Chapter 1

129 13 0
                                    

Disclaimer : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
--

Agad ibinaon ni Avery ang kanyang mukha sa malaking stuffed toy na nasa tabi niya nang maramdaman niya ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang magandang mukha. Ilang sandali pa lang ay tumunog din ang alarm clock niya na siya namang ikinainis niya. Kulang kasi siya sa tulog dahil sa mga trabahong iniuwi niya at dahil dito inabot siya ng alas tres ng umaga para tapusin ang mga ito.

Nakakunot noo itong tumayo at naglakad patungo sa veranda ng kanyang kwarto. Hinawi nito ang kurtina at binuksan ang sliding door atsaka bumalik sa kama.

Avery's POV
Inaantok pa ako. Gosh, sobrang haggard ko na these past days. Tumingin ako sa kisame at napangiti nang makita ko ang Northern Lights o ang Aurora Borealis (A/N: See media) na nakapinta dito. Nakakawala ng stress kapag tinitignan ko to, lalo na sa gabi, dahil glow in the dark siya mas maganda ito sa gabi.


Tumingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng bedside table ko at napabangon naman ako agad, 7:40 am na! Dumeretso ako agad sa bathroom at naligo ng mabilisan.  Nakakaloka ang tagal ko palang nagmuni-muni kanina.


I rushed into my walk-in closet and grabbed a bohemian tunic dress while wearing my undies then run to my shoe collection and grabbed any pair heels. I went out of my walk in closet and got my bags. Buti nalang inayos ko to bago ako natulog. Tumingin ako sa orasan at 7:55 am na. I stuffed my heels in my bag and carried it at tumakbo ako papunta sa pintuan. Sinuot ko muna yung nakuha kong dress kanina saka lumabas sa pent house ko.


Pinindot ko agad yung elevator at hinintay ito. ...., 35, 36, 37, 38



*ting*



Bumukas ang elevator at sumakay na ako.


"Good morning ma'am, lobby po?" ani ng elevator girl. Ngumiti ako at binati din siya


"Sa parking ako miss" Tumango naman ito at pinindot ang Lower Ground. Habang pababa ang elevator napakunot naman ang noo dahil pasulyap-sulyap si ate sa akin.


"Miss, pansin ko lang bat parang kanina mo pa ako tinitignan? Girl, di tayo talo ha? Fafa ang hanap ko hindi pechay"

"Naku ma'am bortang fafa din ang hanap ko, pero kasi ma'am yung ano.."

"Anong ano?" Napangiwi naman si ate at sinenyas niya yung buhok ko.

Tumingin ako sa salamin sa likuran ko at nagulat sa itsura ko.  Hindi pa pala ako nagsusuklay. Bakit hindi ko yun napansin kanina.  Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga kamay ko para naman magmukhang mejo kanais-nais. Mamaya na ako mag aayos sa office.  Nakayapak lang din pala ako, isusuot ko nalang yung heels ko mamaya sa kotse.



*ting*



"Parking na po ma'am" Ngumiti ako sa kanya at saka tumakbo papunta sa kotse ko.  Pinindot ko ang car remote key atsaka binuksan ang kotse. 

I stuffed my things in the backseat. I looked at the mini clock in my car and it's already 8:07 am. Oh gosh late na talaga ako.  Kyra is seriously gonna kill me. Pinaandar ko ng mabilis ang kotse hanggang makarating ako sa harap élégant Fashion Design daughter company ng Reine Luxe Fashion Design, ang kompanya kung saan ako nagtatrabaho. Kinuha ko ang heels ko at isinuot ito. Binitbit ko amg mga bag ko atsaka lumabas.

Binati ako ng guard sa entrance ng companya at ngumiti naman ako dito.

"Kuya, pakibigay naman to sa valet para sila na magparada nung kotse ko. Late na talaga ako eh, pakiakyat nalang sa opisina ko sa 49 th floor. Salamat"

"Sige po ma'am."

Nagmamadali akong nagtungo sa elevator dahil pasara na ito. Pinindot ko ang elevator button at nagulat dahil may naghahalikan sa loob.

"Oh please, get a room will you!" Naiirita kong sabi sa kanila. Pumasok na ako at pinindot ak 49th floor. Nang mag angat ng tingin ang lalaki, napataas naman ang kilay ko nung nakilala ko siya. Yung babae naman yumuko at mukhang nahihiya.

"You never change do you? Still the same old pig, Tyler." Singhal ko sa lalaki habang nakakunot ang noo and he just smirked at me. Nakakainit ng ulo. Hinawakan niya sa bewang ang babae at hinila ito palapit sa kanya. Napataas naman ang kilay ko na halos umabot sa Pluto and gave him a mocking look.

"And you miss" napatingin naman sa akin ang babae at halatang nahihiya , well dapat lang, naiilang na humiwalay ito kay Tyler. To my surprise, isa ito sa mga interns namin. 

"My gosh Carlene! Nandito ka para maging intern at hindi makipaglandian." sabi ko sa babae.

"Sorry Ma'am Avery, please wag niyo po ipaalam sa iba" Halos mangiyak-ngiyak siya habang sinasabi niya iyon. Di ko na siya sinagot at tumingin nalang sa pintuan ng elevator.

"Don't give the lady a hard time, Avery." Napatingin naman ako sa and he was looking at me smugly. Napataas naman ang kilay ko dahil dito.  Gosh, pansin ko lang kanina pa ko napapataas ng kilay.  Buti pa itong mga kilay ko at nakapag exercise. Baka magkamuscles na sila.  Charot. Well going back.

"Shut up." Sabi ko kay Tyler.  Halatang nagulat naman si Carlene sa inasta ko pero nanahimik nalang.


Bumukas na ang elevator nang makarating kami sa 49th floor, at nagmamadaling lumabas si Carlene. Lalabas na sana ako nang hawakan ni Tyler ang braso ko.  Napatigil naman ako at inalis ang kamay niya bago ko ito harapin.


"It was nice seeing you again, Avy" sabi nito sa akin.  I just rolled my eyes at him, at tumalikod na sa kanya at nagsimulang maglakad.




Tyler Delavan, the CEO of the company,





a jerk,





a heart breaker,








and my ex-boyfriend.

---

A/N: I hope you enjoyed this and continue reading the next chapter. Don't forget to add this in your reading list, comment and vote.  Thank you lovies!  😊😘

Pick Up The Pieces (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon