The Other Wife #4
"Totoo po bang kabit po kayo?" diretsong tanong ni Miko sa kaniyang Ina. Nanlaki ang mga mata ni Marianne ng marinig ang mga salitang ito mula sa bibig ng kaniyang anak. Inaasahan na niyang maririnig ito, ngunit hindi pa siya handa, ni hindi pa nga niya alam kung ano o paano niya sasabihin o ipapaliwanag ang mga bagay-bagay ng hindi niya ito nasasaktan.
Napalunok ng laway si Marianne, at lumuhod sa harapan ng kaniyang anak. Hinimas-himas pa nito ang kamay nito, habang nakatitig ng husto sa kulay brown na mga mata ng kaniyang anak.
"Anak," tila para bang nababasag ang boses niya habang lumalabas ang mga salita sa kaniyang bibig.
"Anak, makinig ka ng mabuti, okay?" tumango naman ang mabait na batang si Miko.
"Okay," muling huminga ng malalim si Marianne, siguro nga. Tama nga ang kasabihang walang lihim na maitatago habang buhay. Siguro, ito na iyong tamang panahon para sabihin niya sa kaniyang anak, ang tama.
"Hindi tayo ang tunay na pamilya ng Papa mo," kumunot ang noo ng bata, tila pinapasok nito at lubos na iniintindi ang bawat sa salitang lumalabas sa bibig ng kaniyang Ina.
"Po?"
"Hindi ako ang tunay na asawa ng Papa mo," kaunti nalang ay tutulo na ang luha sa gilid ng mga mata ni Marianne, ngunit pinipigilan parin niya.
"Ma, hindi ko po maintindihan," tila para bang sumasakit na ang ulo ni Miko sa pag-intindi niya sa mga sinasabi ng kaniyang Ina sa kaniya.
"Ganito nalang anak, may ibang pamilya si Papa mo,"
"Tapos po? Ano naman niya tayo?"
"Pamilya niya rin tayo, pangalawang pamilya tayo ng Papa mo," sagot ni Marianne.
"Pwede po ba iyon, Ma?" tanong ni Miko sa kaniya.
"Miko, makinig ka, kahit na anong marinig mo mula sa kanila, tandaan mo, mahal na mahal ka namin ng Papa mo, at gagawin namin ang lahat para matupad mo ang mga pangarap mo," hindi na sinagot ni Marianne ang tanong ng kaniyang anak kung tama ba o maaari bang magkaro'n ang Papa Marcus nito ng dal'wang pamilya? Niyakap nalang ng mahigpit ni Marianne ang kaniyang anak, at do'n na bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata.
...
"Anong naging reaksyon niya?" pagkatapos ng masinsinan nilang pag-uusap ng kaniyang anak na si Miko ay kaagad namang tinawagan ni Marianne si Marcus, kaagad rin namang sinagot nito ang tawag at do'n na nga niya sinabi ang lahat ng mga nangyari.
"Siyempre, nagulat siya. Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isipan ng anak natin, pero naaawa ako sa kaniya. Nabubully siya dahil sa..."
"I'm sorry, kasalanan ko talaga ang lahat ng ito," pilit na sinisisi ni Marcus ang kaniyang sarili sa lahat ng mga nagaganap ngayon sa kaniyang pamilya.
"Hindi! Wala ka namang kasalanan e, kung mayro'n man may kasalanan dito, iyon ay ako. Kasi pinipilit ko parin ipagsiksikan ang sarili ko sa iyo,"
"Marianne, alam mo naman na ikaw lang ang minahal ko," hindi kaagad kumibo si Marianne.
Masakit, at halos mabaliw si Marianne ng gabing kinausap siya ni Marcus sa telephono upang makipaghiwalay ito sa kaniya. Walang sabi-sabi ay nakipaghiwalay si Marcus, kay Marianne sa hindi malamang dahilan. Pagkatapos, ay nagpunta ng ibang bansa si Marianne upang magtrabaho at para narin kalimutan ang mga masasalimuot na nangayari sa kaniyang buhay. Ngunit, mukhang talagang pinaglalaruan sila ng tadhana, at sa bansa na kung saan nagtatrabaho si Marianne ay muli silang nagkitang dal'wa ni Marcus.
Pinagbigyan niya ang dating kasintahan na magpaliwanag at dahilan nito kung bakit siya nito iniwan ng walang konkretong dahilan? At buong puso muling tinanggap ni Marianne si Marcus, kahit na alam naman nito na mayro'n na itong asawa.
Dahil, sa pagmamahal niya at sa mga pangakong binitawan ni Marcus sa kaniya, pinili niyang maging kabit, at itago ang kanilang relasyon sa lahat. Maski, ang sarili niyang pamilya ay hindi niya sinabihan tungkol sa mga nagaganap sa kaniyang buhay ngayon.
Hanggang sa isilang niya ang nakapalusog na batang si Miko, do'n niya naramdaman ang kahalagahang ng buhay ng makita niyang tumulo ang luha ng kaniyang anak. At sinabi sa kaniyang sarili na kahit anong mangyari, gagawin niya ang lahat para sa kaniyang pinaka-mamahal na anak.
"Hindi na ito, usapin tungkol sa pagmamahal mo sa akin, Marcus. Tungkol na ito sa anak natin, hindi ko na kayang nakikita siyang nahihirapan."
"Sa tingin mo ba hindi rin ako nahihirapan? Marianne, gustong-gusto ko na kayong makasama, araw-araw. Gustong-gusto kong masaksihan ang unti-unting paglaki ng anak natin, pero hindi ko magawa, dahil nakatali parin ako sa isang relasyon na alam kong, alam mo na hindi ko ginusto! Marianne, sana naiintindihan mo rin ako, ginagawa ko naman ang lahat e,"
"Kung ginagawa mo ang lahat, bakit kabit parin ako? Mahal mo ako hindi ba? Pero, anong klaseng pagmamahal ba ito ah, Marcus? Itinatago mo ako, itinatago mo kami ng anak mo."
"Alam mo naman ang sagot diyan, Marianne."
"Alam ko nga, pero..."
"Pero... nakakapagod na. Napapagod na ako magtago. Napapagod na akong magkunwari. Napapagod na akong nakikitang nasasaktan iyong anak natin,"
"Marianne..." tinapos na ni Marianne ang pakikipag-usap niya kay Marcus, at muling sinilayan ang anak na si Miko na mahimbing na natutulog sa kwarto nito. Lumapit siya rito at lumuhod, pagkatapos ay inayos niya ang buhok nito at hinalikan ito sa noo, muli na namang tumulo ang luha sa mga mata ni Marianne, ngunit kaagad rin naman niya itong pinunsan.
"Anak, mahal na mahal ka ni Mama," isang pag-ibig na hinding-hindi magbabago kailanman.
---

YOU ARE READING
The Other Wife
Fiction généraleThe Other Wife (c) Victoria Manansala All Rights Reserved 2018