The Other Wife #1

378 1 0
                                    


The Other Wife #1

5, 4, 3, 2, 1!

"Merry Christmas!" patakbong lumapit si Miko sa kaniyang nakaupong Ina sa kanilang sala upang halikan ang pisngi nito't batiin ng isang maligayang pasko. Halos matunaw naman ang puso ni Marianne sa inasal ng kaniyang anak. Sobrang sweet talaga nito sa kaniya.

"Merry Christmas, Ma." Sabay labas nito ng itinatago niyang regalo sa kaniyang likuran.

"Wow, para sa akin?" tanong ni Marianne.

"Opo, para sa pinaka-magandang babae sa buong mundo!" nagtatalong-talong pang sambit ni Miko ng minutong iyon.

"Pati si Mama binobola mo," ginulo-gulo pa ni Marianne ang buhok ng kaniyang anak na siyang kinainis nito ng minutong iyon.

"Ma, naman! Sinisira niyo po ang buhok ko e, ilang minuto ko po iyang inayos tapos guguluhin niyo lang?" nagsorry naman si Marianne sa pag-iinarte ng kaniyang anak at natawa ito, saka niya ito niyakap ng maghipit.

"Bubuksan ko na ba?" kaagad naman na tumango si Miko bilang hudyat na pinapayagan niya itong buksan, pero kaagad naisip nito na hindi pa pala niya naibibigay iyong regalong inihanda niya para sa kanyang anak.

"Muntin ko ng makalimutan," tumayo si Marianne at kinuha ang regalo nito sa ilalim ng maliit na christmas tree, tapos muli siyang lumapit sa anak at saka niya ito inabot.

"Para sa pinakagwapong lalaki sa buhay ko," sabi naman ni Marianne sa anak.

"Weeh? Mas gwapo pa po kay Papa?" taas kilay na sabi ni Miko na kinatawa ni Marianne.

"Hahaha, ang hirap naman no'n, sige na pangalawang pinakagwapong lalaki sa buhay ko," saka niya ito niyakap ng mahigpit.

"Ma, sabay na nating buksan iyong mga regalo natin," sabi ni Miko sa kaniyang Ina. Umupo sila s sahig at sabay nilang binuksan iyong mga regalo ng bawat isa. Isang kulay orange na headband ang regalo ni Miko sa kaniyang Ina, naalala ni Marianne ang araw na kung saan nakita niya ang kaniyang anak na bumili ng headband. Tinanong niya ito kung kanino niya ito ireregalo, sabi nito ibibigay raw niya ito sa pinaka-mabait niyang kaibigan sa eskwelahan. Napangiti pa nga siya ng oras na iyon dahil, sobrang bless niya na magkaro'n ng anak na kasing bait ni Miko. Kaya nga laking gulat niya ng binuksan niya ang regalo at ito ang natanggap niya, napatingin naman siya sa itsura ng kanyang anak ng makita itong binubuksan ang regalo't malaman na ang laman nito ay isang bagong damit.

"Wow, mayro'n na naman akong bagong damit!" excited na sinukat ni Miko ang regalong ibinigay ng kaniyang Ina sa kaniya Ina, at tinulungan naman ito ni Marianne dahil nahihirapan itong ipasok ang kanyang kamay sa manggas nito.

Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ni Miko habang tinitignan niya ang kaniyang sarili sa harapan ng salamin, gwapong-gwapo siya sa kaniyang sarili. Talaga namang gwapo ang batang ito, bukod sa maganda ang kaniyang Ina, gwapo rin kasi ang kaniyang Amang si Marcus. Napahawak tuloy si Marianne sa kaniyang bulsa at akmang kukunin nito ang kaniyang cellphone para tawagan si Marcus hanggang sa...

"Ma, i-video call niyo po si Papa para makita niya iyong bagong damit na ibinigay niyo tapos, makita niya ang gwapo niyang anak." Pagmamayabang pa nito ng minutong iyon, wala ng nagawa si Marianne kundi kunin ang cellphone sa kaniyang bulsa at simulang tawagan ang kaniyang asawang si Marcus.

Nakakatatlong ring na ito hanggang sa mayro'ng sumagot sa tawag.

"Who are you?" tanong ng batang babae sa kaniya. Biglang kinabahan si Marianne, napahawak siya sa kaniyang dibdib at nabitawan niya ang kaniyang cellphone, kaagad namang lumapit si Miko upang damputin iyong cellphone ng kaniyang Ina na nahulog, at pagkakita niya ay mayro'ng isang batang babae na nasa loob ng cellphone.

"Hello, why are you calling on my Dad's phone?" tanong ng batang babae sa kaniya. Napatingin naman si Miko sa kaniyang Ina na gulat na gulat parin. Sumagot si Miko at sabay sabing...

"Miss, sorry wrong number." Pagkatapos ay pinindot ni Miko ang cancel button at saka inabot ang cellphone sa kaniyang Ina.

"Kaya naman po pala hindi sinasagot ni Papa dahil ibang number iyong tinatawagan niyo po e," nakangiting sagot ni Miko. Napatingin siya sa dialed number at sigurado siya na number talaga iyon ni Marcus, tapos napatingin muli siya sa kaniyang anak na dumiretso sa kusina, sinabi kasi nito na nagugutom na siya at oras na raw para kumain. Ramdam na ramdam niya ang pag-iba ng mood ng kaniyang Anak habang kumakain silang dal'wa. Parang hindi si Miko ang nasa harapan niya, ang Miko kasi na kilala niya ay maingay, makulit at masigla. Ngunit ang batang nasa kaniyang harapan ay tila para bang ang bigat-bigat ng problemang dinadala.

Kanina pa niya iniikot-ikot iyong pasta noodles ng ginawa niyang spaghetti at nakatitig rito, tapos panay rin ang pagbuntong hininga nito na tila para bang ang lalim lalim ng iniisip nito. Do'n na kinausap ni Marianne ang kaniyang Anak.

"Anak," napatingin si Miko sa kaniya.

"Sorry,"

"Ma, bakit po kayo humihingi ng sorry?" hindi na napigilan ni Marianne ang maluha ng minutong iyon. Tumayo siya sa kaniayng kinauupuan at niyakap ng mahigpit ang Anak.

"Sorry, kasi wala ang Papa mo ngayon," tinapik-tapik naman ni Miko ang likuran ng kaniyang Ina sabay sabing, okay lang raw iyon. Namimiss lang raw niya ang kaniyang Papa, pero gaya ng sabi nito kailangan magtrabaho nito para rin naman sa kanila. Humarap si Marianne sa kaniyang anak, tapos pinunasan naman ni Miko ang luha ng kaniyang umiiyak na Ina.

"H'wag na po kayong umiyak, Ma. Paskong-pasko po, dapat masaya po tayo, hindi ba?" ngumiti si Miko at sa hindi maintindihang bagay ay tila para bang nahawa siya sa pagiging positibo nito.

"I love you, anak ko."

"I love you, Mama ko." tugon nito sa kaniya.

The Other WifeWhere stories live. Discover now