D.O - Marry You ♡

454 11 4
                                    

D.O - Marry You ♡

Stephanie's POV

*XOXO~XOXO~XOXO~Yeah~*

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko, may natawag pala. Ugh anong oras pa lang? Tss.

I am still sleepy kaya naman kinapa ko ito sa side table ng bed ko at pinindot ang answer button kahit na di ko alam kung sino man yung natawag.

"He-Helloo." sabi ko sa kabilang linya habang nakapikit pa at naghihikab.

"HAPPY 5TH ANNIVERSARY SA INYO STEPPPPHHHHH !!!!" bigla namang nagising ang diwa ko dun, Alam ko na kung kaninong boses yun. Arrggh sakit sa tenga nakaloud speaker pa man din. Ayys -.-

"Argghh Janna, ang aga aga mo mambulabog dyan, look oh it's just-- Say what? 2:00 am pa lang and ang aga aga mo kong inistorbo. Ugh" I said.

"Hihihi. Sareee Bestie. Peace tayow. I'm just so excited kasi para sa inyo ni Papa D.O, biruin mo umabot kayo ng 5 years? So tumawag na ba sya? Binati ka na ba nya? Ano sabi nya? Magdedate ba kayo? Saan? Daliii kwento mo na. " she excitedly stated.

"Ano ba Janna, ikaw ba magcecelebrate? Ikaw? Excited? Wag ka ngang OA dyan, di pa yun babati dahil napaka aga pa." I said.

"Haha. Saree I badly just wanna know. Hohoho~"

"Tss. Chismosa ka. Bakit ba ang aga mo nagising at nambubulabog ka pa? " I asked habang nagkakamot ng ulo.

"Kasi maaga kami magtatravel nina Mommy papuntang Palawan. Bibisitahin namin si Lola there eh. " she stated.

"Oh. Okay. Hey pasalubong ko ha? " sabi ko.

"Syempre naman Bestie. Hey kwento mo na lang yung date nyo ni Papa D.O ha? Hihi. Byeee. Tawag ako uli mamaya. Labya." sabi nya.

"KBye. Labya too.Ingat.  Tulog na uli ako." I said and hang up. Daldal talaga nya. Napailing na lang ako at napangiti.

Di rin ako makapaniwala na aabot kami ni Kyungsoo ng 5 years, naalala ko pa nung una kaming nagkakilala. 

I was walking down the street, dahil sa boredom ay naisipan ko na mag gala gala. Then nabunggo nya ako ng bike nya dahil nawalan daw sya ng preno. At first ay nagalit ako, pero nagsorry sya at sinabing di nya sinasadya. Nakipagtalo pa ako pero I found out na sincere talaga sya. He also treat me in an ice cream parlor at inangkas nya ako sa bike nya. Ang saya nya kasama, I feel comfortable with him. We became friends, nagkakilala kami ng lubos, he confessed his special feelings for me, he courted me, sinagot ko sya dahil I also feel the same way , we went dating, we share special moments at boom nagtagal kami ng 5 years. Though sometimes ay may tampuhan at di pagkakaunawan, pero naayos agad namin ito. Loving him is the best thing in my life, I found happiness when I'm with him. Napakasaya ko na umabot kami ng 5 taon.

EXO One Shot Stories [Tagalog] ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon