Suho- 3 Days with my Angel

691 13 5
                                    

3 Days with my Angel (KyeoptaGoddess)

Ang kwentong ito ay bunga lang ng aking napakalawak na imahinasyon. As in kasing laki ng galaxy..Haha Joke lang. Bawal gayahin pero pedeng basahin. Mga kaibigan ko sana po sa pagbabasa nyo nito ay wag nyong kakalimutang I add sa library nyo at syempre VOTE and COMMENT naman dyan. Wag kalimutan bisitahin ang Mga Works ko. Salamat. KOmawo !!

----

Mahinang mahina na ako, hirap na hirap na ako, lahat na ng sakit ay dala dala ko. Nanaisin ko pang mamatay pero di pwede,hindi pa ako pwede mawala sa mundong to hanggat di ko pa nakikita ang tatay ko. Bakit ba kasi ako nagkasakit sa puso?

Bakit ba kasi ako pa? Konting galaw ko lang ay pagod na ako, buong buhay ko halos naspend ko na sa hostipal. Di ko na maalala kung kelan ako nagsimulang mahimlay dito sa ospital nato.

Sobrang hirap ng nararamdaman ko. Nauubos na ang hininga ko.

*TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOTTTTTTT*(hospital machine)

Matapos kong marinig ang napakabang tunog na iyon ay agad akong nagising sa isang di pamilyar na lugar, pano ko ba ito ilalarawan? Isang luntiang malawak na field, napakadaming mga bulaklak na may iba't ibang kulay, may mga matataas na puno, in one word it is Paradise. Napakatahimik, napakapayapa, parang ang sarap tumira dito.

Naglakad lakad ako at sinubukang maghanap ng mga tao dito pero wala.

'Teka nga muna,nasaan ba ako?'tanong ko sa isip ko.

'Bakit di na ako nanghihina?'

Parang may nakarinig naman sa aking iniisip at may biglang sumulpot na isang 'OMO so cute guy' ,nakasuot ng puting damit at puting pants, napakaamo ng mukha nya.

"Hello Marianne" sabi nya at nagulat naman ako.

"huh? Sino ka? ASan ako? Kidnapper ka ba? Ikaw ba nagdala sakin dito?" tanong ko. Pero imposibleng maging kidnapper to ang pogi e, tapos mukhang disenteng tao.

"Hahaha" tawa nya . OMO ang kyuut nya talaga lalo na nung tumawa sya.

"Ako si Angel Suho, ako ang guardian angel mo" sabi nya.

'Angel? Teka bangag(baliw) ba ito ?'sabi ko sa isip ko.

"Hahaha. Di ako bangag.Andito ako para sunduin ka." nagulat naman ako dahil mind reader pala ito.

"Sunduin? Ako? Bakit? " nagtatakang tanong ko.

"Marahil ay di mo nga naiintindihan ang lahat, teka lang may ipapakita ako." sabi nya at may biglang lumitaw sa mga kamay nya. Wow magic.

Teka ano yun? Tablet? IPad? Wow Cool.Astig ha pati angel naka IPad na.

" Pede makilaro ng Flappy bird ?" tanong ko. Ni minsan kasi di ko pa nalalaro yun e.

"Wala akong ganung laro.Angry bird lang. Mamaya ka na mag laro panoodin mo muna to" sabi nya at may pinindot sya sa IPad nya,nakita ko sa screen ng tablet nya ang sarili ko na nakahiga sa hospital bed, walang malay at putlang putla. Grabe ang payat ko na pala.

"A-ako yan?" tanong ko at tumango naman sya.

"Kung itatanong mo ako ay 30 minutes and 3 seconds ka nang namaalam sa mundo nyo at ngayon ay papasok na tayo sa panibago mong mundo , sa langit . Nakikita mo ba ang gate na yun?" tanong nya habang nakatur sa napakataas na gate na kUlay gold. Woah ang ganda.

Tumango naman ako.

"Dyan ang daan papuntang langit. Tara na." sabi nya habang nakalahad ang mga kamay nya.

EXO One Shot Stories [Tagalog] ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon