Baekhyun - Secretly Inlove

962 16 3
                                    

 Si Ayel ay isang fourth year high school student, maganda, matalino pero hindi sya yung tipong Campus Queen, di rin naman nerd ,simple lang sya. Wala syang kaibigan dahil di sya ganoong sociable. Wala syang pakialam sa mga bagay bagay. Cold person kumbaga.

NBSB si Ayel,kahit may nanliligaw sa kanya ay di nya ito binibigyang pansin. Pero may kaisa isang lalaki syang nagugustuhan este minamahal pala at yun ay si Baekhyun. Isang gwapong lalaki, mabait at lalong naiinlove si Ayel kapag naririnig nya ang nakakahumaling nitong boses, myembro kasi ng sikat na banda sa school nila si Baekhyun. Sya ay isa sa vocalist ng The Wolves,pangalan ng banda nila.

Simula grade school hanggang ngayon ay magkaklase sila, simula din noon ay mahal na ni Ayel si Baekhyun ngunit kahit minsan ay di pa sila nakakapag usap,hanggang tingin at sulyap lang siya. Minsan ay nahuhuli ni Ayel na nakatingin si Baekhyun sa kanya kaya naman kilig na kilig ito kahit di nya sigurado kung sya nga ba talaga ang tinitingnan ni Baekhyun. Parati syang umaasa na makausap nya sana si Baekhyun.

Matapos ang klase nila, nagsipag uwian na sila. Ito ang pinakaayaw ni Ayel dahil di nya masusulyapan si Baekhyun.

Malungkot na naglalakad si Ayel pauwi, hirap na hirap din sya dahil napakadami nyang dala dalang libro. May biglang bumangga sa kanya kaya naman nagtapunan lahat ng dala dala nya. Isa isa nya itong pinulot at di na sya nag abala para tingnan pa ang nakabangga sa kanya.

"Naku Miss Sorry? Sorry talaga di ko sinasadya?" paghingi ng paumanhin ng nakabangga sa kanya. Nakatungo pa rin si Ayel.Nagulat sya sa narinig nya, alam nya kung kaninong boses yon. Di sya maaring magkamali. Nang humarap sya dito ay laking gulat nya, tama nga ang hula nya. Si Baekhyun nga ang lalaking nakabunggo sa kanya. Nakanganga siya habang nakatitig kay Baekhyun.

"Miss. Miss. Okay ka lang ba?" tanong ng lalaki. Agad namang napahiya si Ayel sa inasal nya.

"A-ah O--o-Okay Okay lang" sabi ni Ayel habang nauutal pa. Ito kasi ang unang beses na nakausap nya si Baekhyun.

"Ah ganun ba. Sorry talaga ha. Ahhmm Ako nga pala si Byun Baekhyun. Baek na lang. Ikaw ba?" nakangiting sabi nito at nakalahad ang kamay nito.

"Ah-ah A-ako s-si si Ayel. Seth Ayel Martinez." pautal utal nitong sabi dahil sa sobrang kabang nadarama nya at dahan dahang inabot ang kamay ni Baek upang makipag shake hands. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Ayel nang maglapat ang mga kamay nila. Sa loob loob ni Ayel ay gustong gusto na nyang tumalon sa saya.

"Ayel pwede bang ihatid na kita sa bahay nyo? Napansin ko kasing napakadami mong dala dala. Para narin makabawi ko sayo. Ok lang ba?" tanong nito. Di naman makatanggi si Ayel dahil kilig na kilig ito.

"O-oo Oo naman" sabi nya habang pinipigil ang ngiti nya.

Lumabas na sila sa campus at nagsimulang naglakad ang dalawa. Tahimik sila pareho at walang imik. Biglang binasag ni Baek ang katahimikan sa pagitan nila.

"Napansin ko na napakatahimik mo, pwede ba kitang maging kaibigan? ^____^ " nakangiting sabi ni Baek sa kanya. Sasabog na naman ang puso Ni Ayel sa sobrang saya. Napakabilis ng pintig ng puso nya.

"Oo naman" nakangiting sagot ni Ayel. Sa wakas ay magkakakilala narin sila ni Baek.

"Lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka. Sana ngumiti ka na lang palagi." Papuri ni Baek sa kanya, agad namang namula ang mukha ni Ayel dahil sa kilig.

Lingid sa kaalaman ni Ayel matagal na din pala syang mahal ni Baek. Nahihiya lang ito na umamin dahil may pagkatorpe sya. Sinadya ni Baek na banggain si Ayel upang makausap ito at para mas lalo pa itong makilala. Para na din makapagtapat sya ng nararamdaman nya dito.

Lumipas ang mga araw, mas nakilala nila ang isa't isa at naging magkaibigan sila. Mas lalo ring lumalim ang nararamdaman nila sa isa't isa. Malapit na ang kaarawan ni Ayel kaya naman niyaya nya si Baek upang maipagdiwang nila ito. Tinawagan nya ito.

*at the phone*
Calling Mr. Baekie
After ng ilang ring ay may sumagot na dito.

"Hello Baek. Si Ayel to." bungad nya.

"Oy Ayel kaw pala. So what's up?" masiglang sabi ni Baek.

"Ah--eh Ka-kasi pwed-pwede ba kitang maimbitahan?" kinakabahang tanong ni Ayel.

"Huh? Oo naman. San ba?"

"Ah kasi ano-- Ah birthday ko next week. Mind if you'll join me? " tanong nya.

"Aba oo naman. Ikaw pa, malakas ka sakin e. Haha." sabi nito. Natuwa naman si Ayel sa narinig nya.

"Woah. Talaga? Talaga? Promise yan ha? Wag kang mawawala sa birthday ko." tuwang tuwa nyang sabi.

"Oo naman."

"Hehe. Thank you. Oh sige bye na. Aasahan ko yan ha?" sabi ni Ayel at ibinaba ang phone nya.

Dumating na ang birthday ni Ayel.

Nang nagkita ang dalawa ay agad silang nag usap. Pareho silang may kabang nararamdaman.

"May sasabihin ako sayo" sabay nilang sabi. Napatawa na lang sila.

"Sige mauna ka na" sabay uli nilang sabi. Muli ay napatawa sila.

"Sabay na nga tayo" sabi ni Ayel na medyo kinakabahan.

"I LOVE YOU". nagulat silang pareho sa narinig, at agad napangiti.

"I LOVE YOU TOO" Sabay uli nilang sabi. Unti unti ay naglapit ang mga mukha nila at sa wakas ay naglapat ang mga labi nila. Di nila pareho maipaliwanag ang sayang nadarama nila.

--FIN--

This short story is dedicated to my Itpuda and Kyeopta Friend PuSeth. Ahehe. 사랑해

Abangan ang iba pang EXO One shot Stories. Comment and Vote is highly appreciated ♡ Thank you. Don't forget to add this on your library.

-KyeoptaGoddess

 

EXO One Shot Stories [Tagalog] ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon