10. He Thought, She Thought

10.7K 257 27
                                    



"Hihiwalayan mo rin ako, gano'n ba?" Nagawang ilabas ni Sarah sa kanyang lalamunan ang mga salita kahit na sa palagay niya biglang ninakaw ang lahat ng lakas niya nang mga sandaling iyon. "G-gagawin mo rin sa akin ang ginawa mo kay Ayanna?"

"I don't want you to suffer. Nakita ko kung gaano mo kamahal si Chesie. Kung... m-mawawala siya, I'm sure you'll be shattered."

"That can happen. Pero hindi ko maintindihan kung bakit gusto mong maghiwalay tayo." Medyo may tapang na ngayon ang tinig niya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Harmon. Tuluyan na nitong ikinubli sa kanya ang mukha. "Makakakita ka pa ng lalaking mamahalin mo talaga. Iyong magbibigay na sa iyo ng anak."

"Sinasabi mo ba 'yan dahil hanggang ngayon, hindi mo pa rin magawang ialis sa sistema mo si Ayanna?" puno ng hinanakit na sumbat ni Sarah. "Nakokonsiyensiya ka ba na habang nagsasama tayo, nararamdaman mo pa rin na mas mahal mo siya kaysa sa akin?"

"Walang kinalaman si Ayanna sa desisyon ko."

"Kung hindi ko nakita 'yong napakatamis na ngiti sa kanya sa lobby ng Saint Luke's, baka nga paniwalaan kita. Hindi ako bulag, Harmon. I saw how fondly you smiled and held her hand. Well, mahirap talagang itago ang tunay na nararamdaman para sa taong mahal mo."

"Don't act as if you're jealous of her." Nawala na ang hinahon sa boses nito, mukhang galit na. Ngunit hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. "In the first place, hindi mo naman talaga ako mahal. Napilitan ka lang pakasal sa akin dahil kay Chesie."

"How I wish na totoo na nga lang sana ang sinasabi mong 'yan."

"Huwag ka na ngang magkaila pa sa akin. Puwedeng nagawa mo na lituhin ang damdamin ko dahil nagpapakita ka ng sweetness sa akin. I mean, our honeymoon was a dream. At hanggang ngayon malambing ka pa rin sa akin. Alam kong ginagawa mo lang iyon bilang pasasalamat mo sa pag-aampon ko kay Chesie. Pero sa bibig mo na rin nanggaling, mahirap talagang itago ang tunay na damdamin para sa taong mahal mo. Who is he, Sarah?"

Umapaw na ang galit niya sa puntong iyon. "Stop! What are you trying to say? Ako pa ba ang babaliktarin mo ngayon?"

Noon ito humarap sa kanya. At nagulat siya sa bakas ng luha sa pisngi nito. "Hindi nga ba at ibinasura mo lang ang mga bulaklak na ibinigay ko sa iyo?"

"Bulaklak? At kailan mo naman ako nabigyan ng mga bulaklak, aber?" tila gererang nakataas pa ang baba niya habang sinasabi iyon.

Napailing ito, halatang nasaktan. "'Kita mo na? hindi mo maalala. Palibhasa, hindi ako gano'n kaimportante para sa iyo. It only showed you were just playacting the whole time you've been displaying affection to me. Tatlong beses na kitang pinadadalhan ng mga bulaklak. Una ay pink tulips. Yellow tulips 'yong sumunod. At-"

"Wait!" agaw niya sa sinasabi nito. Hindi siya makapaniwala. "You mean, sa iyo galing ang mga bulaklak na iyon?"

"Oo. Kanino ba sa akala mo? Wala namang romantic fiber sa katawan ang estudyante mong iyon na sagana lang sa porma."

Napakagat-labi siya, sabay pikit. At pagkatapos, sinugod niya ito at pinagbabayo sa dibdib. "Nakakainis ka! Nakakainis ka talaga!" kandaiyak na panggigigil niya.

Pinigilan naman nito ang pag-atake niya, mukhang lalong na-offend. "Bakit ako pa ngayon ang nakakainis?"

"Paano nga po, nawala na 'yong mga notes mo do'n sa mga bulaklak! Paano ko pa mare-retrieve ang mga iyon ngayon? Kung bakit naman kasi hindi mo pa nilagyan ng pangalan ang mga card. Tuloy, ang akala ko, kay Pal lang nanggaling ang mga iyon."

Sandaling napamaang ito at nabitiwan ang mga kamay niya. Ito naman ang mukhang hindi makapaniwala. "Y-you mean, kung alam mong sa akin galing ang mga bulaklak, hindi mo ibabasura ang mga 'yon?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Braveheart Series 8 Harmon Abreira (Masquerading Cynic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon