Prologue
"Ma, nasaan po si Papa?" Pilit na iniisip ni Marianne kung ano nga ba ang tamang salitang dapat niyang idahilan sa kaniyang anak na si Miko. Taon-taon nalang kasi sa tuwing sasapit ang kapaskuhan ay wala sa kanilang piling ang padre de pamilya ng mga Delos Reyes na si Marcus. Hininto ni Marianne ang ginagawang paghihiwa ng mga rekados at pumunta siya sa may lababo para maghugas ng kaniya, pinunasan niya ang kaniyang mga kamay sa towel na nakasabit sa may refrigerator nila't saka niya nilapitan ang anak na nagbabasa ng libro ng oras na iyon.
"Anak,hindi ba napag-usapan na natin ito?" lambing pa niyang sabi sa kaniyang anak ng oras na iyon. Itinigil ni Miko ang pagbabasa ng librong hawak at inilapag ito sa lamesa, saka tinignan ang nakangiting mukha ng kaniyang pinakamamahal na babae.
"Opo, pero nagtataka lang po kasi ako. Taon-taon nalang po kasi, wala si Papa tuwing pasko, tapos po tuwing bagong taon lang po natin siya nakakasama,"malungkot ang na sabi ni Miko ng minutong iyon. Inangat ni Marianne ang baba ng kaniyang anak para masilayan ang maganda nitong mga mata at para maipaliwanag ng husto sa kaniya ang dahilan kung bakit hindi nila maaaring makasama ang Papa nila ng araw na iyon.
"Alam mo naman ang trabaho ni Papa mo hindi ba?" tumango si Miko, pero hindi parin maalis-alis ang lungkot sa mukha nito.
"Hindi siya pu-pwedeng lumiban sa trabaho, kasi para rin naman sa atin iyon, para sa kinabukasan natin, para sa pag-aaral mo." Kahit papaano ay nakakangiti na si Miko at para bang natanggal ang ilang tinik sa puso ni Marianne ng makita muli ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Naiintindihan ko naman po, pero po kasi hindi ko lang po talaga maiwasang hindi magtanong, pasensya na po, Ma." Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ng malambing at mabait na anak ni Marianne. Pinigilan niya ang sarili niyang hindi maluha ng minutong iyon dahil baka magtanong na naman ang kaniyang anak. Tinapik nito ang kaniyang balikat at sabay sabing, kumukulo na ang niluluto nito. At do'n siya sa harapan ng niluluto niyang bulalao tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
Sa lahat ng pagkakamaling nagawa ni Marianne, tanging si Miko lang ang bukod tanging tama sa lahat. Kaagad niyang pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata at huminga ng malalim, muli niyang pinagmasdan ang gwapong mukha ng kaniyang anak na si Miko na bumalik muli sa pagbabasa ng librong hawak nito, saka siya napangiti at lihim na nagpasalamat sa Diyos, dahil lumaking mabait, magalang, matalino at higit sa lahat may takot sa Diyos, ang kanilang anak na si Miko Delos Reyes.
Hanggang saan ang kakayanin ni Marianne para lang maipagtanggol ang kaniyang anak, kahit na alam naman ng lahat na siya ay isang kabit.

YOU ARE READING
The Other Wife
General FictionThe Other Wife (c) Victoria Manansala All Rights Reserved 2018