The Other Wife #3
"I'm sorry, Mrs. Delos Reyes," hindi na nagawang patapusin pa ni Cristine ang mga susunod na sasabihin ng kaniyang Gynecologist ng oras na iyon. Pang-ilang beses na niyang check-up ito sa kaniyang obygyne, ngunit talagang wala na siyang pag-asa pang mabuntis, dahil sa mayro'n itong chronic disorder na tinatawag na Endometriosis. Isang abnormal na pagdami ng endometrial cells, na kapareho ng nasa loob ng uterus. Ang cells na ito ay lumalago sa labas ng uterus, at sa ibang organs sa pelvic area tulad ng obaryo, fallopian tube, at tissue linning ng pelvic. Wala pang lunas ang ganitong karamdaman, kaya ng malaman ito ni Cristine, ay para bang binagsakan ng langit ang kaniyang mundo.
Bakit?
Bakit, sa dami-rami ng babae sa buong mundo, siya pa ang kinapitan ng ganitong klase ng sakit. Inilihim niya ito sa kaniyang asawang si Marcus, ngunit hindi lahat ng lihim ay kayang maitago ng habang panahon.
Isang araw, pagkauwi ni Cristine galing sa trabaho ay bumungad sa kaniya ang kaniyang asawang si Marcus na mayro'ng hawak na papel sa kaniyang kamay habang nakaupo ito sa kanilang kama, takot kaagad ang bumalot sa pagkatao ni Cristine ng minutong iyon, hanggang sa magtama ang kani-kanilang mga mata. Do'n na siya lumuhod sa kaniyang asawa at nagmakaawang h'wag siyang iwanan.
"Pinakasalan kita kahit na hindi naman talaga kita, mahal. Kasi, ang sabi mo buntis ka, na nabuntis kita, tapos ito pa ang ipapalit mo sa lahat ng mga sakripisyo na ginawa ko para sa iyo?" nanlilisik ang mga mata ni Marcus ng oras na iyon.
"Hiniwalayan ko ang taong mahal ko, para sa iyo, tapos malalaman kong niloloko mo lang pala ako?" bawat salitang lumalabas sa bibig ng kaniyang asawa ay tumutusok sa kaniyang pagkatao. Pinikot at pinilit ni Cristine na pakasalan siya ni Marcus, kahit na alam naman nito na mayro'n itong kasalukuyang kasintahan, gustong-gusto kasi ni Cristine si Marcus, at gano'n din ng kaniyang pamilya, kaya humiling siya sa kaniyang Ama na tulungan siyang makuha ang binata, hanggang sa napako na nga ito dahil sa malaking pagkakautang ng pamilya nila Marcus sa pamilya ni Cristine, dahilan para mapapayag ito sa isang kasunduan na kailangang hiwalayan ni Marcus, ang kaniyang kasalukuyang kasintahan at pilitin ang sarili nito na mahalin ang isang babaeng hindi pa niya lubusang kilala.
Hirap na hirap si Marcus sa kung ano ang pipiliin niyang mga panahon na iyon, kung ang kaniyang pamilya ba o ang babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso? Ngunit, kinakailangan na niyang magdesisyon dahil, napag-alaman nga niyang nabuntis nito si Cristine dahilan para panagutan niya ito at pakasalan sa lalong madaling panahon, do'n ay binitawan niya ang pakikipagrelasyon sa babaeng pinakamamahal niya, kahit na masakit, kahit na alam niyang hindi tama.
Kaya nga nang malaman niya na niloloko lang pala siya ni Cristine, galit. Galit ang namutawi sa kaniyang puso.
Nagsama silang dal'wa.
Ginawa naman ni Marcus ang parte siya sa kanilang tahanan bilang asawa nito. Nagsisiping sila, ngunit wala siyang ni ano man pagmamahal sa babaeng kaniyang katabi niya sa gabi. Ginawa rin naman ni Cristine ang lahat, para lang mabago ang pagtingin nito sa kaniya, kaya nga pumunta siya sa ampunan at naghanap ng isang batang inulila ng kaniyang mga magulang. Do'n niya nakita ang magandang batang babae na si Dorothy, inampon niya ito 'di dahil mahal niya ang bata, kundi dahil alam niya na ito lang ang magpapabago ng pagtingin sa kaniya ng kaniyang asawang si Marcus.
Kahit papaano naman ay nagbago ang tingin ni Marcus sa kaniya ng makita nito ang batang si Dorothy, para na rin silang naging isang pamilya. Mahal na mahal ni Marcus ang batang si Dorothy, pero ang layo-layo naman ng loob ni Cristine sa kaniya, pakiramdam kasi niya ay inaagawa ng bata ang atensyon na matagal na niyang gustong-gustong makuha mula sa kaniyang asawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/144318563-288-k10735.jpg)
YOU ARE READING
The Other Wife
General FictionThe Other Wife (c) Victoria Manansala All Rights Reserved 2018