inikot ako na para bang sumasayaw.
Nang huminto ako ay nasa harap ko na ang mukha niya. Ngumiti ako at siya naman ay hinalikan ang aking noo.
Hawak ang kamay ko ay hinanda niya ang almusal namin. Medyo nahihirapan nga siya dahil isang kamay lang ang gamit niya kaya sinubukan kong bawiin ang kamay ko na hawak niya pero ayaw niyang bitawan.
Okay. Bahala ka mag pakahirap diyan.
After siguro ng sampung minuto, natapos din siya sa ginagawa niya na hindi talaga binibitiwan ang kamay ko.
YOU ARE READING
The Professor's Wife (Book 2 Of MPMF) ✓
RomanceMy Professor My Fiancé's Book 2: TPW Four and a half years later, Inori and Shawn are already married. Shawn Mendrez continue his job in Burlington University while his wife, Inori, pursue her dreams: to be a doctor. Now that they are on their marri...