Luhan- He's A Jerk!
Angela's POV
"Oy Rogine may assignment ka na?"
"Oo Mae."
"Pakopya naman ako Erica."
"Oy andyan na ba si Ma'am?"
"Wala pa ata Trisha e."
"Hoooyy sino ba kumuha ng ballpen ko dito? Mamatay na kayo ngayon!"
"Oy Rena pengeng papel,wala pa akong assignment e."
Yan ang mga ingay na naririnig ko habang dumadaan sa hallway ng school namin. Lahat ng classroom ay maingay, may nagtatawanan, nag aasaran at nagkukulitan. Marami akong nakakasalubong na students,mga nagtatawanan rin,yung iba ay nagtatakbuhan pa. Nasanay na rin naman ako dahil ganito ang eksena dito araw-araw.
*Lakad. Lakad. Lakad*
Malapit na ako sa classroom ko ng may bigla na lamang bumangga sa akin kaya naman lahat ng dala dala kong libro pati ang project na buong gabi kong pinaghirapan ay nagtapunan lahat sa sahig. Isa isa ko itong pinulot.
Matapos ay tumingin ako sa nakabunggo sa akin. Isang lalaki, mukhang mayabang. Tindig palang alam mo na ang ugali. Blonde ang buhok at matangkad sya kesa sakin. Yeah he's cute but I find him so annoying.
"Ano Miss, titingin ka na lang ba dyan at nganganga buong maghapon sa gwapo kong mukha? Di ka ba man lang mag sosorry dahil nabunggo mo ako?" mayabang nyang sabi habang nakasmirk pa. Nag init bigla ang ulo ko. Mas lalo ko syang kinamuhian ng makita ko yung project ko na sira na pala. How dare he is!!
Tumayo ako at hinarap sya.
"Ah talaga? Ako pa dapat yung magsorry,eh loko ka pala e,ako na nga yung nasaktan dito at higit sa lahat nasira pa yung project na buong gabi kong pinaghirapan!" sigaw ko sa kanya. Gosh he's getting on my nerves!
"So?" sabi nya na parang wala lang sa kanya yung mga sinabi ko. Mas lalong uminit ang ulo ko. Sino ba sya sa tingin nya?
"Walangya ka talaga e ano? Baka gus---" naputol ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang school bell. Nakuuuu pasalamat sya kundi nasapak ko na sya!
"So pano ba yan Miss Nga Nga, may atraso ka pa sakin, hihintayin ko na lang yung sorry mo hanggang mamaya." sabi nya na nakangiti pa. Aba't talagang inaasar ako ng mahangin na lalaking to.
"Hoy anong Ms. Nga Nga? " galit na tanong ko.
"Haha. Wag kang ngumanga pag nakikita mo ako at baka pasukan ng langaw ang bibig mo." Aba't talagang antipatiko!
"Hoy ang kapal din talaga ng mukha mo e. Kung sino ka mang alagad ni Lucifer ! Humanda ka sakin! " sigaw ko sa kanya. Nagkibit-balikat lamang sya and gave me a sexy smirk, saka tumalikod sa akin at humakbang na.
Di pa man sya nakakalayo ay may hinagis syang papel.
"Ayan na Ms. Nga Nga para alam mo kung saan ako pupuntahan." binasa ko naman ang nakasulat.
Name: Lu Han
Section: 4-Wolf
Gwapo at Cool kaya lahat ay napapanganga. Blah..Blah..Blah..Kung ano ano pang mga kayabangan ang nakasulat .
Aba't talagang napakahangin ng taong to e. Nilamukot ko yung papel at ibinato sa kanya. Woooh 3 points. Tumingin sya sakin ng masama, kaya't dinilaan ko lang sya at tumakbo sa classroom ko. Luckily wala pa si Ma'am. Naalala ko naman bigla yung project ko. Ahuhuhu It's totally broken and ruined. Walangyang Luhan na yan, it's all his fault. Ano na ang ipapasa ko ngayon? Today is the deadline of submission. Ano na gagawin ko?

BINABASA MO ANG
EXO One Shot Stories [Tagalog] ♥
FanfictionMga kwento para sa mga Filipino EXO-L ! Read and enjoy :)) 아자