Chapter 38

6.5K 179 32
                                    

38:

Sam's POV

"Sino ka?" bigla akong napakalas sa pagkakayakap sa kanya dahil sa narinig ko. May amnesia ba sya? Pero hindi naman eh. I can see the recognition in her eyes.

"Sino ka para yakapin ako? Hindi ba't ikakasal ka na kay Jerome?" may bahid ng galit na sabi nya sa akin. Natawa tuloy ako. Hindi sa kanya kundi dahil sa sarili ko. Just for a second there, I really thought na nagkaamnesia sya. Bwesit, kinabahan ako ng mabilis doon.

"Sev, pupunta pa ba ako kung ikinasal na ako sa kanya? Kung gagawin ko yun di parang nilalagay ko lang sa isang masamang posisyon ang sarili ko," naiintidihan ko naman si Seven kung bakit nya ako tinuturing ng ganito.

"Kung ganoon bakit ka andito?"

"Dinadalaw ang girlfriend ko."

"May girlfriend ka?" mas lalo atang nagdilim ang aura nya sa sinabi ko. May masama kung tawagin ko syang girlfriend?

"Oo naman. Matagal na. Mahal na mahal ko nga yun eh."

"May girlfriend ka na bago ka pa ikasal kay Jerome kaya pala hindi mo ako maipaglaban kasi may ibang tao ka palang gustong ipaglaban." At bigla akong napatawa ng malakas dahil sa sinabi nya. Fudge....Hahaha....

Kaya pala nagdilim bigla ang aura nya. Akala nya ibang tao ang tinutukoy ko. Sa pagkakaalam ko naman ay matalino si Seven pero bakit hindi nya nagets ang sinabi ko? Hahaha. Hindi ko talaga kayang pigilan ang pagtawa ko. Si Seven kasi eh.

"Kung matatawa ka lang dahil nagpakatanga nga ako sa iyo ay kung pwede lumabas ka na lang dahil sumasama ang pakiramdam ko dahil sa iyo. Ano ba--."

Niyakap ko sya ng mahigpit. Yung yakap na pangbawi sa ilang taong hindi ko sya nayakap.

"I miss you too. Yun sana ang gusto kong sabihin sa iyo nung nasa tournament tayo kaso may nagbabantay lang sa atin, sa akin kaya hindi ko nasabi sa iyo. Hindi mo lang alam pero nung mga panahong magkahiwalay tayo ay tinatanong ko rin ang sarili ko sa mga desiyong ginawa ko. Pero sa tuwing naaalala kong para sa kaligtasan mo ang lahat ay natitiis ko na lang na malayo sa iyo at sa yakap mo na tulad nito," napingiti ako dahil naramdaman kong gumanti na rin sya ng yakap sa akin. "Ito talaga yung namiss ko ng masyado sa iyo. Everytime you hug me it feels like I'm in the right place. I feel protected and loved, really. It feels home. Kaya nung mga panahong niyakap mo ako ay nagpapasalamat pa nga ako dahil ginawa mo iyon. Binigyan mo uli ako ng lakas ng mga panahong iyon dahil unti-unti ng namamatay ang ako sa loob ko dahil ang gusto kong kasama ay ikaw lang at wala ng iba."

"Pero bakit ganoon mo na lang ipagtanggol si Jerome. Masama syang tao. Kaya nga galit ako sa iyo Hindi ba? Dahil ipinaparamdam mo sa bawat salita mo na importante sya sa buhay mo.

"Dahil importante nga sya. Jerome is a good person. The case here is the he was used by this person na maitim na talaga ang budhi nung una pa lang. Nung bata palang kasi si Jerome ay nakasalamuha nya ito at nakitaan sya nito ng potential. Potential na maging kapalit nya sa mga masasamang gawain nya. Mali ang kinuhaan mo ng impormasyon tungkol sa aksidente na nangyari noong mga bata pa tayo. At sigurado akong pati doon sa kaso ng parents mo. Dahil yung aksidenteng nangyari sayo noon kasama ang kuya ni Jerome, ang may kagagawan nun ay ibang tao. Tinanong nya kasi si Jerome noon kung bakit ito malungkot at sinabi nya iyon sa tao at nasabi nya din dito na sana mamatay ka na lang para hindi na sya nasasaktan. Alam mo naman di ba, kids when they are jealous ay kung ano-ano'ng nasasabi na masama. And tinupad yun ng bwisit na lalaki at pinapatay ka nya but luckily ay nakaligtas ka pero ang kapalit naman nun ay ang pagkamatay ng kuya ni Jerome. Pero naging daan yun para mas mapalapit si Jerome sa kanya. Gusto kasing maghigante nung isa dahil sa tingin nya kasalanan mo ang lahat."

It Started In Zero (GxG)☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon