Chapter 2

83 12 0
                                    

Avery's POV

Phew. Oh - My - Gosh kumakabog parin yung dibdib ko hanggang sa nakarating ako sa office ko at umupo. Natawa naman ako sa sarili ko nang maalala ko kung paano ko sagutin at irapan si Tyler kanina. Hello Avery CEO yun baka wala ka ng trabaho bukas.

Unti unti namang nawala ang ngiti ko nung maalala ko yung sinabi ni Tyler.

"It was nice seeing you again, Avy"

Yeah right.  What a jerk. Kung alam ko lang na siya pala ang CEO ng kompanyang to, hindi ko nalang sana tinanggap ang trabahong to





*flashback 1 ago*

Kanina pa ako nakatitig sa laptop ko at hindi ko masimulan yung resignation letter ko.

"Lord, bigyan mo naman ako ng sign oh."

Napasandal ako sa upuan at inisip kung bakit ko nga ba gustong mag-resign?

I love my current job as fashion director.  Mataas ang sahod since nasa strategic or corporate level ang trabaho ko. Pero masyado na itong nagiging toxic para sa akin dahil sa environment or should I say dahil sa isang tao. 

Matilda Rivera. She was my friend when back when we were in college, or so I thought. Pero nagbago yun nung malaman kong kinakanti niya ang boyfriend kong si Tyler.

Ha! What a bitch, kinaibigan niya lang pala ako para ahasin ang boyfriend ko.  I didn't really see that coming, ang galing nilang umarte na parang wala silang ginagawang kababuyan kapag wala ako.

Tyler was my boyfriend for 4 years until we broke up just a week before graduation when I caught them having sex in his condo.

4 years ago, I was supposed to surprise him since 4 years and 1 month namin kinabukasan . But then jokes on me, ako pala ang nasurprise.

I remember walking in on them while they were doing it, hindi pa nila ako mapapansin kung hindi ko nabitawan ang mga hawak kong cake. Nanlamig ang buong katawan ko at para bang napako ako sa kinatatayuan ko habang tumutulo ang mga luha ko.

Gulat ang rumehistro sa mga mukha  nila at humiwalay si Tyler para isuot ang damit niya. Bumalik nalang ako sa realidad nang makita ko ang mukha ni Matilda na nakangiti at para bang nangungutya habang inaayos yung damit niya.

Nagdilim ang paningin ko at mabilis akong lumapit sa kanya at sinampal ng malakas. Hinawakan ko ang buhok niya at hinila siya papunta sa cr.

"Get off me Avery!! Aaaah! You bitch!!!"  Nagpupumiglas ito pero hindi ko na ito pinansin kahit na punong puno na ng kalmot ang mga kamay ko.

"Don't you ever call me bitch kasi hindi tayo magkatulad!!" Hinigpitan ko pa ang pagkakawak ko sa buhok at nang makarating kami sa cr ay nilock ko ang pinto. Naririnig ko pa si Tyler na kumakatok at parang gigibain na ang pintuan pero hindi ko na ito pinakealaman. Sinubsob ko ang mukha ni Matilda sa toilet bowl at hinila ito ulit

"Aah! Avery bitawan mo ako!!!" Napaubo pa siya habang nagsasalita

"What did I ever do to you para gawin mo sakin to!" At may gana pa itong ng tumawa. Isinubsob ko ulit ang mukha niya sa toilet bowl. Hindi ko naman siya papatayin eh. I'm just so mad! Inangat ko ulit ang ulo niya at pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa buhok niya.

"Tell you what Avery, I was actually doing you favor. Binigay ko kung ano ang hindi mo kayang ibigay sa boyfriend mo!"  Binitawan ko ang buhok niya at sinampal siya.

Pick Up The Pieces (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon