Chapter 5

65 9 2
                                    

Lalapitan ko kaya siya?

Kinuha ko ang plato ko at naglakad patungo sa pwesto nung lalaki na hanggang ngayon ay nilalaro parin yung steak knife. Sinenyasan ko yung isang staff para dalhin yung naiwan pang pagkain ko.



"Hi" Bati ko sa lalaki at ngumiti ako sa kanya saka ko inilapag yung plato ko. Mukhang nagulat naman siya sa pagdating ko. Tumango lang ito at yumuko habang nilalaro yung kutsilyo.



"Chin up handsome" Sabi ko sa kanya at dahan dahan kong hinawakan ang baba niya para iangat ang ulo niya. Napatitig lang ito sa akin. Para naman akong nakuryente sa titig niya kaya binawi ko yung kamay ko.



"Alam mo, masama daw naglalaro ng kutsilyo. Kaya kung ako sayo, bitawan mo nalang yang nilalaro mong steak knife." Pilit na ngumiti ito sa akin at nilapag yung kutsilyo. Dumating yung isang staff at inilagay sa table yung dalawang chocolate cake na inorder ko.



"Mukhang wala kang balak kausapin ako, pero hayaan mo nalang akong daldalin ka ha? Oh eto, sayo na yang isang cake ko.  Paborito ko yan, kaya swerte mo at isheshare ko sayo" Tinapat ko sa kanya yung isang plato na may cake. Tinitigan lang niya ito at mukhang walang balak kainin. Kinuha ko yung tinidor sa tapat niya para subuan siya.



"Ahh" Sabi ko sa kanya. Nag-alangan pa ito. Pero nahalata niya sigurong di ako titigil hanggat hindi niya yun sinusubo kaya naman kinain niya yung cake. Susubuan ko ulit sana siya pero pinigilan niya yung kamay ko



"Ako na" Sabi niya at tipid na ngumiti. Oh wow,  ang ganda ng boses niya. Very masculine bagay sa gwapo niyang mukha sabi ng isang parte ng utak ko. Choosss.  Naku, heart broken na nga yung tao pinagnanasaan ko pa.  No no no.



"Alam mo, alam ko yung feeling na ganyan. Nakichika kasi ako sa isang staff kanina kaya nalaman ko mejo kung anong nangyari hehe. Magkaiba man ng sitwasyon pero alam ko yung pakiramdam na mapapaisip ka kung saan ka ba nagkulang, kahit na alam mong ibinigay mo na lahat. Yung pakiramdam na parang gusto mo nalang mamatay para mawala yung sakit. Muntik pa nga akong mamatay talaga nun eh. Kung hindi dahil sa nagligtas sa akin, malamang wala ako sa harap mo ngayon." Alanganin naman akong ngumiti sa kanya, habang nakatingin lang siya sa akin.




"Nawi-weirdohan ka na ba sa akin? Sige, lilipat nalang ulit ako ng upuan. Pasensya na he-he?" Akmang tatayo na sana ako ng hawakan niya yung kamay ko.



"No, I'm sorry. Please... stay." Napatigil naman ako nang magsalita siya. Di ko alam kung nag-iimagine lang ako pero parang may longingness sa boses niya. Parang gusto ko tuloy siyang ihug.  Chosss.



"If it's not too much to ask, can you keep me company for a while?" Sabi nito sa akin



"Oh sure no problem. Kaya naman kita nilapitan kasi nilalaro mo yang kutsilyo kanina.  Natakot lang akong baka maglaslas ka or something." sagot ko dito at nagsimula ulit akong kumain.



"5th Anniversary namin ngayon..." Pagsisimula niya. Ako naman nakinig lang. 



"Alam kong hindi na gaya ng dati yung relasyon namin. Halos wala na kaming oras para sa isa't-isa, laging nag-aaway pero alam ko sa sarili ko na mahal ko parin siya at hindi nagbago yun. Just a month ago, susunduin ko sana siya para makapag-dinner naman kami since matagal na naming hindi nagagawa yun. Pagdating ko sa set ng photoshoot nila, naabutan ko siyang masayang makikipagkwentuhan sa co-model niya. Yung klase ng ngiti niyang sa akin niya lang pinapakita... pinapakita niya na din sa iba. Natakot ako nung nakita ko silang masaya. Kaya naisipan kong magpropose sa kanya.  Umasa akong kahit papano, baka pakasalan niya ako kasi mahal niya ako gaya ng dati pero hindi." Pinunasan niya ang mga mata niyang may namumuong luha. Hindi ko alam kung paano ako magrereact kaya natahimik kami ngbilang sandali.



"Model pala siya?"



"Yeah, if you happen to know Brianna Reeves, siya yun." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Isa si Brianna sa mga pinakasikat na modelo... meaning...



"Woah! W-wait ikaw yung mystery boyfriend niya.  Oh my gosh! Alam mo bang ang daming gustong makilala kung sino ka. Masyado kayong masikreto at ni isang picture na magkasama kayo wala akong makita!"



"Yeah, pero hindi na kami. Nakipagbreak siya kanina" Mapait itong ngumiti.



"Oh.. I'm sorry.  Akala ko yung engagement lang ang hindi natuloy. Yun pala..." Ngumiti lang ulit ito sa akin. Nasasaktan ako para sa kanya. Pinipilit niya parin ngumiti kahit nasasaktan na siya.



"You don't have to be sorry.  I'm so thankful na nandito ka para makinig sa akin. Hindi lahat ng tao magagawa yun. Kaya salamat. Mejo gumaan ang loob ko."



"To be honest, hindi ko naman to laging ginagawa. Sabi nga nila, sometimes strangers are the best listeners."



Nang matapos kaming kumain at magkwentuhan, lumabas na kami para umuwi.



"Hatid na kita, dala ko kotse ko"



"Ay hehe wag na, may kotse din kasi ako. Salamat nalang-- Wait. Di pa pala tayo nagpapakilala sa isa't-isa" Kanina pa kami nagkkwentuhan wala manlang nakaala sa amin haha



"Oh..right. My bad.  Parang matagal na tayong magkakilala di manlang natin naisip yun haha. I'm Ivan Maddox  Danziger by the way" Sabay lahad ng kanyang kamay para makipagshake hands



"Avery Costavilla. Nice formally knowing you Ivan." Ngumiti na ako sa kanya at nakipagshake hands.



"A beautiful name for a beautiful lady.  It's a pleasure to have met you." Nablush naman ako sa sinabi niya. Ang harot ko lang hahaha choss



"Naku bolero ka ha. sige alis na ko 😊"  Naglakad na ako patungo sa kotse ko.



"Avery!" Tawag sa akin ni Ivan habang tumatakbo papunta sa akin. "If it's okay with you, pwede ko bang makuha yung number mo?"



"Oo naman. Let's hang out some time" Inabot niya sa akin yung phone niya at inilagay ko naman dito yung number ko saka ko binalik sa kanya.



"Thank you Avery. See you soon"



"Yup, bye Ivan" sumakay na ako sa kotse ako at bumusina ng ako ay paalis na.



Nang makauwi ako ay nagshower muna ako bago humilata sa kama.



Bigla ko namang naisip si Ivan, hindi ko alam kung bakit pero parang amg gaan ng loob ko sa kanya. Para bang matagal ko na siyang kilala.




Oh wag kayong malisyoso, wala akong gusto sa kanya or something. It's just that alam ko yung feeling na masaktan. Yung kailangan mo mg mapaglalabasan ng sama ng loob pero wala.



Haay.  Matulog na nga ako, baka pag initan na naman ako ni Kyra pag nalate ako bukas

----
A/N: Sorry for the delayed update guys.  Hope you enjoyed the chapter. Don't forget to vote, comment and add this to your reading List.  Thank you! 😊😊

Ps. This Chapter is dedicated to Senpai_Eybi , an active reader. Thank you so much! (Phone kasi gamit ko pang update kaya di ko malagay yung mismong dedication. I'll be fixing this soon 😊😉)

Pick Up The Pieces (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon