Chapter 23

5.3K 162 8
                                    


SEVEN'S POV

Flashback:

"Sev you need to do it. Hindi lang para sa kompanya mo kundi para sa sarili mo. Hindi naman porke matagal ka nang hindi naglalaro ay hindi ka na magaling, napatunayan mo naman na yun di ba?" Kanina pa talaga ako pinipilit ni Johanna na sumali sa tournament na sinasabi nya. Hindi ko nga alam sa kanya kung bakit ganoon na lang sya kadesidido. I mean sinabi nya naman na ikakasal na si Sam dun sa bwisit na lalaking yun pero ang hindi ko alam ay kung ano'ng koneksyon nang laro sa kasal nang dalawa?

"Doon mo lang malalapitan uli si Sam. Ikaw lang ang makakapilit sa kanya na wag ituloy ang kasal. Sev, she's in danger. Sinasaktan sya ni Jerome at saka hindi lang sya kundi pati narin ang kambal. Hindi narin kayang umalma nang mga magulang nila kasi hawak di sila sa leeg ni Jerome. Nagawa nyang ilipat lahat nang ari-arian nang mga Tiu sa pangalan nya nang walang kahirap-hirap kaya naman walang magawa ang mag-asawa kundi hayaan sya sa mga gusto nya." Dagdag naman ni Rebecca na syang sumagot sa mga katanungan sa isip ko.

End of Flashback...

"Kung hindi ka ba naman tanga Sam. Sinabi ko naman sa iyo noon di ba? Sa akin ka dapat sumama that time di sana hindi ka nasasaktan ngayon at hindi sana ako namomroblema sa iyo," parang baliw na ata ako dahil nagsasalita ako nang mag-isa dito sa kwarto ko na para bang kaharap ko si Sam.

That girl. Kahit paulit-ulit nya akong saktan, kahit paulit-ulit nya akong ipagtabuyan pero itong sarili ko pilit paring hinahabol sya. Sa lahat nang ginawa nya, I think I deserved far better than this but maybe, just maybe, I don't need the better ones because all I need in this life of mine is her.

"Pero bakit sya andoon kung badminton tournament yun? Haist, ang gulo!" Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis.

Kung pumunta nga ako doon, ano na agad ang mangyayari? At kung andoon nga si Sam siguradong andoon din ang kumag na si Jerome. That jerk, hindi ko na sya pinakialaman dahil sya naman talaga pala ang gusto ni Sam pero sinaktan nya ang babaeng mahal ko kaya babalikan ko sya.

Agad akong lumabas sa kuwarto at dumiretso sa garahe. Agad kong hinanap ang motor ko at sinakyan.Bago ako pumayag sa pagsali sa larong sinasabi ni Johanna ay kailangan ko munang bumalik sa lugar na iyon.

Agad kong tinahak ang madilim na daan papunta sa dating bahay ko. Oo,iba na ang bahay ko ngayon dahil mula nang iwan ako ni Sam ay hindi ko na nagawa pang bumalik sa pamamahay na iyon dahil puno lang ang lugar na yon nang mga alaalang dapat ay kalimutan ko na. Hindi ko naman iyon maibinta dahil nandoon din lahat nag alaala ko mula sa mga magulang ko kaya hinayaan ko na lang at hindi na tinirhan pa.

Nang makarating ako sa tapat nang bahay ay agad akong bumaba sa aking motor at agad na dumiretso sa bahay. Pagkabukas na pagkabukas ay tumakbo na agad ako papunta sa kuwarto namin noon ni Sam.

"Sorry kung napabayaan na kita," malungkot na saad ko nang buksan ko ang ilaw. Ang kuwartong yun ang naging saksi sa lahat nang nangyari sa buhay ko, mula pagkabata hanggang sa lumaki ako pero ano'ng ginawa ko? Pinabayaan ko syang mapuno nang alikabok at sapot nang gagamba.

Habang iniisa-isa kong tingnan ang mga bagay sa loob nang kuwarto ay nakita ko ang isang lumang sobre sa bedside table.

Seven.

Yun yung nakalagay sa harap nang sobre kaya binuksan ko na.

"Jerome told me na papatayin ka nila kung hindi ako sasama kaya ko ito ginawa. Alam ko nag-aalala ka na dahil palagi akong tulala at minsan hindi makausap. Hindi ko kasi alam kung kelan ko pwedeng gawin yung pinapagawa sa akin ni Jerome para lang hindi ka nya pakialaman.

Sev, if i told you na hindi kita mahal, maniniwala ka ba?"

Yun lang ang laman nang sulat pero parang yun na rin ang naging sagot sa lahat nang tanong ko nang araw na yun.

Flashback:

Sa wakas malalaman na nang mga kaibigan ko na girlfriend ko na si Sam. At natutuwa din ako dahil sa wakas may makakausap nang iba ang babaeng yun. Alam ko naman na kuntento na syang kasama ako pero iba parin yung may nakakakwentuhan syang iba. At hindi naman sa lahat nang oras nakakarelate ako sa mga bagay na gusto nyang pag-usapan. Kahit papaano kapag alam na nang mga kaibigan ko ang tungkol sa kanya di kahit ano'ng oras kung may kailangan syang kausap ay pwede nyang tawagan ang isa sa kanila para kausapin.

Pagdating ko sa harap nang gate nang bahay ay napansin ko agad ang hindi pamilyar na kotseng nakaparada sa harap nito. Agad kong pinarada ang sarili kong kotse at dali-daling nagpunta sa loob.

"Please sana okay ka lang," kinakabahan ako sa bawat hakbang na ginagawa ko dahil iniisip ko na baka nahanap na si Sam nang mga magulang nya and I can't afford to lose her.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!" nanggagalaiting tanong ko nang madatnan ko kung sino ang nasa pamamahay ko.

"Binabawi ko na si Sam, Seven. Matagal ko syang ipinahiram sa iyo pero its D-day and I need to take back what's mine now," nakangising saad ni Jerome.

"Bawi? Hiram? Hindi laruan si Samantha!" Susugudin ko sana sya nang iisang suntok kung hindi lang ako pinigilan ni Sam.

"Please Seven, wag mong ituloy yang gagawin mo." malumanay nyang saad kaya ibinaba ko ang kamay kong iaamba sana sa pagmumukha ni Jerome.

"Pakiusap din Sam, paalisin mo sya dito sa pamamahay ko," pinipigilan kong wag magalit dahil alam kong ayaw din naman ni Sam na magkagulo.

"Aalis na sya Seven," sabi ni Sam kaya parang nagsubside narin ang inis ko.

"Pero kasama ako," gulat akong napatiningin sa kanya.

Don't tell me sasama talaga sya kay Jerome? Hindi pwede yun dahil ang sabi nya mahal nya ako at hindi nya ako iiwan. Natatakot ba sya? Pero sabi nya wala na syang pakialam basta kasama nya ako. So ano tong sinasabi nya ngayon? Iiwan nya ako at sasama sya sa lalaking kinamumuhian ko. Ang lalaking sumira sa buhay ko.

"Sam don't do this. Kung natatakot ka sa kanya please wag dahil andito naman ako. Poprotektahan kita." Alam ko sa sarili kong kaya ko syang protektahan mula sa lalaking kaharap ko ngayon pero hindi ko alam na sarili ko pala ang masasaktan.

"Tama sya sa sinabi nya na ipinahiram nya lang ako sa iyo," biglang nag-iba ang expression nang mukha nya. Nagbalik yung 'wala akong pake sa mundo' na ekspresyon nya na gamit nya noon sa training camp. Ang mukhang kahit gaano pa kacold tingnan ay nakapagpabihani parin sa akin.

"What do you mean?"

"I never loved you. Mula noon hanggang ngayon nagpapanggap lang ako na para bang gusto kita. Inutos yun ni Jerome sa akin kasi ang sabi nya gusto nyang makapaghigante sa iyo. At dahil mahal ko sya kaya sinunod ko ang gusto nya. All this time niloloko lang kita. Don't worry I really enjoyed are 'relationship'. Everything you have done, I've enjoyed it. But everything has an ending."

"Sam," yun lang ang nasabi ko dahil nablanko na ata lahat nang mga salitang pwede kong sabihin.

End of Flashback....

"All this time your lying and all this time I'm a jerk for not believing in your words before," napailing ako sa mga bagay na naiisip ko ngayon lang dahil sa madiskubre ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag.

"Johanna I'm in." yun lang at pinatay ko na ang tawag.


Hindi ko man alam kung bakit andoon si Sam sa tournament pero wala na akong pake basta kailangan ko syang makita.

It Started In Zero (GxG)☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon