Chapter 26

5.1K 175 12
                                    

SEVEN's POV

Sa wakas mag-isa na lang sya kaya dali-dali ko syang nilapitan.

"Samatha," tawag ko sa kanya habang mag-isa syang naglalakad sa hallway nang building kung saan ginaganap ang tournament. Hapon pa uli ang laban ko kaya okay lang kung mag-aksaya ako nang time.

"S-seven? Bakit andito ka?" nakita kong kinabahan sya nang makita nya ako. Dapat nya talagang maramdaman yun dahil may kasalanan sya.

"You bitch!" sinigawan ko sya na ikinagulat nya. Paano ba namang hindi eh kung yun ba naman ibungad sa iyo nang dati mong karelationship dati di ba?

"Se-ven. Yang bibig mo," yun lang nasabi nya na iningusan ko lang. I know I'm the one to be blamed kung bakit kailangan pang humantong dito lahat pero I need to know kung paanong kinayang tikisin yung nararamdaman nya.

"Sabihin mo sa akin. Paano mong kinaya ang lahat nang ito?"

"Please Seven wag dito," nangungusap ang kanyang mga mata na parang sinasabing wag kung gawin kung ano man ang binabalak ko. Pero hindi pwede. Hindi ko na kakayanin. Matagal akong namuhay na para bang buhay na hindi at ngayon kung saan ko makikita ang sarili ko ngayon ko pa ba babaliwalain?

"Eh kailan pa Samantha! Babalik na naman ba tayo sa dati? Kung saan ipagtatabuyan mo uli ako? Kasi ano? Hindi mo na naman kaya. Please naman, we're too matured na to know what's right and what's wrong. Samantha I know na sinasaktan ka nya. I believe that because its his nature at alam kong hindi na sya magbabago. And I'm right here ready to save you from that monster. Hindi kita pwedeng ibigay sa kanya. Hindi ngayon, hindi bukas o kahit kailanman. Hindi na ako papayag na mawala na naman ang taong mahal ko dahil sa kanya."

"Stop saying that to my fiancee. You don't know him Seven. Kababata ko sya at ni kelan man hindi nya ako sinaktan. He's too good to do that. At kung yan lang pala ang pakay mo dito di sana hindi ka na sumali pa sa laro. You're just ruining the essence of the game."

"Fiancee?" marahas akong napabuntong hininga at tiningnan sya nang masama.

"I believe na alam mo nang engaged kami. And to inform you, I said yes to him wholeheartedly. Maybe nagkakaganyan ka dahil sa note na iniwan ko sa iyo pero pasensya na pero isa lang rin yun sa mga joke ko sa iyo."

"Aminin mo nga sa akin Sam kung bakit sa tuwing nagkakausap tayo ay kadalasang kasinungalingan ang sinasabi mo?"

Hindi sya nagsalita dahil alam nyang tama ako. Sa tagal nang bwisit na love story naming ewan akala nya ba hindi ko sya makikilala nang tuluyan?

"Pero bakit ganoon? Kahit alam kung nagsisinungaling ka nasasaktan parin ako?" patuloy ko pa habang sya naman ay wala paring kibo.

"Ito ba gusto mo? Ang saktan ako para layuan na kita nang tuluyan?"

"Oo." agad nyang saad. This heartless bitch. Nakaya nya talagang sabihin yun sa harap ko nang walang alinlangan. "Kung ito lang ang paraan para mawala ka na sa buhay ko then oo ang sagot ko. Wala ka nang mapapala sa akin. I don't deserve you anymore. You deserve better than this and I know that you know it yourself."

"Bakit ba ang hilig nang taong magdecide para sa iba. Di ba dapat ako ang nakakaalam kung ano'ng mabuti sa akin?"

"Kung talaga para tayo sa isa't isa di sana hindi palaging ganito na may hadlang. I realized na baka kaya ganito kasi hindi naman talaga dapat tayo ang magsama. Maybe we should move on now and make a new life without us being part of each others lives." Napayukom ako nang mahigpit dahil sa narinig.

"At sino ang dapat mong kasama? Sya? Nahihibang ka na ba?" tong babaeng to palagi na lang akong ginagalit sa mga pinaggagawa nya. Bumabawi ba sya sa pang iinis ko noon sa kanya? Dahil kung oo, bawing-bawi na sya.

It Started In Zero (GxG)☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon