The Other Wife #2

231 1 0
                                    


The Other Wife #2

"Bakit hawak mo ang cellphone ng Daddy mo?" tanong ni Cristine sa kaniyang anak na si Dorothy.

"I heard it ringing, sinagot ko lang iyong tawag," lumapit si Cristine sa kaniyang anak at kinuha ang cellphone ng kaniyang asawang si Marcus.

"Nangealam ka ng gamit ng hindi sa iyo?" pagalit na sabi nito sa kaniyang anak.

"Hindi naman po," napayuko nalang ang bata at tila para bang nakain nito ang kaniyang dila sa sobrang takot.

"Next time, h'wag kang mangengealam ng gamit na hindi sa iyo, naiintindihan mo ba?" tumango nalang ang bata at hindi na ito muling sumagot pa.

"Sino ang tumawag sa Daddy mo?" pagalit na tanong ni Cristine sa kaniyang anak.

"P-po?" takot parin si Dorothy ng minutong iyon.

"Are you deaf? Ang sabi ko, sinong..."

"Isang babae po," napahinto si Cristine at tila para bang nakain nito ang kaniyang dila sa narinig mula sa bibig ng kaniyang Anak. Babae? Sinong babae?

"Kilala mo ba?" umiling ito.

"Anyway, kumain ka na pababa na ang Daddy mo," sabi nito sa kaniyang Anak at pagkatapos ay pumasok na ito sa loob ng kanilang Dinning, habang siya ay tinignan ang number ng babae raw na tumawag sa kaniyang asawang si Marcus.

"Sino namang babae?" sabi nito sa kanyang sarili.

...

"Mayro'n raw tumawag sa iyo na babae," kumunot ang noo ni Marcus ng marinig ang mga salitang iyong galing sa asawang si Cristine habang kumakain sila ng noche buena.

"Sino naman raw?" kaagad na binalewala ni Marcus ang narinig nito at nagpatuloy lang ito sa pagkain.

"Aba, malay ko. Hindi ko naman siya nakausap, tanungin mo ang anak mong si Dorothy, kung sino siya?" napatingin si Marcus sa anak niyang si Dorothy na tila natatakot parin sa kaniyang Ina.

"Baby?"

"D-dad..." hindi makatingin maayos si Dorothy sa kaniyang Daddy.

"Sino iyong iyong tumawag sa akin?" kalmadong sabi ni Marcus sa kaniyang Anak.

Sinilayan ni Dorothy ang kaniyang Ina, at tinitigan lang siya nito ng masama, napalunok ng laway ang bata at pagkatapos sinabi nito ang kaniyang alam.

"I heard your phone ringing, mukhang nakalimutan niyo po ata sa may sala. Then, I answer the call, pagkatapos po nakita ko po iyong babae, she was staring at me like parang gulat na gulat siya, tapos parang nahulog po ata iyong phone niya, at iba na iyong nakausapo ko. Isang batang lalaki na para pong kasing edad ko lang po, I ask him kung sino sila and bakit nila po kayo tinatawagan, sumagot iyong bata and he said, sorry, wrong number raw, tapos pinatay na po nila." paliwanag pa ni Dorothy ng minutong iyon, ngumiti lang si Marcus at pagkatapos ay hinimas-himas nito ang buhok ng anak.

"Wrong number lang naman pala e," sabi ni Marcus at pagkatapos ay nagpatuloy ito sa pagkain ng kanilang handa ng gabing iyon.

Pagkatapos nilang magsalo-salo ng oras na iyon ay nagpaalam si Marcus na pupunta lamang ito sa garden upang magpalamig, kumunot naman kaagad ang noo ni Cristine at sinabi sa sarili na, hindi pa ba sapat ang lamig sa loob ng bahay at kailangan talaga niyang lumabas para magpalamig? Full aircon kasi sila ng oras na iyon, dahil ayaw na ayaw ni Cristine na pinapawisan siya at naiirita siya kapag gano'n.

Sa hindi maintindihang dahilan ay sinundan ni Cristine ang kaniyang asawa sa garden at nagtago ito do'n sa lugar na hindi siya nito makikita. Pagdating ni Marcus sa garden ay tumingin-tingin ito sa pagligid, tila para bang sinusigurado nito na walang ibang makakakita sa kaniya o sa kung ano mang gagawin niya ng oras na iyon.

Kinuha niya ang cellphone niya at muli siyang tumingin sa paligid. Pagkatapos ay nagpindot siya rito ng mga numero at maya-maya ay mayro'n na itong kinakausap.

"Kamusta?" nag-aalalang tanong niya sa kausap niya. Napahawak sa dibdib nito si Cristine at nanlaki ang mga mata ng malaman na ang kausap nito sa kabilang linya ay isang babae.

"Pasensya na sa pagtawag ko kanina, alam kong hindi ko dapat ginawa iyon, si Miko kasi, nangungulit na naman,"

"Okay lang iyon, pasensya ka na rin. Alam mo naman na hindi ako maaaring makaalis tuwing pasko dito," mas bumilis ang tibok ng puso niya habang naririnig kung paano nito kausapin ang babaeng kausap nito sa kabilang linya.

"Naiintindihan ko, pero hindi ko na kasi alam kung ano pang idadahilan ko kay Miko," mayro'n silang anak? Gulat na sabi sa sarili ni Cristine.

"Nakausap raw ni Miko, si Dorothy?" patuloy parin sa pakikinig si Cristine sa kausap ng kaniyang asawa sa kabilang linya.

"Pasensya na talaga, sa sobrang gulat ko nabitawan ko iyong cellphone at pinulot ni Miko, at kinausap niya si Dorothy,"

"Hays, pasensya na talaga, Marianne. Alam kong hirap na hirap ka na sa sitwasyon natin, pero alam mo naman na..."

"Hindi naman ako nagrereklamo, nakayanan ko nga hindi ba? Kasi, naniwala ako sa pangako mo, at patuloy parin akong maniniwala sa pangako mo, Marcus."

"Salamat sa pagtitiwala, kaya nga mahal na mahal kita e," parang dahan-dahang nahihiwa ang puso ni Cristine sa kaniyang mga naririnig. Mukhang hindi ata tama na sinundan pa niya ang kaniyang kabiyak at nakinig sa pakikipag-usap nito sa kaniyang kalantari, dahil para na siyang unti-unting pinapatay nito sa sobrang sakit ng kaniyang puso.

Pahawak siya sa kaniyang dibdib at dahil sa sobrang bigat ng kaniyang nararamdaman, halos hindi na siya makahinga ng lumabas siya sa kaniyang pinagtataguan, nakasalubong niya ang kaniyang anak na si Dorothy at nag-aalalang nagtanong ito sa kaniyang Ina.

"Mommy are you okay?" palapit pang tanong ng bata sa kaniyang Ina, ngunit bigla nalang siyang tinulak nito palayo sa kaniya at sabay sabing, pabayaan na siya nito. Ayaw nitong makita ang pagmumukha nito. Hindi lang nasaktan si Dorothy dahil sa pagtulak sa kaniya ng kaniyang Ina, ngunit mas nasasaktan siya sa kung paano siya nito tratuhin at iparamdam na para bang hindi siya parte ng buhay nito.

---

The Other WifeWhere stories live. Discover now