Naglalakad ako sa madilim na lansangan kasabay ng pagbuhos ng ulan at pag-ihip ng malakas na hangin ..kanina pa ako palakad-lakad dito na parang hindi parin ako dumarating sa pupuntahan ko..nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luha na kanina ko pa pinipigilan..
Sa konting panahon ko doon ay lalo ko siyang hinangaan ang bait-bait nya saakin ..kaya di na nakakapagtaka na nahulog ako sakanya,pero akala ko sasaluhin nya ako yun pala iba ang sinalo niya ..
Umiiyak ako dahil naalala ko kung paano nila ako pinandirihan ..wala namang nangyari saamin ni finistacio ..talagang sinamahan nya lang ako pero di ko alam binayaran din pala siya ..nakakatawa ang tanga tanga ko kung bakit ba kasi hindi ako nakapag-aral,Hindi sa sinisisi ko si Lola dahil kahit papaano mayroon akong utang na loob sa kanya ..
Siya ang tinuring kong pamilya Simula pagkabata,naging masunurin ako sakanya ..ang bait niya sa lahat ..pero noong namatay siya sa mismong kaarawan ko doon gumuho lahat ng pangarap ko kasama siya ..kapag naman sumasapit ang kaarawan ko nagkukulong lang ako o nililibang ang sarili ko sa ibang bagay at iniiwasan kong maalala siya ..kinamuhian din ako ng lahat dahil sinisisi nila ako sa pagkamatay niya ..Hindi pa ako kumakain Simula kanina ..sobra sobra ng paghihirap ang dinanas ko Simula ng lumaki ako dito ..
Naglalakad pa ako ng bigla akong natumba ..sana mawala na ang sakit ..sana panaghinip lang ito ..at may tumama saking maliwanag na bagay at biglang nagdilim lahat...